CHAPTER 17

0 0 0
                                    

Run with me

Kiel's POV

Kanina pa nagkakantahan ang mga teachers. Syempre hindi mawawala si Sir Pol na bumibirit pa. Akalain mo nga namang may future pala siya sa pagkanta. Nakakapanibago.

Every second is a highlight
When we touch don't ever let me go
Dirty dancing in the moonlight
Take me down like I'm a domino

Gumigiling pa nga!

Nakangiti akong pinapanood sila ng biglang may humawak sa baba ko at pilit na ipinaharap sa kanya.

"Hoy! Wag masyadong malande!" sigaw ni Kuya Ludwig.

Natawa naman ang mga kasamahan namin.

Tumusok ng broccoli si Miguel sa plato niya at isinawsaw iyon sa mayonnaise pagkatapos ay inumang niya sakin.

"Ang sweet!"

"Nilalanggam ako grabe!"

"Ayan na oh!" Pagpaparinig ng mga kasamahan namin. Pagkain men!

Tinanggap ko naman iyon. Mabait siyang tao. Pangarap ng maraming babae kaya hanggang ngayon hindi parin matanggap ng utak ko na nililigawan niya ako. Sinubuan niya ako hanggang maubos ang laman ng plato niya.

Baka kasi hindi niya maubos kaya sakin binigay!

Sandaling nagpaalam ang mga kasamahan namin para makipagkantahan sa mga teachers. Ako naman ay sandaling nagpaalam para lumabas. Sasamahan daw ako Miguel pero sabi ko kaya ko mag isa. Nakakahiya naman kasing istorbohin sila eh nag eenjoy silang magkakaibigan. Kung sana meron dito si Piarra, pupusta ako sa harap ng Republika ng Pilipinas, damo ang kakainin niya.

Pagkalabas ko ay inilabas ko ang phone ko para tawagan siya. Lumipat ako sa kabilang kalye para maghanap ng signal. Bigla ay may narinig akong nagsisigawan. Napatingin ako sa posteng medyo malayo sa kinatatayuan ko.

Mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko ang madaming lalakeng nakatayo na may sinisipa. Dahil tanging post light lang ang meron sa bahaging iyon, hindi ko sila masyadong makita. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanila. Maingat ang bawat hakbang ko at dahil nakatalikod sila saakin at busy sila sa pagsipa, hindi nila ako napapansin.

Bahagya silang lumayo kaya naman nakita ko ang isang lalakeng nakasandal sa poste. Nakatapat siya mismo sa ilaw. Base sa suot niyang uniform ay taga Cavelton University siya.

Napatingin ako sa white blouse niya ang dumi tapos may mga dugo pa.

Eww!

Napahinto ako ng mamukaan kung sino iyon.

Travis

What the hell?!

"Tang ina mo! Masyado kang mayabang wala ka naman pa lang binatbat!" sigaw ng isa sa mga bumugbog sa kanya.

"Kaya nga! Sayang naman yang gwapo mo muka naging basahan!" sambit pa ng isa.

Sa dinami dami ng pwede niyang mapansin yung kagwapuhan pa niya talaga?!

Kita kong nanghihina na si Travis pero ang loko nagawa pang tumawa.

Gago din talaga!

"Abat may gana ka pang tumawang gunggong ka!" galit na sigaw nung isa.

Nanlaki ang mata ko ng makitang biglang naglabas ng patalim ang isa sa kanila. Mabilis kong iginala ang paningin ko at tamang tama naman sa kanang bahagi ko ay may malaking kahoy.

Dating The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon