CHAPTER 3

6 1 0
                                    

CHAPTER 3

Badass

Kiarra's POV

I'm having a conversation with my new friends when suddenly a lower grade interfere in our conversation.

"Miss! Miss! Diba ikaw yung kapatid ni Kiel?" hinihingal niyang tanong.

Nangunot ang noo ko. Nagtataka man ay sinagot ko siya. Be polite to strangers.

"Yeah. Why?" kunot noong tanong ko.

"Inaaway po kasi siya ng grupo nila Bryle sa Writing Club ngayon ngayon lang.", mabilis niyang sabi. Napatayo ako.

"What?!" malakas na tanong ko.

"OMG!" biglang sigaw ni Eunice, isa sa mga kaibigan ko.

"What?" taas kilay kong tanong.

"Your sister is in danger Kiarra. Walang sinasanto ang grupong yon, babae man o lalake. Palaging nakakalusot because of connections." sabat naman ni Miguel.

Binalik ko ang tingin ko sa student at saka nagmamadaling kinuha ang bag ko.

"Let's go!" mabilis na sabi ko.

Sumunod naman ang mga kaibigan ko. Panatag naman ako because I know my sister very well. Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay yung minamaliit, inuungasan at binabastos siya. Naha-highblood siya tuwing may away. Sa malayo pa lang ay nakikita na namin ang mga students na nagkukumpulan sa labas ng Writing Club.

"Excuse me! Excuse!" singit ko sa mga students na nagkukumpulan. I can feel my friend's presence behind my back.

"Kiel!!!" I shouted when I saw her holding the guy's neck.

What do I expect? My lil sis is a badass after all.

Kiel's POV

"Kiel!!!!" biglang sigaw ng isang babae.

Babae? Boses pala yun ni ate. Agad agad akong tumingin sa kanya. Ngayon ay napapalibutan na kami ng maraming students.

"Ate!" nakangiting tawag ko kay ate Kiara. Lumapit siya sakin ganun din ang mga kaibigan niya.

"Woah!" natatawang sabi ng dalawang lalakeng kasama nila.

"Kiel what's this? Let go of that guy." galit na sabi ni Ate.

Nagdadalawang isip naman ako kung papakawalan ko ba tong hawak ko o hindi. Baka kasi pag nakawala hubaran nanaman ako eh.

Manyak!

"Kiel." maawtoridad na sabi ulit ni Ate Kiara.

"Pero ate..."

"Isa!" pagbibilang niya.

Bumibilang lang to pag galit eh. Nakakatakot! Natatakot ka sa ate mo pero sa lalakeng hawak mo hindi?! sarkastikong sabat ng isip ko.

Tinulak ko si Bryle at saka lumapit ng mabilis kina Ate Kiarra. Tumayo ng mabilis si Bryle at saka tumingin sakin ng masama.

"Gago ka! Sa tingin mo mapapalampas ko tong ginawa mo sakin ha!" galit na talagang sigaw niya pagkatapos ay sumugod ulit.

Akala ko ay dadapo ang kamay niya saakin pero wala akong naramdaman. Pagmulat ng mga mata ko, hawak na ni ate Kiara ang kamay ni Bryle at saka sinampal niya to ng malakas.

PAK! Awww ansakit nun!

"Subukan mong saktan ulit ang kapatid ko. Ako na ang makakalaban mo!" matalim na sabi ni ate Kiara.

Dating The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon