CHAPTER 27

2 0 0
                                    

New Arrival

Kiarra's POV

Pinapanood ko ang bawat galaw ni Ronnie ng alalayan niya akong bumaba sa sasakyan niya. Buong araw na mainit ang ulo ko dahil sa Jade na yon at sa babaeng bumangga sakin kanina. Thankfully, Ronnie texted me and asked me to date him. So here I am.

"Are we going to watch movie?" tanong ko pagkapasok namin sa mall.

Inakbayan niya ako at hinila papalapit sa kanya. Halos magkadikit na ang katawan namin dahil sa ginawa niya.

"Nope. Bili lang tayo ng ingredients." Sagot niya at saka ako pinatakan ng halik sa ulo.

Pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong namin. Maybe because of PDA but... who cares.

Taka ko siyang tinignan. "Bakit tayo bibili ng ingredients?"

He kissed my left cheek. "Ipagluluto kita."

Kinilig ako sa sinabi niya.

We made our way to the supermarket to buy the ingredients and stuffs he needed. I feel so lucky to have this man in my life. I feel proud to say the he's mine.

"Sa meat section muna ba tayo?" tanong ko sa kanya habang itinutulak ang cart.

"Sa canned goods muna tayo bago sa meat section and lastly, sa veggies and fruits."

Napanguso ako sa dami ng bibilhin niya. "What if ako na bibili ng canned goods. Pumunta ka na lang sa meat section susunod na lang ako." I suggested.

Natatawa siyang tumingin saakin. "What?" takang tanong ko.

Kinagat niya ang pang ibaba niyang labi nagpipigil ngiti pero halata naman. "I can see our future." Nakangisi na niyang sabi.

Kunot noo akong sumagot. "Of course you can see your future." Tanging sabi ko.

Mas lumawak pa ang ngisi niya. "Yeah, I can see you as my wife."

Naramdaman ko ang pag init ng magkabila kong pisngi dahil sa sinabi niya. Oh my god! Ih!

Napahalakhak siya kaya naman tinignan ko siya ng masama. "Go on, Mrs Javier." Pang aasar niya.

Nagtungo ako sa canned good section at saka inilagay sa cart ang listahan na ibinigay sakin ni Ronnie. It took me twenty minutes to get the canned goods dahil hindi naman ako maalam sa mga ganito. In my whole life, nasanay na akong pinagsisilbihan but today is different, or should I say everytime I'm with Ronnie, it's kinda different.

Pagkatapos ay pumunta ako sa meat section pero wala na don si Ronnie. Siguro dahil sa tagal kong kumuha ng mga delata ay dumiretso na siya sa veggies and fruits. It's already late. Kailangan ko pang itext si Kiel dahil hindi ako nakapag paalam kay Manang Fe. Good thing our parents were not home.

Napataas ako ng kilay ng makitang may kausap si Ronnie na babae. Based on her school uniform, she's a Braselton student. Taas noo akong naglakad papalapit sa kanila.

"Baby..." malambing kong tawag kay Ronnie.

The two of them looked at my direction. Napahinto ako sa paglapit ng makita kung sino ang kausap niya. Siya yung babaeng bumunggo sakin. Itinago ko ang gulat ko at saka naglakad papunta sa tabi ni Ronnie.

"I've been looking for you baby." Malambing na boses kong ani.

The bitch is watching us kaya naman mas lalo ko pang pinalambing ang boses ko. "Look—" nguso ko sa cart na punong puno ng delata. "Nakuha ko na yung pinapakuha mo." I said with a wide smile on my lips.

Dating The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon