CHAPTER 5

4 0 0
                                    

CHAPTER 5

Travis Saveinire Castandello

Kiel's POV

Nandito kami sa library ngayon para magresearch tungkol sa history ng Pre-colonial period. Iniwan kami ng prof naming dahil may meeting daw siya. Pero ibinilin naman kami sa student library na wag kaming papalabasin hanggat hindi break time. Dalawang oras pa man din ang nakalaan sa subject namin ngayon. Kanina pa kami nagsusulat ni Piarra.

"Piarra."pagtatawag ko sa kanya.

Tumingin siya sakin at saka nag what face.

"Punta lang muna ako sa second floor." pagpapaalam ko.

"Gagawin mo dun?" kunot niyang tanong.

Medyo binaba niya yung salamin niya at saka pinunasan ang mga mata niya.

"Maghahanap lang ako ng ibang libro." sabi ko.

"Anong libro naman?" tanong niya.

"Basta." sabi ko at saka tumayo.

"Hay nako Kiel... Novel nanaman ba?" tanong niya.

Sinenyasan ko lang siya na wag maingay at saka nagtungo sa hagdan pagkatapos ay umakyat. Pagdating sa second floor, pumasok agad ako sa Metticu"s Reading corner. Ang Metticu's Reading corner ay isang room kung saan pwedeng humiga ang mga students habang nagbabasa ng kahit na anong libro. Pwede rin itong pagtambayan.

Pero kadalasan, ginagawa lang talaga tong tambayan. Lumapit ako sa book shelves at saka dinama isa isa ang mga nagkakapalang mga libro. I always fall inlove when it comes to books. Napatigil ako sa paghaplos sa mga libro nang may makita akong nakaipit na yellow paper sa pagitan ng dalawang nagkakapalang novels. Kinuha ko yon at saka tinignan. May nakasulat.

Hey baby! Meet me in the backyard, 10 pm sharp.
-Raye ♥

Napakunot ang noo ko sa sulat. Sino namang tanga ang mag iiwan nang message dito? Biglang bumukas ang pintuan kaya naman napalingon ako doon. Eh? Nakatayo ang lalakeng binansagan nilang badboy. Nakasuot nanaman ng black na v-neck shirt. Nakatingin siya sa hawak kong papel. Krinampol ko yun bigla tapos bigla din siyang naglakad ng mabilis papunta sakin at saka inagaw yung crampled na yellow paper na hawak ko.

"Bakit na sayo to?!" medyo galit na tanong niya.

Napakagat ako sa pang ibaba kong labi bago sumagot.

"Nakita ko lang dyan." turo sa pinagkuhanan ko kanina.

Tinignan niya yon at saka binuklat.

"Binasa mo ba?" kalmado niya ng tanong. Tumango ako.

Napapikit siya at saka huminga ng malalim. Tumingin muna siya sakin bago ako tinalikuran at saka aasta ng lalabas pero bigla akong nagsalita.

"Niloloko mo ba yung girlfriend mo?" tanong ko.

Napahinto siya at saka ibinalik ang paningin sakin. Tinitigan niya pa ako saglit pagkatapos ay naglakad siya nang mabilis papunta sa gawi ko dahilan para mapasandal ako sa bookshelves. Yumuko siya para magkapantay ang muka namin. Nararamdaman ko na ang hininga niya sa muka ko sa sobrang lapit niya. Bigla akong kinabahan.

"What if I do." mahinang tanong niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Sunod sunod ang paglunok ko pilit umiiwas sa mga mata niyang grabe kung tumitig pero hindi ko maiiwas ang paningin ko sa kanya. Ano ba tong nararamdaman ko.

Manloloko ang kaharap mo Kiel at gago pa! Dapat mas gago ka!

"That's bad you know." mahina din na sambit ko. Palihim akong nagpapasalamat at hindi man lang nahalata sa tinig ko na kinakabahan ako.

Dating The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon