CHAPTER 18

0 0 0
                                    

Date

Kiel's POV

Pagkapasok ko ng bahay ay sinalubong ako nila ate. Mababasa ang matinding pag aalala sa mga muka nila.

"Kiel! Where the hell are you?!" galit na tanong ni ate.

Pati sila Miguel nandito din pala. Mabilis silang tumayo ng makita ako.

"Bakit bigla ka na lang nawala?! I can't even contact your goddamn phone!" sambit ulit ni ate na nakatayo na sa harapan ko.

Nawala e. Pano mo ko matatawagan?

"Ahh... kasi..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"What?!" galit na tanong ni ate.

"Kiarra ,maybe she's tired." singit naman ni Miguel.

Hindi siya pinansin ni ate. Nakatingin lang siya sakin naghihintay ng sagot ko. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. Hindi ko sasabihin yung nangyari. Malalagot ako.

"Lumabas kasi ako kanina. "panimula ko. "Tinatawagan ko si Piarra dahil walang signal sa labas naghanap ako ng signal. Hindi ko namalayan na nakalayo na pala ako tapos biglang may humablot sa phone ko kaya hinabol ko. Pero ang bilis niya tumakbo tapos hindi ko alam kung san na ko napunta eh ang dilim pa. Hinanap ko yung daan pabalik pero ilang oras na akong nagpa ikot ikot hanggang sa malabalik ako sa restobar pero wala na kayo." mahaba kasinungalingang paliwanag ko.

Kitang kita ko sa muka ni ate na hindi siya naniniwala. "Bakit hindi ka na lang humiram ng phone para matawagan mo kami?"

"Hindi ko naman alam yung number mo eh."

"Pano ka nakauwi?"

strike 1

"Nagtaxi."

"Kanino ka kumuha ng pambayad?"

strike 2

"Humiram ako kay Manong guard."

"Siguraduhin mo lang Kiel na nagsasabi ka ng totoo dahil isusumbong talaga kita kina daddy at mommy. " final stage

Yun na yon?! Hanggang strike two lang siya, final stage na agad?!

Hindi na ko umimik baka kasi masigawan niya ako.

"Kaye! Will go na it's late." singit ni ate Eunice.

Nakakahiya naman nandito pa sila ng dahil sakin. Humanda ka saking badboy ka shutang inamo!

"Sige. Ihahatid ko na kayo sa gate." wika ni ate.

"Kiel una na kami." pagpaalam nila. Nahihiya akong tinanguhan sila. 

"Mauna na kayo. I'll talk to Kiel saglit lang." biglang sabi ni Miguel.

Tumango naman sila at saka lumabas. Humarap siya sakin. Bigla akong nailang sa uri ng titig niya. Kakaiba.

"Can I take you on a date tomorrow?" biglang tanong niya.

Yun yung sasabihin niya?

"I'll take you on a date tomorrow." pag iiba niya.

Hindi na patanong kundi literal na sabi niya.

You have no choice remember?!

"Pano kung ayoko?" tanong ko.

Bigla namna siyang ngumiti ng matamis.

Dating The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon