CHAPTER 2

5 1 0
                                    

CHAPTER 2

Kiel in trouble

Kiel's POV

Ngayon ang pangalawang araw nang pagpasok namin sa bago namin school. Nasabi samin ng prof namin na ngayon daw ang pagsali sa mga clubs sa school. Kagabi ko pa iniisip kung ano ang sasalihan ko. Tutal mahilig naman akong magsulat siguro sa Writing Club na lang ako sasali.

Ang nabasa ko kasi sa tarpaulin nila kahapon, naicocompete daw ang mga members nang club sa regionals.

An gaga kong nagising dahil sa excitement. Alas tres pa naman ng hapon yung start ng registration sa mga clubs pero hindi parin nawawala yung excitement ko mula pa kahapon. Nag iisip na din ako nang magandang entry kung sakaling kakailanganin pa nang ganon. Sa dati kasi naming school, may paganon. Mabuti nang handa kaysa naman sa wala.

Maliban kay Piarra may mga kaibigan na din ako. Mababait naman yung mga classmates namin. Pero syempre, hindi nawawala yung mga mayayabang.

Pababa pa lang ako ng hagdan naririnig ko na ang matinis na sigaw ni ate mula sa labas. Dinaig niya ang pagputak nang manok nang kapit bahay namin dahil sa lakas nang boses niya.

"Oh my gosh! Thank you Dad! Thank you!" pagsisidaw niya mula sa garahe.

I'm sure meron na yung bago niyang kotse. Dumiretso ako sa kusina para magbreakfast.

"Good Morning Kiel!" magandang bati ni Manang Fe

"Good morning Manang!" balik din na bati ko.

"Umupo ka na't ipaghahanda na kita ng pang umagahan mo."

"Sige po salamat po Manang."

Pumunta si Manang sa kusina para kunin ang mga pagkain habang ako naman ay pinapanood si ate Gi na busy sa pakikipag usap sa bulaklak na inilalagay niya sa flower vase.

Dapat mabuhay kayo nang matagal. Ang magaganda, nabubuhay nang matagal.” Palihim akong natawa. As if mabubuhay pa nang mga matagal ang mga bulaklak na yan.

Nasa kalagitnaan ako ng pag inom ko nang gatas nang biglang pumasok sina ate at daddy.

"Good morning lil sis!" masayang bati sakin ni ate pagkatapos niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. Muntikan na akong mabilaukan sa ginawa niya.

"Good morning baby!" bati naman ni Daddy sakin pagkatapos hinalikan ako sa ulo.

"Good morning po!" balik na bati ko.

Nagsimula na kaming kumain. Si mommy, kaninang five pa daw nakaalis dahil may emergency meeting sila sa company. Mayaman nga kami pero hindi namin masyadong nakakasama ang mga magulang naming. Yun yung mahirap pero naghahanap naman sila ng time para makasama nila kami. Kaya lang nagkukulang kasi sa tuwing magkakasama kami palaging may emergency sa trabaho nila kaya bumabawi sila sa pamamagitan ng pagbili ng mga gusto namin. Si ate nga lang abuso masyado.

Pagkatapos magbreakfast sabay kaming pumasok ni ate. Bukas na lang daw niya gagamitin yung bago niyang sasakyan.

Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi ako nagpabili? Kasi nung tinuruan ako ni Daddy hindi pa man kami nakakalayo sa bahay naibangga ko na yung sasakyan niya sa poste. Sabi nila ni mommy okay lang daw ganun talaga kasi minsan kaya pinilit nila ulit ako pero hindi na ako pumayag, Baka kasi mamaya iba na mabangga ko.

"Ate sabay ulit tayong umuwi mamaya." Sambit ko habang naglalakad kami papasok.

"Hindi ko sure Kee kasi madedate kami mamaya ni Ronnie." Kibit balikat niyang sagot.

Dating The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon