Chapter 110: Cruelty

18 0 0
                                    

Chapter 110: Cruelty

Khiena's Pov

Nauna akong umuwi sa bahay nung gabi. Sabi ni Angel ay doon na muna siya sa ospital para samahan si nanay.

Pagkauwi ko ay agad na pumunta ako sa dati kong kwarto at agad na nahiga sa kama.

Tumulala ako sa kisame at nag-isip ng malalim.

"Siya ang tunay kong ama pero ni isang beses hindi niya ako itinuring na tunay na anak" sabi ko sa sarili ko.

Napabuntong hininga naman ako at kinuha ang cellphone ko para kausapin si Zavriel.

I just texted him that 'I'm fine here. Don't forget to eat your meals Zavriel. I love you'

He replied quickly. 'Yes yes. I love you too. Take care of yourself. If something happens, call me and I'll  drive there right away'

I smiled on his message. 'Yes I will. Thank you. Goodnight'

'Goodnight love'

Pagkatapos kong itext iyon ay itinago ko na ang aking cellphone sa ilalim ng aking unan.

"Aba! Sinong nandito? Bakit bukas ang ilaw? Nandito na ba yung mahina kong asawa? Hoy! Nasaan ka?! Mabuti naman nakalabas ka na ng ospita----" nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto at bunungad dito si tatay na may hawak pang bote ng alak.

"Oh? Sino ka? Hmmm Khiena? Ikaw ba yan? Hahahaha! Aba may magandang idinulot naman pala ang paglalyas mo dito! Tingnan mo nga naman itsura mo ngayon" napalunok ako ng madiin nang lumapit siya sa akin upang tingnan akong mabuti.

Marahas na hinawakan niya ako sa aking braso at pinatayo. "A-aray tay"

"Abaaa ang ganda! Ang laki yata ng pinagbago mo? Mapera ka na ba? Buti naman! Akin na pera mo para may silbi ka dito!"

"T-tay wala akong pera---"

*pak*

Napahawak ako sa aking pisngi nang sampalin niya ako dito.

"Wala ka pa rin palang silbi!" Sigaw niya sa akin at saka umalis na ng kwarto. 

Akala ko ay hahayaan na niya ako pero nagkakamali pala ako. Lumabas lang siya para kumuha ng lubid. Ginawa niya itong panghampas sa akin. Hindi na rin ako makasigaw ng malakas dahil nilagyan niya ng takip ang aking bibig. 

Ilang beses niya akong pinaghahampas. Nagkaron muli ako ng ilang sugat at pasa. At nang magsawa siya sa paghampas ay tinalian niya naman ang aking kamay. at ikinulong ako sa aking kwarto.

'Hindi ka pa rin nagbabago tay'


*****

4days later

Angel's Pov

Kanina pa ako nakahanda para umuwi na muna. Hinihintay ko lang na matapos si nanay sa test niya ngayon.

Tapos na nga siya actually at pinapauwi na rin talaga ako ni nanay. "Alagaan mo ate mo. Wala ako sa bahay kaya't maaaring silang dalawa lang ng tatay niyo ang nandoon" alalang sabi ni nanay.

Tumango naman ako sa kanya at saka nagpaalam na.

Sabi ko ay babalik rin ako mamaya kasama si ate at kaming dalawa ang magbabantay sa kanya.

Papasok pa lang ako sa bahay ay agad na kinabahan na ako sa aking narinig.

Parang may nagbabatuhan ng mga pinggan!

Lament of hearts S2Where stories live. Discover now