Chapter 93: Have fun

27 2 0
                                    

Chapter 93: Have fun

Gabi na at lahat kaming mga magkakasama ay nandito nakaupo sa buhangin habang nakapalibot sa ginawang apoy sa gitna.

Tapos naman na rin kami kumain at ngayon ay nagkakaroon na ng inuman dito.

Ang ibang mga lalaki ay naka suot lamang ng shorts na pangswimming nila at ang iba ay nakatshirt or sando na.

Ang mga babae naman ay either nakasuot nung bikino top at shorts, or naka sando pa yung iba.

Kabilang na ako doon sa mga babaeng nakabikini top at shorts. Nang malaman kong wala naman palang hickey sa aking likod ay tinanggal ko na iyong tshirt.

Medyo nainis pa nga ako dahil inakala ko talaga na nilagyan ni Zavriel ng hickey ang aking likod.

I forgot to bring with me my scarf so, kailangan kong magtiyaga sa lamig.

"Here Khiena, uminom ka oh" sabi ni Cheska at ibinigay sa akin ang bote ng alak.

Tiningnan  ko na muna ang bote. "Pero di ako umiinom" sabi ko sa kanya.

She chuckled. "I know. But there's always a first time for everything" sabi niya pa.

Napatingin naman ako sa gilid, doon sa medyo malayo dahil nandoon si Zavriel.

Kasama niya doon iyong mga nagtatrabaho sa company nila at nakikipagkwentuhan na rin siya sa ibang tourist na babaeng ubod ng sexy at mukhang nangaakit pa ng mga lalaki dahil mga nakabikini pa rin sila hanggang ngayon.

I just rolled my eyes at wala sa sariling nainom ko ang laman ng bote ng alak na hawak hawak ko.

"Tch! Ang pait" mahinang sabi ko sa sarili ko.

Napapikit at iling naman ako ng kaunti nang makaramdam ako ng pagkahilo.

"Hala! Khiena? Akala ko ba di ka umiinom? Eh bakit yang isang bote eh naubos mo na?" Agad na tanong ni Cheska at naupo sa tabi ko.

"Ewan" tanging nasabi ko na lang.

Muli na naman akong napatingin doon sa gawi nila Zavriel.

Automatic na kumunot noo ko nang makita kong pasimpleng hinahaplos ng isang babae ang dibdib ni Zavriel.

At sa totoo lang, hindi ko rin namalayan na inagaw ko pala ang bote ng alak ni Cheska at mabilis na ininom ko ang laman nun.

"K-Khiena?! Akala ko ba di ka umiinom ha? Naku! Kukuha na nga lang ako ng bago, at dadalhan ulit kita!" Rinig kong sabi pa ni Cheska.

Naramdaman ko naman na umalis siya pero di pa rin ako lumingon sa kanya.

Tch! Why am I even looking at him?! Argh!

Nasaan  na ba yung alak?! Bakit ang tagal!

"Ate Khiena?"

Agad na napalingon naman ako kay Akhiro.

"What are you doing ate Khiena?" He asked, smiling.

Ilang beses na muna akong napakurap bago ako matauhan. "A-ah wala wala. Haha! Teka, umiinom ka ba?" Tanong ko nang mapansin kong may hawak rin siyang isang bote ng alak.

Tumango naman siya at saka tumayo ng maayos. "Yes. Though alam kong I'm still underage, malakas akong uminom ate. Pero not all the times ay umiinom ako"

Tumango naman ako. "Di ka ba napapagalitan ni madame?"

Binigyan naman niya ako ng pilyong ngiti. "Siyempre napapagalitan. But I can't just stop myself from drinking. Medyo masarap rin kasi ang uminom"

"Are you okay ate? I heard na di ka umiinom pero inagaw mo pa nga raw yung bote ni ate Cheska?"

I chuckled. "Of course Akhiro, I'm fine. Uhhh, medyo nasarapan nga lang siguro talaga ako sa alak kaya ayun" pagdadahilan ko na lang.

Tch! Eh bakit nga ba kasi Khiena?! Bakit mo nga ba ininom yun?!

Muli na naman akong napatingin sa gawi nila Zavriel at mas lalong kumunot ang noo ko nang makita kong nakayakap na sa kanya ang dalawang babae.

"Tch! Have fun" nasabi ko na lang at agad na kinuha ang bote ng alak sa kamay ni Cheska na ibibigay pa lang sana sa akin iyong bote.

"Aba aba! Mukhang nasasarapan ka sa alak Khiena ah? Naku! Wag ka lang sanang malalasing ha" dinig ko pang sabi ni Cheska.

I just rolled my eyes at her and just continued drinking the alcohol.

"Ate Khiena, hinay hinay lang sa paginom" sabi naman ni Akhiro. "Hmm, aalis na muna ako ate ha? Wag ka masyadong uminom. Baka malasing ka na niyan" sabi niya pa bago nagpaalam na aalis na muna siya saglit.


*****
Cheska's Pov

"Oh ayan, dalawa pang bote para sayo. Naku! Daig mo pa yata ako sa inuman ha? Teka, ano bang nangyayari sayo at bakit ka umiinom ng ganto ha?" Tanong ko nang mapansin kong grabe ang paginom ni Khiena ng alak.

Eh siya na mismo nagsabi na hindi siya umiinom tapos nawala lang ako ng saglit at pagbalik ko eh bigla ko na lang makikita na ubos agad niya iyong bote niya.

Di ako pinansin ni Khiena at tuloy tuloy lang siya sa paginom ng alak. Napansin ko rin na may tinitingnan siya sa kalayuan kaya't sinundan ko din iyon ng tingin.

Ahhh... kaya pala inom ng inom yung hindi umiiinom.

Sheesh!

Dahan dahang napailing na lang ako. "Naku naku! Kaya pala grabe ka kung makalaklak ng alak kahit di naman raw umiinom! Tch. Nagseselos pala dahil nakayakap ang ibang babae. Naku!"

Well, wala naman pala siyang ibang tinitingnan kundi si Zavriel.

Nagseselos lang pala ang gaga.

Naku naku! May nalalaman pa ngang 'have fun' kuno.

"Khiena, uso rin magsabi kung nagseselos ha?" Sabi ko.

Tumingin naman siya sa akin at tinarayan ako. "Sinong nagseselos? Ako magselos? Kanino naman ako magseselos? Tch" cold na sabi niya pa.

Natawa na lang tuloy ako.

"Oy oy! Tama na nga yang alak" saway ko sa kanya nang kinuha niya pa ang isang bote.

"Aish! Ngayon lang naman to so pagbigyan mo ako! Hmmp!" Reklamo niya at wala naman akong nagawa.

Tch! Nakailang bote na to si Khiena! Gags! Anong gagawin ko dito?!

Lament of hearts S2Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora