Chapter 28; Camping day

309 10 0
                                    

"Dito tayo!" Ani Sheryl habang tumatabi sa kinauupuan ni Belle. Sumama rin siya sa Camping para naman daw ma experience niya

"Uy diyan ako!" Sabat ko nang maupo si Jake sa tabi ni sheryl. Hindi na sila mapaghiwalay psh

"Doon ka, sho shoo!" Pinagtataboy niya pa 'kong parang aso kaya naman kinaltukan ko siya

"Hoy! Masakit 'yun ha! Babe, o!" Sumbong niya kay sheryl at sinamaan ako ng tingin

"Anong Babe ka diyan! Hindi pa kita sinasagot ano!" Ani she kaya naman sumimangot lalo si Jake

"Ble, buti nga" nagmake face pa'ko sa harap niya

"Good Morning student's!" Bati ng Mic. Batid ko'y ito ang magoorient sa'min.

"Good Morning!" Bati namin pabalik. Inaantok pa 'ko!

"So, Ako si ate Jen ang magpapaliwanag sa inyo ng mga gagawin niyo like activities." Habang nagsasalita si Ate Jen ay 'di ko maiwasang maghikab dahil sa antok.

"Matulog ka muna kaya" nilingon ko ang nagsalita na siyang katabi ko lang.

"Eh? Nandiyan ka pala?" Maang na tanong ko at tanging tango lang ang sagot na natanggap ko

"Matulog ka, mukhang inaantok ka pa" aniya, sasabihin ko sanang hindi kaso napahikab nanaman ako

"Sige na, gigisingin kita pag tapos na ang orientation" dagdag pa niya, tumango na lang ako at nagsimulang sumandal sa upuan at matulog.

....................

"Huy Lin! Gising na!" Nangunot ang noo ko nang magmulat ako ng mata

"Wala ng tao?!" Napasigaw na sabi ko, pag mulat ng mata ko kaming siyam nalang ang nandito

"Kanina ka pa kasi namin ginigising, aber!" Ani she na kasalukuyang nasa harap ko't nakapamewang.

"A-aa sorry naman! Inantok ako e!" Tumayo na'ko mula sa pagkakaupo at inayos ang sarili

"Saan daw tayo?" Tanong ko sakanila

"Sa room tayo sa may taas ng building tss." Ani Franz. Ipinaliwanag nila sa'kin ang mga gagawin at kung saan kami lulugar.

Ang kwarto ng mga babae at hiwalay sa lalaki, syempre. Kaming tatlo ay magkakasama sa iisang kwarto dahil sabi ni ate Jen bahala na kami kung sinong kasama namin sa kwarto basta hindi magkasama ang lalaki sa babae.

May activities kaming gagawin mamaya, pero hindi na nila pinaliwanag sa'kin 'yun dahil kada activity ay may magpapaliwanag naman.

"Mag-ayos muna tayo ng gamit" sabi ni Belle pagkaakyat namin sa building. Jusko dai malolosyang kami kakapabalik balik. Malayo na nga 'to sa Quad tapos sa taas pa kami ng building

"Belle mamaya gawin mo na 'yung sinabi ko ha?!" Tumataas taas pa ang kilay na sabi ni Sheryl kaya naman nagtaka ako, anong meron?

"Ano 'yun?" Tanong ko

"Aamin siya hehe" sagot naman ni Sheryl sa'kin at nagsimula nang ayusin ang mga gamit niya. Anong aaminin?

"Ano nga?" Pagtatanong ko ulit

"Aamin siyang gusto niya si Troy" wee? Seryoso? Kaya pala pansin ko ay laging nakatingin si Belle kay Troy

"Talaga?!" 'Di makapaniwalang ani ko, si belle ay nahihiyang napatango nalang

"Oo nga! 'Wag mong sabihing nagseselos ka? Diba nga sabi mo ay kay Yiro kana?" Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Sheryl minsan talaga walang tigil ang bunganga ng babaitang ito.

"Magtigil ka nga! Syempre hindi ako nagseselos ano! Hindi ko lang lubos maisip na may gusto si Belle kay Troy" ngusong anas ko, sa totoo lang bagay silang dalawa. Maganda si Belle at gwapo naman si Troy, pareho rin silang mabait.

AUTHOR'S NOTE

Thankyou for reading mga ka watty!

Hope yall enjoy this '>

Kindly Vote, Comment, And Share.


Accidentally inlove with a hearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon