Chapter 76: Encounters

32 4 0
                                    

Chapter 76: Encounters

Kasalukuyang nandito ako sa loob ng kwarto ko, dito sa bago ko raw na titirahan.

Kausap ko rin ngayon si Erika sa phone.

["Uwa~Sugoi! Be thankful Khiena. Nakakilala ka na ng mabait na tita, pinatira ka pa sa napakalaking lugar na yan, at makakasama mo pa ang famous Dravenz!"]

["Oh? Ano naman meron sa famous Dravenz na yan? Anong lucky jan?"] taas kilay na tanong ko.

["Duh~ Zavriel Isaac Dravenz, famous model and swimmer, at crush na crush pa ng halos lahat ng mga babae, yang makakasama mo jan sa bahay na yan"]

["Tch. Wala akong pake kahit anak pa siya ng hari. Teka nga, Erika? Pwede ba pumunta ka dito? Samahan mo naman ako dito oh"]

["Sorry Khiena. Magusap na muna kayo jan ni Usui mo. Make sure na walang mababasag jan kapag kayo nag-usap ha? Kaya mo yan! Bye na muna dahil may kakausapin pa ako"]

Then she hung up.

Aish! Bakit ba ang laki ng lugar na to ha?! Takte yan! Kung aalis ako, kailangan ko pang maglakad sa hallway hanggang sa makakita ng elevator?! My goodness! 

*Knock* Knock*

Napatingin ako sa may pinto nang makarinig ako ng pagkatok. 

Bumangon ako sa higaan at lumapit sa pinto para buksan iyon.

"Hmm?"

Iniabot naman sa akin ni Zavriel ang isang susi na may key chain pa. "Here. This is a spare key para sa condo unit na to"

Kinuha ko naman iyon at nagpasalamat pa. "Condo unit pa ba to? Mas nagmukha tong penthouse eh" I said.

"Anyway, may snacks diyan, so wanna join me?" he asked.

I just gave him a nod at lumabas na ng kwarto. Sabay naman kaming pumunta sa kitchen niya at naupo na sa upuan para kumain ng snacks na nakahanda doon. Sandwich, crackers, at juice lang naman ang nakahanda.

"Also, about earlier... Kalimutan mo na lang kung ano yung nakita mo if it makes you uncomfortable" he said and he took a sip on his juice.

"Uncomfortable? Ah! Yung nakatopless ka? Sus! Ano bang nakakauncomforatbale dun? I mean, normal lang naman sa pilipinas ang mga nakatopless since mainit. So you can be topless anytime you want, pero sabi nga ng mama mo, kahit na nasa bahay ka ay wag kang magtatopless---" he cut me off.

"Like you said, normal na ang nakatopless na lalaki sa pilipinas dahil nga sa init. So, you won't be uncomfortable everytime na magtatopless ako?" taas kilay na tanong niya.

"I won't"

Then he smirked. "Sus! Hoy Misa! Baka naman naenjoy mo yung abs ko kaya naman sinasabi mo yan?"

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Can somebody tell me, ano bang meron sa abs? Duh~ normal lang rin naman ang magkaron ng abs ah? At saka anong naeenjoy? Wag mo akong itulad sa ibang babae ah! Ni hindi ko nga alam kung bakit kilig na kilig ang mga babae sa tuwing may abs ang lalaki"

"Chill~ I'm only joking. Ang defensive mo naman masyado. Nagmumukha ka tuloy guilty"

I rolled my eyes on him at nagpatuloy na lang sa pagkain ng sandwich.

"Anyway... Khiena, you really don't remember me, do you?" he asked, smirking.

Ipinatong naman niya ang kanyang siko sa lamesa at hinawakan niya pa ang kanyang baba.

Kumunot naman ang aking noo sa sinabi niya. "Remember you? Uhh-- have we met before?" I asked and stared onto his eyes.

His smirk suddenly became a smile. "Yes. Hindi lang isang beses. At iyong sa school nung 2nd sem? Hindi iyon ang una nating pagkikita"

"Huh? Then, kailan tayo nagkita?"

"You really can't recall? Andito ka lang pala kuya!" he said trying to copy my voice.

Then, a memory popped up onto my head. "Eh?! Ikaw yung nilapitan ko nung may dalawang weirdo?" gulat na tanong ko.

Tumango naman siya. "Pero hindi iyon ang una nating pagkikita"

"Eh? May mas nauna pa? Edi kailan?" I innocently asked.

Bigla naman siyang napatawa ng kaunti. "What's so funny?" I asked.

"I never knew you have this side of yours. I mean, di mo ba napapansin? You're opening up a little so now I can see that you're not the cold Khiena that I met"

Kumunot naman ang aking noo dahil sa sinabi niya. 

I remember someone saying almost the same thing that I have another side of me which I rarely show.

"So? Anong sagot dun sa isa kong tanong?"

"We met in your hometown. At the park. You were holding plastics of cotton candies and we bumped into each other. That day, I also saw you on the basketball court. Next, nagkita rin tayo nung umorder ng cupcakes ang kaibigan kong si Andrew. Tapos, bago ako bumyahe pabalik dito ay nagkita pa tayo sa cafe. You were working there" he explained.

What the?! 

"Seriously?! Geez! No wonder why you looked familiar" I said. "Well, wala naman kasi akong pakealam sa mga tao kaya't di kita nakilala. So, ikaw pala iyong tinatawag na Isaac"

He nodded.

Tumingin naman ako sa aking wrist watch at nakitang alas tres na ng hapon. 

Tapos naman na kaming dalawa magsnack kaya't sinabi kong ako na ang magliligpit nitong pinagkainan.

Nagkasagutan pa nga kami dahil lang dito sa hugasan nato. But in the end, kaming dalawa ay nagtulungan sa paghugas.

Nang matapos na kami sa paghuhugas ay tumingin na naman ako sa orasan. 

"May pupuntahan ka ba?" tanong ni Zav.

"Meron" maikling sagot ko at pupunta na sana sa kwarto para maghanda nang magsalita pa siya. 

"Where are you going?" He asked.

I sighed before I answered. "None of your business"

"Also..." Napatigil muli ako sa paglalakad papunta sa kwarto at tumingin naman ako sa kanya.

He smiled at me first bago yumuko at nagsalita. 

"Your new style right now suits you well. You look good. You look pretty"

Lament of hearts S2Where stories live. Discover now