Chapter 42; Ball party part 1

204 10 1
                                    

"iloveyou Yiro." Bulong ko sakanya nang may ngiti sa mga labi ko, niyakap niya ko ng mahigpit at inilayo ako ng bahagya sakanya

"Iloveyoutoo Haelin" hinalikan niya ko sa noo at nagsimulang magtilian ang mga taong ngayon ko lang napansin,, andami nilaa!

Nahihiya akong tumingin kay Yiro at minasdan ang mukha niya

"Andaming tao nakakahiya" ani ko na ikinatawa niya,,

"Tara na sa loob ng restroom, may practice pa pala tayo halos nakalimutan ko na HAHAHAHA" kumapit ako sa braso niya at nagsimula na kaming lumakad,, tinanguan niya sila Troy bilang pasabi na aalis na kami

"Hoy mga bakla!! Kayo ha gumawa pa kayo ng eksena sa hall yari kayo sa mga instructor don inabala niyo pa silaa" agad kaming nagtawanan sa sinabi ng president namin,, eto na siguro ang pinakamasayang araw sa buhay ko

___

"Ooh yung mga pwesto niyo ayusin niyo na malapit na magsimula kaya humanda na kayo!" Sigaw samin ng mc, umayos na kami ng pila

"Babe, ang panget mo" napairap ako sakanya

"Ang epal mo nanaman!" Magmula ng maging kami parati niya kong sinasabihan ng panget-,-

"Ayokong maganda ka, maraming magkakagusto sayo, kaya panget ka" hindi ko na siya kinibo dahil wala ako sa mood sa mga kakornihan niya,, kinakabahan akooo!

Andaming tao ngayonn sa hall dahil nga may pageant ngayon at mamayang gabi gaganapin narin ang ball party.

"You look nervous" tinignan ko siya,, minsan seryoso madalas gago

"Kinakabahan ako, palibhasa ikaw ilang beses kana nakasali sa ganito eh"
Totoo naman kasi kaya hindi siya kinakabahan e

"Hindi naman ako takot sakanila, sa'yo ko takot, takot akong mawala ka" hindi ko na Alam kung kikiligin ako rito o mahihiya sa mga sinasabi niya e!!

"Tss magtigil ka nga!" Nangiti nalang siyaa at nagpatuloy sa pila

Ilang minuto makalipas ay nagsimula na ang patayan charot! Mamamatay ata ako sa nerbyos dito e napakaraming nanunuod saamin.

"Let's welcome, Contestant no.11 Yiro and Haelin, our lovey-dovey candidate for today wow parang nung nakaraan lang ay nagpropose-- este nang-angkin ang ating heartthrob ng isang babaeng nagngangalang Haelin!" Napayuko ako sa sobrang hiya nang magkantyawan ang mga tao sa hall at syempre hindi maiiwasan ang mga kontrabida sa buhay

"You may proceed to our stage and introduce yourselves" sabay kaming lumakad patungo sa harap ng napakaraming tao

"You're so Gorgeous, I can't help to stare at you." Nahinto ako sa paglalakad at tumingin saglit sakanya na nakatitig narin sa'kin kanina pa.

"Iloveyou Haelin" bulong niya sakin na ikinamula ko, nagtuloy na kami sa pagrampa sa stage hanggang matapos iyon.

Hindi ako nanalo bilang Ms.Pageant2020 dahil Hindi naman talaga ako deserving doon,, si belle ang nanalo sa Ms.Pageant2020 at as usual si Yiro ang Mr.Pageant2020

"Babe susunduin kita sa bahay niyo mamaya ha, o kaya ay dadalhin ko nalang sa bahay niyo yung damit ko para duon muna ako sainyo habang hindi pa nag aalas siete" ani Yiro,, pero wala akong balak na pag stayin siya sa bahay dahil panigurado manggugulo lang siyaa duon lalo na't wala si kuya

"Sunduin mo nalang ako Mamaya" sabi ko sakanya, mukhang ayaw niya pang pumayag ngunit kalaunan ay tumango nalang siya.

__

Pagsapit ng alasingko ng hapon naggagayak na kami at si sheryl at belle nasa kwarto ko ngayon, minemakeupan ni sheryl si belle. Ako naman ay nagbihis lang ng casual dress saka kaunting liptint lang at pulbos, wala akong balak magpakaganda pa dahil hindi naman ako sasayaw sa hall.

"Ano ba naman yan Haelin! Pupunta ka sa ball party ng ganyann lang ang itsura mo??" Anas ni Sheryl saken kinunutan ko siya ng noo

"Bakit? Hindi naman ako rarampa doon aber" tinignan niya ko ng masama at hinila

"Ano kaba! Ball party yon once in a lifetime mo lang mararanasan yon kaya sulitin mo na! Halika rito aayusan kita" napabuntong hininga nalang ako dahil wala akong magagawa sa kakulitann ni sheryl, hays nawa'y hindi ako magmukhang clown.

Sinimulan niya kong ayusan, pinagpalit niya rin ako ng dress na strapless at makinang, mahaba naman iyon ngunit hindi parin ako kumportable sa dibdib ko, may kung ano siyang nilagay sa mukha ko at pilik mata ko, aahitin niya sana ang kilay ko ngunit pinigilan ko siya

"Wag." Anas ko habang nakakapit sa braso niya

"Tigilan mo'ko Haelin Tracy!!" anak ng kagang?!

Wala nakong nagawa dahil nagmamadali narin kami at mag aalas siete na baka malate pa kami

"Nandiyan na sila Yiro" Sabi ni belle, para siyang hindi masaya nang sabihin niya yon. Siguro'y nanduon sila Troy

"Nyare sa'yo sis?" Tanong ni Sheryl sakanya, ngumuso siya sa Labas ng bintana at tama nga ang hinala ko nanduon si Troy

"Kaya naman pala." Nangaasar na sabi ni Sheryl, kaya tinapik siya ng bahagya ni Belle

Bumaba na kami at sinalubong sila Yiro.

"You look stunning babe" bulong niya sa'kin sabay hapit sa bewang ko

"Sus, dahil ba sa dress kong puno ng glitters?" Natatawang sabi ko sakanya

"You look stunning everyday" tinignan ko siya sa mata at ganoon din siya

"Ehem!! Tama na po ang landian at sumakay na sa Van bago tayo malate!" Sabat ni Belle palibhasa'y bitter kay Troy HAHAHAHA

Natawa nalang ako sa sarili kong naisip at tuluyan narin kaming nakarating sa school.

_
AUTHOR'S NOTE

Thankyou for reading mga ka watty!

Hope yall enjoy this '>

Kindly Vote, Comment, And Share.

Accidentally inlove with a hearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon