Chapter 109: Back to the province

17 0 0
                                    

Chapter 109: Back to the Province

Khiena's Pov

Naghahanda na kami ngayon para umuwi. Kaming dalawa na nga lang ni angel ang nandito pa sa kwarto. Ang iba ay nasa labas na at inilalagay na ang mga gamit sa sasakyan.

Palabas na rin sana ako ng kwarto nang pigilan ako ni Angel.

"Ate Khiena" humarap ako sa kanya at naningkit ang aking mga mata nang makitang nakayuko siya at alam ko. Alam kong may hindi magandang balita to.

"Anong masamang balita?" Diretsahang tanong ko.

Lumapit naman siya sa akin at dahan dahang tumingin sa aking mata. "Ate. Si nanay n-nasa ospital daw. K-kailangan ko munang bumalik sa probinsiya" she said. "I-Ikaw rin ate. D-dapat ka raw umuwi sabi ni nanay. May gusto raw siyang sabihin sayo. P-pero ate siguro mas mabuti na ring wag ka ng bumalik doon"

Kinabahan at nalungkot naman ako sa balita niya.

Pero, kahit papaano ay naging nanay ko pa rin naman siya. Pinalaki pa rin naman nila ako.

Oras na rin siguro para patawarin sila.

"Didiretso na ako ate sa probinsiya. May sakayan naman dito papauwi sa probinsiya. Kaya hindi na ako sasabay---" pinutol ko naman ang kanyang sasabihin.

Hinawakan ko siya sa kanyang balikat at ngumiti.

Alam kong natatakot rin siya sa kung anong pwedeng mangyari sa akin kung ako ay uuwi rin. So I assured her. "I'll be fine. I'll come with you. Tara na. Sabihan na rin natin sila na hindi na tayo sasabay sa kanila" I told her kaya naman ay lumabas na nga kami at pumunta sa mga kasama namin.

Nagpaalam na nga kami sa kanila at pumayag naman sila. Nandon na rin sila sa sasakyan at ihahatid na lang raw nila kami sa sakayan.

Ako at si Zavriel ay wala pa sa loob ng sasakyan. Gusto ko kasi siyang kausapin tungkol sa pag-uwi ko sa probinsiya.

"Have fun I guess?" He said, smiling a little.

I hugged him tight. "It'll be just a while. I'm gonna miss you so much" I told him.

Kumalas naman ako sa yakap at binigay sa kanya ang isang papel.

Binuklat niya ito at binasa.

"That's our exact address in the province. If I'm not back after a week, go to that place and pick us up" I told him.

I still need to be careful though. Lalo na kay tatay.

"Call me every time okay? And update me everyday" He told me.

I smiled and gave him a nod. "Yes I will. I promise"

He held my cheek and stared into my eyes. "I'm gonna miss you" he said as he slowly leaned towards me, until our lips touched.

*****

"Ate, ate gising na. Nandito na tayo" sabi ng kapatid ko habang dahan dahan niya akong tinatapik sa mukha upang ako'y gisingin.

Huminga naman ako ng malalim at nag-unat ng kaunti. Pagkatapos ay tumayo na ako, kinuha ang aming gamit, at bumaba na kami ng bus.

Pagkababa namin ay umalis na rin ang bus at napabuntong hininga na lang ako. "Welcome back to hell" I told myself.

My sister then held my hand and that made me look at her.

She smiled at me. "Ate kung ayaw mo pwede naman siguro kina ate Rosella ka na lang tumira sa ngayon? Alam ko ate mahirap sayo na bumalik dito kaya't wag mo rin pilitin sarili mo na bumalik sa bahay na to. Lalo na kung di ka pa handa na makita si tatay---" I cut her off.

Lament of hearts S2Where stories live. Discover now