CHAPTER 16

0 0 0
                                    

Debate

Kiarra's POV

We're on our way to the gym. This afternoon is the debate kung san kasali si Kiel. "Sure win na tayo." wika ni Ludwig.

"Pano mo na sabe?" mayabang naman na tanong ni Eunice.

"Kasi naniniwala akong matalino lahat ng nag aaral dito sa school natin." mayabang naman na sagot ni Ludwig.

"Maniniwala na sana ako eh." sagot ni Eunice. "Ang kaso may nakapasok na tanga dito." pagpapatuloy niya.

I think I know where this conversation will go.

"At sino naman yon?!" kunot noong tanong ni Ludwig. I heard a soft chuckle on my back.

"Ikaw!" nang aasar na sagot ni Eunice.

Tuluyan na kaming natawa sa kanilang dalawa.

"Ikaw!" wika ni Ludwig habang dinuduro niya si Eunice.

Nakapamewang na humarap si Eunice sa kanya kaya napahinto kaming lahat sa paglalakad at pinanood sila.

"Oh! bakit ako?! Papalag ka na Ricafort?!" mayabang niyang tanong kay Ludwig.

Napakamot naman ng sentido si Ludwig. "Sinabi ko bang papalag ako?!" kunwareng tanong niya at saka humarap samin. "Diba wala akong sinabi?" maang maangan niya. Napailing iling na lang kaming dalawa sa kanila.

I know there's something between this two.

"Para kayong mga bata!" wika ni Shaina.

Sabay na napatingin sa kanya ng masama ang dalawa.

"Let's go. Baka wala na tayong maupuan." singit ni Miguel.

I remember what happened yesterday. Kiel is so cold to him. Sometimes, I really can't read my sister but I felt that she's pissed to something or maybe someone. Nagulat din ako kahapon kung paano niya pakisamahan ang parents ni Miguel. It was the first time I saw her like that. I thought there's a progress between them but I guess I'm wrong.

Muntikan na akong mapadapa ng biglang may bumunggo sakin galing sa likod ko. Buti na lang nahawakan ako ni Annie.

"What the fuck?!" I said.

Napatigil sa paglalakad yung nakabunggo sakin at saka humarap. I can see that she's from other school based of the uniform she is wearing. An outsider. Pinagkrus niya ang braso niya sa dibdib niya at saka taas kilay akong tinignan.

"What did you say?" tanong niya.

I stand up straight. I'm facing a bitch right now. "Aren't you going to say sorry? binangga mo ako." I said calmly.

"Oh? haharang harang ka sa dinadaanan ko eh." tanging sagot niya.

What the hell?!

"Ako pa ngayon yung may kasalanan?! Ang luwang luwang ng daanan oh!" sagot ko habang tinuturo ang sa bandang walang dumadaan.

Tinignan niya lang ako, nang aasar.

"C'mon male late na tayo." pagtatawag ni Miguel.

Binalik ko ang tingin ko dun sa babae na nakatingin parin sakin ngayon. Mabilis akong naglakad ng diretso at saka binagga siya dahilan para mapaupo siya. Hindi ko na siya tinignan naglakad na lang ako ng diretso.

"Atta girl!" wika ni Ludwig na sayang saya t'wing nakakapanood ng away ng mga babae. 

That stupid bitch!

Dating The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon