CHAPTER 1

8 3 0
                                    

CHAPTER 1

New Campus

Kiel's POV

Today, is the day to face the new chapter of my life and the start of new journey.

Kanina pa ako nakahanda para sa pagpasok ko sa bago kong school. Hinihintay ko lang ang pinakamabagal na tao sa buong mundo kasing bagal ng pagong sa dagat na naglalakad sa buhangin.

"Ate! Ano ba! Anong oras na oh! Male-late na tayo n'yan!" malakas na sigaw mula dito sa sala.

"Makasigaw ka naman d'yan!" angil ni ate Kiarra habang naglalakad pababa sa hagdan.

Napairap ako. "Nakaalis na si mommy at namalengke na si Manang. Samantalang tayo nandito pa sa bahay. Papasok pa tayo ng school." naiinis kong sambit.

Iba talaga pag mayayaman eh hindi marunong sa time management.

"Makapagsalita ka naman d'yan akala mo hindi ka nale-late. If I know hindi ka natulog sa sobrang excited." Sarkastiko n'yang sambit.

"Whatever bruh! Tara na!" sambit ko. Hindi pinansin ang pinagsasabi niya.

Nauna na akong sumakay sa kotse pagkatapos ay sumunod siya. Excited na kasi talaga akong pumasok sa bago kong school pano ba naman ngayon lang kami pinayagan ni Daddy na magtransfer. Actually ako lang talaga ang nagpumilit na lumipat ng ibang school napasama lang yung kapatid ko. Pano ba naman kasi nakakasawa na yung mga pagmumuka ng mga schoolmates ko, pati mga prof namin nakakasawa na. Pati nga din yung mga tinda sa cafeteria nakakasawa na eh. Kaya naman sobrang saya ko nung pinayagan kami.

"Can you please stop smiling. It's annoying!" pagsusungit ng kapatid ko.

Nilingon ko siya. Umagang umagang nakasimangot! "Pwede ba ate wag kang panira ng araw. Maganda yung gising ko oh!" ungot ko.

"Pwede ba wag kang mag inarte d'yan. Buti nga araw mo lang yung sinisira ko eh. Eh ikaw? Yung buong buhay ko." Ang o.a naman neto.

"Pano ko naman sinira yang buong buhay mo aber?!" masungit na tanong ko.

Makapagbintang lang!

"If you didn't asked dad to transfer, hindi sana ako madadamay!" reklamo niya.

"Tumigil ka na sa kakareklamo mo dahil wala ng silbi yan. Enrolled na tayo at ngayon papasok na tayo. Hindi naman kayo magbrebreak ni Kuya Ronnie dahil lang nagtransfer tayo. At saka sinabi ko bang sumama ka sakin?" sarkastikong tanong ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.

Irap lang ang isinagot niya sakin.

Ang daming arte. Hindi ko naman siya pinilit na sumama sakin na lumipat nang ibang school. Alam ko naman na napilitan siya dahil kapalit non bagong sasakyan!

Nang maihatid kami ni Manong Pabs, parang kabuteng mabilis na umalis si ate Kiarra. Magkakrus ang braso kong pinanood ang nagdadabog niyang mga paa. Napailing iling ako sa sinabi niya bago niya ako nilayasan

Sabihin ba naman sakin na...

"Bahala ka sa buhay mo! Wag mo akong susundan!" Mataray niyang sambit. Pakiramdam ko nga, pinagsusumpa na niya ako sa sobrang inis.

Akala naman niya hindi ko kaya yung sarili ko like duh! Ang tanda ko na kaya.

Pagkapasok ko sa gate ay mabilis akong lumapit sa guard para tanungin kung san banda ang Social Hall. Ang sabi ng registrar nung mag enroll kami dun daw ang assembly ngayong first day. Mas mapapadali sana kung kasama ko si ate Kiarra kaso, halos umusok ang mga tenga at ilong dahil sa sobrang inis.

Dating The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon