CHAPTER 28

0 0 0
                                    

I'm yours

Kiel's POV

Kanina pa nagrereklamo si ate simula nung pagdating niya. Dati rati lang naman ay napakasaya niyang nagkwekwento t'wing idinedate siya ni kuya Ronnie pero ngayon iba.

"Believe me Kiel. May gusto ang Kisses na yon kay Ronnie. The way she looks at my man. It's kinda irritating the hell out of me!" reklamo niya.

Ako naman nakikinig lang walang ideya sa pinagsasabi niya.

"You're being paranoid ate." Komento ko pero matatalim lang na mga mata ang sumagot sakin na ikinatahimik ko. Pagkatapos ay bumalik ulit siya sa pagrarant.

"I'm just telling a fact. She's a bitch and also malandi. Harutin ba naman si Ronnie sa harapan ko?! My gad!"

Hinayaan ko na lang siyang magsalita ng magsalita hanggang mapagod na siya kakatalak kasi sure naman akong titigil din siya pag wala ng masabi.

Kinabukasan matapos ianunsyo ang gaganaping sportfest sa susunod na araw ay nasa library lang kaming dalawa ni Piarra maghapon dahil buong araw na busy ang buong school para sa darating na intramurals. Ganon din sa sumunod na araw. Tutok lamang kami sa mga lessons namin at mga libro dahil papalapit na din ang first quarter exam bago ang intrams. In short, hirap muna bago saya ang peg ng mga students. Laking pasasalamat ko na lang at hindi ako masyadong busy sa club namin dahil sinabihan kami ng president namin na mga seniors lang ang required na tumulong sa kanila. Pero kahit ganon ay naiimagine ko na ang future sa susunod na taon. Wala namang madali kung sabagay dahil lahat naman ay mahihirap. Meron lang mga subjects na madali pero karamihan ay mahihirap dahil ang senior high school ang parang entrance na para sa college.

Ini-introduce ang college sa mga magkokolehiyo. Isa pang prinoproblema ko ay ang paggawa ng research papers. Maliban sa isa itong pinakamahirap na subject ay malaki ang oras na nakukuha nito. Naalala ko pa noong nasa junior high ako. Imbes na didiretso ka na ng uwi ay kailangan pang pumunta sa college department para lang kumuha ng mga tools para sa research.

Naranasan ko na nga ding magsleep over sa ibang bahay though hindi naman bawal yon kina mommy at daddy pero hindi lang din ako komportable kaya naman hindi ako nakatulog ng maayos. Nabusy ako sa pagfla-flashlight sa mga brine shrimps na nakalagay sa maliliit na garapon, nag aabang kung may mamamatay ba dahil sa gamot na inihalo namin sa fresh na tubig na nilalanguyan nila. Tawang tawa pa nga ako ng magtungo kami sa bahay ng kaklase ko dahil tripleng pag iingat ang ginawa namin dahil ang bilin ng head ng CNS building ay bawal daw mahilo ang mga brine shrimps. Buti nga di ko kinalog kalog yon.

"Anong nakakatawa?" biglang tanong ni Piarra na nakapagpabalik sa isip kong naglalakbay.

"Ha?" tanong ko.

"You're crazy. Bigla ka na lang tumawa." Kunot noo niyang sabi.

"May naalala lang." Sabi ko.

"Who?" malalaking mata niyang sabi.

"Sino agad? Di ba pwedeng ano muna?" sambit ko.

"Sus, for me, it's who and kung sino man yang who na yan sure na sure ako na siya yon." Ani niya at saka ngumuso kung saan.

Taka naman akong tumingin don.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Miguel ng makalapit ako sa kanya.

Kamot batok siyang tumingin sakin. Tila ba nahihiya. "Nabanggit kasi sakin ni Kiarra na gusto mo daw magpaint kaya naman pumunta ako dito."

"And?"

Dating The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon