Chapter 73: Usui and Misa

34 4 0
                                    

Chapter 73: Usui and Misa

Ilang buwan na ang nakalipas at tapos na rin ang second sem. I mean, naghahanda na lang para sa graduation namin at naiinis talaga ako!

Naiinis ako dahil salutatorian lang ako! Argh! Hindi ko siya natalo! He's still the number one!

Pero ang mas kinaiinisan ko ay ang lalaking yun! 

Masyadong makulit, at palaging sinisira ang araw ko. 

Katulad ngayon, nandito ako sa gym para kumain ng lunch pero nandito na naman siya para manggulo.

"Magcacollege na tayo. Nakapagentrance exam ka na ba sa papasukan mo?" he asked. "And also, bakit sandwich na naman ang lunch mo? HIndi ka ba nagsasawa jan? At bakit ba nandito ka na naman sa gym? Pwede ka namang kumain sa cafeteria ah?" 

'Bakit ba ang daldal ng lalaking to?!'

"None of your business Usui!" pataray na sabi ko.

Tumaas naman ang isa niyang kilay. "Usui?"

"Usui Takumi. Di mo kilala? Isang anime character na parang katulad mo. Medyo mayabang, and you're nosy. Tahimik ka rin madalas pero medyo nakakairita ang presensiya mo. Diba naiirita si Misa kay Usui?"

I heard him chuckled a little. "Kung ako si Usui, edi ikaw si Misa? Para ka kasing galit sa mga lalaki at ang confidence level mo ay mataas rin. For the past few months, napansin ko na hindi ka nagpapatalo parang katulad niya. At ikaw na rin mismo ang nagsabi na naiirita ka sa presensiya ko" he explained.

I rolled my eyes at kumain na lang.

Pero hindi rin naman ako makakain ng maayos dahil nakatitig sa akin ang lalaking to.

"Ano ba Zavriel Isaac Dravenz? I want to eat here alone so umalis ka na at maglunch ka na rin sa cafeteria" kunot noong sabi ko sa kanya.

Tumawa lang siya at para bang walang narinig sa sinabi ko. "Usui ka talaga ano?! At saka anong tinatawa tawa mo jan? Itapon kita papalabas eh!" sabi ko pa.

Itinigil na niya ang kanyang pagtawa. And then he cleared his throat. "Fine then, see you later Misa" he said at mabilis na tumakbo papalabas ng gym.

Napailing na lang ako at kumain na lang.

Nagpapraktis naman na lang kami para sa graduation so I'm wondering, bakit ba pumapasok pa ako? Hindi rin naman ako sigurado kung makakapunta ba ako sa graduation na yan dahil may trabaho pa ako. 

Tch! Bahala na.


*****

It's friday at nandito ako sa starlight cafe na pinagtatrabahuhan ko. Also, graduation na rin mamaya pero hindi ako pupunta dahil sa mga trabaho.

Medyo mataas pala ang sweldo dito sa cafe na to dahil sikat rin ito kaya't madalas ay may customers. May mga regular customers nga dito pero sa lahat ng mga regular customers, ay iyong isa ay para bang naging kaibigan ko or at least parang siya yung nag-aalaga sa akin.

The past few months wasn't easy honestly. I've experienced another ups and downs. Minsan nga ay kinailangan ko talaga ng makakausap at siya, iyong regular customer na yon ang naging sandalan ko.

Tita Clera ang tawag ko sa kanya dahil iyon ang sinabi niyang itawag ko sa kanya. Siya rin iyong babaeng nakabangga ko noon nung nag-aaply ako dito. I know she's rich and famous, at alam ko ring may asawa at anak siya, pero di ko alam kung sino since hindi naman namin iyon masyadong pinag-uusapan.

Oo, madalas rin kaming magkwento. Minsan nga ay binibigyan niya pa ako ng gamit kahit na sabi kong wag na. Pero wala akong nagawa. Mapilit rin siya eh. I can feel rin naman na she's comfortable with me kaya siguro ay binibilhan niya ako ng mga gamit na kakailanganin ko.

I kept on saying na babayaran ko na lang siya pero ayaw niya talaga. Kahit na anong pangungulit ko ay ayaw niya talaga.

"Khiena, graduation niyo na mamaya, pupunta ka ba?" tita Clera asked. Umuorder kasi siya ng coffee.

Umiling naman ako sa kanya bilang sagot. "Hindi po. I've got tons of work to do kasi" I said.

Nalungkot naman ang itsura ni Tita. "Ganun ba? Sayang naman. Anyway, medyo may pagkalayo ang cafe na to sa boarding house mo ah? At saka, medyo malayo rin ang boarding house mo sa papasukan mo pagcollege. Will you be fine?" she asked.

I smiled and nodded. "Yes po"


***** 

Gabi na at nandito naman na ako sa 24 hours mini market para magtrabaho.

I picked up my phone when it vibrated and read the message. 

From: Usui

Hoy Misa! Hinahanap ka ni Erika! Nasaan ka na raw? Tapos cellphone niya nawawala pa.

I rolled my eyes as I read the message. "Tch. Khiena ang pangalan ko at hindi Misa. Tch"

Umiling na lang ako at itinago ang cellphone sa bulsa. Pagkatapos ay inayos ko ang mga pagkakalagay ng mga gamit dito.

'How lucky for them to be able to attend the graduation. Swerte rin sila dahil may pamilya sila na pupunta'

*Sigh*

'Magfocus ka na nga lang Khiena sa trabaho!'

Lament of hearts S2Where stories live. Discover now