Chapter Twenty nine

5K 116 10
                                    

Chapter Twenty-nine

HINDI MAINTINDIHAN NI Alexa kung bakit nakadama siya ng disappointment.

Dahil ba sa kaliit-liitang bahagi ng kanyang sistema ay umasa siya na hindi si Bryce ang matatagpuan niya sa shop na iyon kundi ibang tao? Isang tao na maraming alam tungkol sa kanya? Isang tao na malaki ang kaugnayan kay Hosea Penelope?

Pilit iwinaksi ni Alexa ang mga katanungang iyon sa kanyang isipan. Mali na maisip pa niya ang mga bagay na iyon. Wala nang lugar pa ang mga ganoong bagay sa buhay niya. Hindi na niya dapat iyon pagtuunan ng pansin. Hindi na niya dapat hayaan ang kanyang sarili na muling maligaw sa nakaraan.

She was a very busy person, she was busy moving forward. She was busy reaching her dreams for herself and for Hopee.

Ngunit ang malikot na bahagi ng kanyang isipan ay nais pa ring magtanong.

"Hey," pagpukaw ni Bryce sa kanyang atensiyon.

Tinapunan niya ito ng masamang tingin. Hindi pa rin siya makahuma sa katotohanang napag-trip-an siya nito.

"Don't 'hey' me," aniya at umirap.

"My Meant To Be," kalkulado nitong wika na parang tinatantiya pa nito ang agos.

"Don't 'My Meant To Be' me," mataray niyang sabi.

Ngumuso ito at inabot ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa. Mahigpit nito iyong hinawakan. Matapos niya itong makita sa shop ay nilayasan na niya ito sa sobrang inis, ngunit ang loko ay sinundan-sundan pa siya hanggang sa makarating na nga sila sa kanyang opisina.

"I never thought that you would look cute when your pissed," halakhak ni Bryce.

Lalo lamang siyang sumimangot at lalo lamang ding lumakas ang halakhak nito.

"Know what? You can go back to England if you only came here to play with me, I'm busy, Taggert," inis niyang sabi ngunit hindi nawala ang halakhak nito and for some unexplainable reason ay tila tinangay siya ng mga tawa nito. Kusa na lamang bumunghalit ng tawa ang kanyang mga labi.

"I haven't heard you laugh for so long," bigla ay wika ni Bryce na siyang nakapagpahinto kay Alexa. Muling nanumbalik ang seryosong ekspresiyon sa mukha niya.

"I'm glad I am able to make you smile. The last time I saw you in person, you were so sad. "

Kumunot ang noo ni Alexa, iyon ang bagay na ayaw niyang pag-usapan. Iyon ang ayaw niyang maalala— ang araw na umalis siya ng London, ang araw na tuluyan niyang iniwan si Lucas.

Ibinaling ni Alexa ang kanyang mukha patungo sa direksiyon ng glass wall at nagbuntong hininga. Pilit niyang ikinubli ang damdaming hatid ng pagpapaalala sa kanya ni Bryce ng araw na iyon.

"It has been a year," halos bulong niyang pahayag. Dama niya ang mariing pagpisil ng binata sa kanyang palad. Hinayaan na lamang niya ito.

"So, how was your year?" kaswal na tanong nito ngunit batid niya ang pagiging kalkulado niyon.

"It's good. It was so hard at first but I know I'm okay now. It wasn't that painful anymore. Gone was the past that haunted me for a long time," aniya at nagbuntong hininga. Binalingan niya ang kasama na mataman lamang na nakatitig sa kanya.

"Why are we talking about me only, why don't we talk about you? How's life? How's Care Bears?" aniya upang ilihis ang usapan.

Umiling lamang si Bryce. "I'm good. Everything is fine in Care Bears, some of the kids were already adopted. Frances and Pete will be coming next week. I have missed you so much that's why I came earlier," paliwanag nito at ngumiti.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Where stories live. Discover now