Chapter 94: Her betrayal

37 2 0
                                    

Chapter 94: Her betrayal

Khiena's Pov

"Sus! Hindi nga ako nagseselos! At saka, saan ba dapat ako magselos?" Inis na tanong ko kay Cheska.

Napakamot naman siya sa kanyang ulo. "Sus deny deny pa hahah! O siga sige na nga! Wag kang magpakalasing ah? Tch. Nakaanim na bote ka na ah" sabi niya pa.

Napatigil ako sa paginom nang magvibrate ang cellphone ko.

Kinuha ko iyon sa aking bulsa at tiningnan ko na muna ang caller i.d.

"Teka lang" sabi ko kay Cheska.

Tumayo ako at lumayo-layo sa kanila.

Doon ako sa may tubig pumunta para basain ko ang aking paa sa tubig dagat.

Nilalamig na rin kasi ako at sakto lang dahil medyo warm ang tubig dagat.

["Oh Joven? Napatawag ka?"]

["Are you having fun there?"] He asked.

["Yeah. A bit"]

["Please don't freak out. I have something to tell you. Or, I think it'll just be better if I'll tell it to you after you return here"]

I rolled my eyes. ["Sabihin *hic* mo na"]

["Wait, are you drunk"]

["Sabihin mo na kung ano sasabihin mo"]

I then heard him sighed. ["I confirmed it. I mean, the persons behind the fake issues before"]

Sandaling natahimik na muna ako at napalunok pa ako ng mariin.

Kinakabahan ako.

Hindi ko alam pero parang natatakot akong malaman kung sino iyon.

["S-sino?"] Nauutal na tanong ko.

I'm sure si Litchiko iyon pero, persons sinabi niya. So that means may kasabwat si Litchiko.

At parang doon ako kinakabahan.

["Litchiko and---"] narinig ko munang bumuntong hininga siya bago nagpatuloy sa sasabihin. ["Angelfranz"]

Parang naestatwa naman ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang pangalang iyon.

The information was still processing on my mind.

["Khiena? Hello? Khiena?"]

["I'll just call you later"] sabi ko pa at hindi na talaga kinaya ng mga tuhod ko dahil napaluhod na lang ako sa tubig.

Mabuti na lang at madilim sa part na to kaya walang makakakita sa akin.

"Angel.... Angelfranz? Haha! Kapangalan pa ng kapatid ko? Haha!" Sabi ko sa sarili ko at nagpeke ng tawa.

Napakagat ako sa aking labi at sinusubukan kong wag umiyak.

Wag kang iiyak Khiena! Hindi naman yun yung Angelfranz na kilala mo eh.

Mabait si Angelfranz na kapatid mo. Diba? Siya nga lang kakampi mo kahit na wala siyang nagagawa kundi ang maawa sayo.

Aish! Should I confirm it myself then?

Paano nga kung totoo?

No! Hindi! Impossible! Haha! Wala kang ginawa kay Angel para gawin yun.

Mabait si Angelfranz!

Mabait siya! Mabait!

This time, hindi ko na talaga napigilan ang aking sarili at lumuha na nga ako.

Lament of hearts S2Where stories live. Discover now