CHAPTER 4

3 0 0
                                    

CHAPTER 4

First encounter

Kiel's POV

Sobrang late nang nakauwi si ate kagabi. Mabuti na lang at hindi naisipang dumalaw nila lolo at lola. Paniguradong sermon ang aabutin nilang dalawa. Mabuti na lang din at close si Kuya Ronnie kina mommy at daddy. Pero syempre ako din.

Binilhan nga niya ako ng maraming chocolates eh.

"Kee sabay ka na sakin." biglang sambit ni ate sa gitna ng pagmumuni muni ko.

"Gagamitin mo yung bago mong sasakyan?" tanong ko.

"Yup..." simpleng sagot niya.

Sana all! Pabili na lang kayo ako ng bike para may sarili din akong service. Kaso tatlong beses pala sa isang lingo na gala uniform ang suot namin baka malipad pa palda ko. Mabigyan ko pa nang free show ang mga dadaanan ko.

Pagkatapos kumain nang breakfast, sabay kaming pumasok ni ate.

"Ate sabay din ba tayong uuwi?" tanong ko pagkababa namin sa parking lot.

"Yeah. Hintayan na lang dun sa parking lot." Sagot niya habang naglalagay nang kung ano ano sa muka.

Nang malapit na kami sa building ko, bigla siyang tumigil. Tatanungin ko palang sana kung bakit naunahan niya na ako.

"My friends are in the cafeteria."

Pagkatapos magpaalam ay naglakad ako sa ilalim nang mga umbrella. May mga nakatali kasing mga fairy lights sa itaas at doon nakasabit ang mga iba't ibang kulay nang mga payong.

Napatigil ako sa pag tingin tingin nang may mapansin ako. May parking lot din pala dito. 

Napansin ko na may nakasulat sa may parking lot malapit sa mga benches kaya naman lumapit ako at tama nga ako meron.

TAC? Sa lahat ng parkingan dito sa campus eto lang kakaiba pero mukang vandal ang nakasulat.

Napatigil ako sa pag iisip ko nang may marinig akong humaharurot na kotse papunta mismo sa gawi ko. Akala ko hihinto siya pero hindi, Mas binilisan niya pa ang patakbo niya hanggang sa napapikit ako. Biglang may bumusina kaya naman iminulat ko ang aking mga mata. Patuloy parin sa pagbusina ang nakasakay sa kotse. Sa sobrang inis ko sa ginawa niya, walang pagdadalawang isip kong lumapit sa sasakyan niya at saka hahampasin ko n asana yung salamin ng kotse niya kaso bigla niyang pinatakbo at saka nagpark dun sa kinatatayuan ko kanina. Pagkatapos patayin ang makina bumaba siya.

Oh lalake? Mga lalake nga naman sa school na to. Pero bakit iba yung pantaas niyang uniform? Uniform nga ba yan? Lumapit ako sa kanya at saka kinalabit ang likod niya. Humarap siya sakin, nakasuot ng itim na sunglasses. Masyado na bang mataas yung araw?

Tiningala ko pa ang langit. Hindi pa gaanong maiinit. Kapagkwanan ay sumama ang muka ko.

"Hindi ka man lang ba magsosorry?" sarkastikong tanong ko nang ibalik ko ang paningin sa kanya.

Kitang kita ko ang pagtaas niya ng kilay. Medyo nakatingala ako sa kanya dahil mas matangkad siya sakin ng konti. May tattoo din siyang maliit sa braso niya at may hikaw siya sa kanang tenga niya. Tapos matangos ang ilong, mapula ang labi at saka maputi. Medyo kulot ang buhok niya na abot hanggang sa taas ng tenga niya. Hindi niya ako sinagot sa tanong ko. Tinalikuran niya lang ako at saka naglakad palayo. Napairap na lang ako sa kawalan at saka nagtungo sa classroom. Bwiset!

"Good Morning Class!" bati ng prof namin.

"Good Morning Sir!"

"Okay, today we will learn about Creative Writing but first, can anyone define Fiction?"

Dating The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon