Chapter Eighteen

4.3K 108 8
                                    

Chapter Eighteen

MUMUKAT-MUKAT NA IMINULAT ni Alexa ang kanyang mga mata ngunit kaagad ding isinarado. There was so much light. Nasilaw siya sa liwanag mula sa bintana. Itinaas niya ang isang kamay upang salagin iyon. Ilang beses siyang kumurap upang i-adjust ang kanyang mga mata sa liwanag bago siya bumangon at naglinga sa paligid.

Kulay puti ang dingding, tanging isang telibisiyon lamang ang naroon at isang mahabang upuan. Mayroon ding isang pinto na mukhang para sa C.R.

Muling pumikit si Alexa. Pilit niyang inalala ang mga nangyari. Ang tanging natatandaan lamang niya ay lumabas siya ng opisina. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na nakasuot ng kulay puti.

"Where am I? What happened?" tanong niya rito nang bumangon siya. Kaagad naman itong lumapit upang alalayan siya.

"You passed out on the street. Someone brought you here. How are you feeling?"

"A bit dizzy. How long was I out?"

"At least two hours."

"Oh."

Ganoon katagal? Tapos na kaya ang meeting ni Lucas? Hinahanap na kaya siya nito?

"I have to go. I have tons of work to do," natataranta niyang sabi at tinangka niyang umalis sa kama pero pinigilan lamang siya ng nurse. Panay ang iling nito.

"You can't go yet. The doctor still needs to speak with you."

Nais pa sana niyang magprotesta nang makaramdam na naman siya ng hilo kaya nanatili na lamang siya sa kanyang puwesto.

"What's your full name?"

"Alexandra Marie..." she stopped. She's an Angeles, right? Wala naman siya sa opisina kaya't tama lamang na sabihin niya ang bago niyang apelyido. "Angeles." Nakita niyang may sinulat ang nurse sa hawak nitong folder.

"You have to really take care of yourself from now on. You can't risk your baby again like that."

"What?" nanlaki ang kanyang mga mata at laglag ang pangang nakaharap sa nurse. Malapad ang ngiti nito.

"Congratulations, Mrs. Angeles. You're ten weeks pregnant."

So, it's true? Tama ang kanyang hinala. Mabilis na dumapo ang kanyang palad sa kanyang tiyan. Ramdam din niya ang mga butil ng luhang unti-unting namuo sa ilalim ng kanyang mga mata. Pumikit siya nang mariin at pinigilan ang pagkawala ng mga hikbi.

Nagbunga ang nangyari nang gabing iyon. Mabuti na lang pala at pinakasalan siya ni Lucas. Hindi man ito tumayong 'asawa' sa kanya, sana naman ay maging ama ito para sa magiging anak nila. Sana ay ito ang maging daan upang maibalik ang dati nilang pagsasama. A smile crept on her face, a sliver of hope was beginning to brighten.

Ngunit hindi rin niya maiwasan na mangamba? Ano ang posibleng maging reaksiyon ni Lucas ngayong magkaka-anak na sila? Maibabalik ba niyon ang dati nitong pagtrato sa kanya? Aalagaan kaya siya nito kagaya ng ginagawa nito noon sa tuwing nagkakasakit siya?

"You'll be fine," wika ng nurse. Nagmulat siya at nag-angat ng tingin. "I'll go to Dr. Cavendish to tell her that you're already awake. I'll be back," anito at lumabas na ng silid.

Ni hindi niya nagawang magpasalamat o tanguan man lang ang babaeng nurse. Nanatiling naglalakbay ang kanyang isipan habang tumutulo ang kanyang luha.

"MY MEANT TO BE?"

Nag-angat ng tingin si Alexa, mula sa makikintab na kulay puting tiles ng sahig patungo sa mukha ng binata sa kanyang harapan.

"What are you doing here?" anas nito at mabilis na dinaluhan siya. Nakakunot ang noo at nag-aaalalang mga mata ang nakita niya rito.

"Are you okay? You look pale," malumanay at kalkulado na may pag-aaalala ang tono ng boses nito.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Where stories live. Discover now