CHAPTER 7

4 0 0
                                    

CHAPTER 7

Waffle

Kiel's POV

Nagmumuni muni ako paakyat nang hagdan papunta sa classroom naming. Pagkadating ko sa classroom, bumungad saakin ang katahimikan. Wala ang mga kaklase ko. Kinapa ko ang phone sa bulsa ko nang biglang magvibrate.

SMS

FROM: Piareyrey
Kiel, where are you? malapit na magbell. ICT room tayo ngayon dito ka dumiretso.

Binulsa ko agad ang phone ko at di na siya nireplyan. Tinignan ko ang relo ko, five minutes na lang magbebell na kaya naman kumaripas na ako ng takbo papuntang ICT Room. Shit naman!

Sa kabilang building pa man din yun. Sa building ng mga seniors. Pagdating ko tamang tama naman na kakapasok ng teacher. Kumaway si Piarra kaya naman dumiretso na ako sa upuan niya.

"Bakit ka late?" bungad na tanong niya pagkaupong upo ko pa lang.

"Na-late ako ng nagising eh." paliwanag ko.

"First time ha." Di makapaniwalang komento niya.

"Dumating kasi yung kapatid ng boyfriend ni ate galing States. Tapos nagbonding kami ng dalawang araw kaya ayun napagod ata ako." nakangusong paliwanag ko.

"Babae o lalake?" kunot noong tanong niya.

Napataas naman ang kaliwang kilay ko. Ilang araw pa lang kaming magkakilala ni Piarra pero masasabi kong lalakero tong babaeng to!

"Lalake, bakit?" nakataas kilay parin na tanong ko.

Biglang lumabas ang malawak na ngiti sa kanyang mga labi.

"Gwapo ba?" sabi na eh!

"Oo gwapo siya." simpleng sagot ko.

Gwapo naman talaga si Rein. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, matalino tapos mabait pa. Perfect na perfect.

"Ipakilala mo naman ako Kiel!" nagpapacute na sabi niya. Nagsalubong ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. "Sige na, ililibre kita mamayang lunch." dagdag niya pa.

"Sinusuhulan mo ba ako?" taas kilay na tanong ko.

Ngumiti lang siya ng pagkalawaklawak.

"Porener trip non." Gusto kong humalakhak nang sumimangot siya.

"Okay! Today gagawa kayo ng website based sa pinag aralan natin last meeting which is HTML." sabi ng prof namin.

Nagsimula na kaming gumawa. Pinili namin ni Piarra na gumawa ng personal website since madali lang siyang gawin. Pagkatapos matapos ay nagpass na kami at lumabas ng ICT Room. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko.

SMS

FROM: MR HANDSOME 💙

Hey! Let's have lunch in Leo's Grill.
My treat 😉

"Sino si Mr handsome?" tanong ni Piarra na nakikisilip pala.

"Si Rein." simpleng sagot ko at saka nagreply.

TO: MR HANDSOME 💙

Pwede bang sunduin mo na lang ako? I'm with my friend. Matagal kasi pag nahintay pa kami ng taxi.

FROM: MR HANDSOME

Okay 😉

Pagkatapos ay ibinalik ko ang phone ko sa bulsa ko at tumingin kay Piarra.

Dating The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon