CHAPTER 9

1 0 0
                                    

CHAPTER 9

Announcement

Kiel's POV

"Call me kapag inaatake ka ng migraine mo or kung masama ang pakiramdam mo." bilin ni ate. Kagabi pa siya paulit ulit.

"Oo nga." simpleng sagot ko na lang.

"Kiel, I'm serious." seryosong ani niya.

"Ako ba hindi?" nakangusong sambit ko.

Umirap naman siya.

"Siguraduhin mo lang, dahil kapag pinagloloko mo ako sasabihin ko kina Daddy lahat." pananakot niya sakin.

"Sumbong mo nga oh! Sumbungan tayo." Paghahamon ko.

Kulang na lang tumirik na ang mata niya kaka irap sakin. Ipinark niya ang kotse niya. Dali dali naman akong bumaba. Pakiramdam ko, isang taon akong hindi pumasok kahit ang totoo isang araw lang.

"Sabay tayong uuwi mamaya." bilin niya.

"Okay." tanging sagot ko pagkatapos ay naglakad kami papasok.

Bago umakyat, naisipan ko munang pumunta ng cafeteria para bumili ng tubig. Pagkapasok ko ay dumiretso agad ako sa nagbebenta ng tubig.

"Kuya, tubig nga po yung pinakamalaki." sabi ko sa tindero.

Iniabot niya naman saakin yung tubig pagkatapos ay nagbayad ako. Palabas na sana ako ng cafeteria pero may biglang tumakip sa mga mata ko dahilan para mapatigil ako. Wala akong makita!

  Anak ng...

"Hulaan mo kung sino to." tumatawang sambit ng gunggong na nagpatigil saakin.

Napairap ako ng wala sa oras.

"Bryle..."

Tinanggal niya ang kamay niyang nakatakip sa mga mata ko at saka pumunta sa harapan ko. Napacrossed arm naman ako habang nakatingin sa kanya. Nakangiti siyang parang timang.

"Bakit absent ka kahapon?" biglang tanong niya. Napataas naman ang kilay ko. 

Nalaman niya pa yon?

"Nilagnat ako eh." pagsisinungaling ko.

"Okay ka na ba?" biglang nag aalalang tanong niya.

"Oo naman. Ako pa ba!" mayabang naman na sagot ko.

Natawa naman siya sa inasta ko.

"Pumunta ako kahapon sa classroom niyo. Ililibre sana kita ng lunch kaso absent ka daw kaya ngayon na lang." paliwanag niya.

Biglang ngumiti ang pandinig ko pero mas malawak ang ngiti ng bituka ko.

"Mamayang lunch?" tanong ko naman.

"Oo." masayang sagot niya.

"San ba banda?"

"Ikaw bahala kung san mo gusto."

"Kasama ko si Piarra."

"Okay lang kasama ko naman mga barkada ko. The more the merrier you know."

"Fine. Pero dito na lang sa cafeteria. Tinatamad akong lumabas eh."

"Sige. Diretso na lang kayo dito mamaya."

"Sige. Una nako." pagpapaalam ko.

Kumaway pa siya bago umalis ganun din ako. Pagkapasok ko pa lang sa classroom namin ay madaming nagtanong kung okay na ba ako syempre sabi ko oo.

Dating The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon