Chapter 24; The Bro's

339 13 2
                                    

"Ano ba kasing nangyari bakit ganun 'yung tratuhan ng dalawa feeling ko kasi may something between them" ani sheryl. Habang wala pa 'yung dalawa eto nanaman ang tsismisan nila. It's been 2 week's since nagpatransfer si Gab sa school namin.

Lagi rin naming napapansin na t'wing magkasama sila ni Yiro e parang may kuryenteng dumadaloy sa pagitan nila.

"Ewan ko ba ang mysterious nilang dalawa psh" napapailing namang sabi ni romi, kaklase namin.

"Sinong misteryoso?" Natikom ang kani kaniyang bibig namin. Si Yiro nandiyan na.

"'Yung pinanuod naming pelikula kagabi! Ay grabe talaga!" Napatango nalang kaming lahat bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Romi

"Ok" maikling tugon ni Yiro saka naupo sa upuan niya. Magkatabi nga pala kami.

"Goodmorning Class!" Ayan na si ma'am, nagsibalikan na kami sa mga upuan namin

"Goodmorning ma'am!" Bati namin pabalik

"Before we proceed to our discussion, may iaannounce muna 'ko" nakikinig lang kami
sa mga susunod pa niyang sasabihin

"Sa saturday magkakaroon tayo ng Campus Camping which is dito lang din sa campus ninyo gaganapin" patuloy na sabi ni Ma'am

"3 day's 'yun bali Saturday hanggang Monday. Kung sinong mga sasama merong plus 3 sa mismong grade. May mga activites kayong gagawin at exempted na kayo sa mga gagawin niyo sa Monday. Hindi kayo papasok nun dahil iyon ang araw ng uwian niyo, tanghali tayo aalis ng school at pahinga niyo na sa buong maghapon, gets?" Mahaba niyang paliwanag, nagsitanguan kaming lahat bilang pagtugon.

Pagkatapos niyang mapaliwanag ang lahat sa'min ay nagdiretso na kami sa discussion.

LUNCH

"Lin sasama ka?" Ani Gab na nasa harap ng upuan ko

Umiling ako dahil wala naman talaga akong balak sumama sa camping na 'yan.

"Sasama ako e! Sumama kana!" Pagpipilit niya sa'kin

"Edi sumama ka! Nanay mo ba 'ko para malaman ko!" Tumayo na 'ko sa upuan ko at hinila si She papuntang canteen

"Lin 'di ka sasama?" Tanong ni she.

"Ayoko nakakatamad" sagot ko at ang mukha niya ay parang binagsakan ng langit at lupa

"Wala 'kong kasama!!" Parang batang nagmamaktol na aniya

"'Wag ka na kasing sumama" napanguso nalang siya dahil hindi niya naman ako mapipilit

"Sheryl dito kayo!" Ayan na ang prinsipe ni sheryl, Jake the Prince!

"Teka oorder muna kami" ani ko at hinitak si she sa counter. Kompleto silang lima dun jusko nandun pa si Troy.

"'Wag na tayong makishare sakanila" bulong ko kay sheryl

"Dahil nanaman kay Troy? Jusko dai hindi ka naman kakainin nun" napabusangot nalang ako. Hindi nga ako kakainin ni Troy kakainin naman ako ng kahihiyan.

"Hi Lin san table niyo? Sama 'ko" Ayan nanaman siya!

"Ano ba tantanan mo'ko ha!" Inis kong sabi sakanya

"'Wag mong guluhin 'yan Gab masasapok ka niyan" Ani she na busy sa pag-aabang ng turn namin

Matapos ng pag-oorder namin ay bumalik na kami sa table nila

"Kasama niyo 'yan ugok na 'yan?" Nakakunot ang noong sabi ni Yiro

"O baket naman!" Matapang na anas ni Gab. Eto nanaman sila.

"Magtigil nga kayong dalawa!" Dabog ako umupo sa tabi ni Jake pero agad din akong napatayo dahil tinulak ako ng gago

"Bat ka ba nanunulak!" Ininguso niya si Sheryl. Tss tabi nga pala sila

"Dito ka Lin!" Hindi talaga siya nauubusan ng energy ano? Napaka hyper kalalaking tao.

"Tss" labag sa kalooban akong naupo sa tabi niya

"Magkaibigan kayo?" Tanong ni Franz. Oo DATI.

"Sort of" si she na ang sumagot sakanya.

"Ha?! Kaibigan mo 'yang Bugok na 'yan?!" Gulat 'kong nilingon si Yiro. Bat ba galit na galit 'to kay Gab

"Ouch naman Bro! Hindi ako bugok ano!" Maarteng sabi ni Gab. Nabakla na.

"Alam niyo kayong dalawa para kayong hindi magkapatid" Magkapatid?

"Sinong magkapatid?" Inosenteng tanong ko

"Si Yiro saka Si Gab" otomatiko akong napanganga sabay tingin sa dalawa

"Magkapatid kayo?!"

AUTHOR'S NOTE

Thankyou for reading mga ka watty!

Hope yall enjoy this '>

Kindly Vote, Comment, And Share.



Accidentally inlove with a hearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon