Chapter 23; Game Over

335 14 0
                                    

"Uy lin, ano nga kasing nangyari?!" Pilit akong niyuyugyog ni sheryl

"Ewan ko sayo! Diba sinabi ko na sayo dati na ayokong makita ang pagmumukha ng lalaki na 'yun!! A-Y-O-K-O" tapos tinulungan pa yawa

"Pinilit ako nung tao e! Saka nilibre niya rin ako hehe." Sinabi na nga bat sinuhulan nanaman siya ng lalaki na 'yun.

"Tss bwisit!" Dumukmo na lamang ako sa desk ko napakapangit ng araw ko mula ng makita ko 'yung lalaki na 'yun.

"Good Morning!!" Bati ng kung sino pero batid ko'y hindi si ma'am 'yun.

"Sino siya?"

"Omg! Lin!"  Niyugyog nanaman ako ni sheryl

"Ano nanaman?!" Anas ko at asar na lumingon sakanya

Tinignan ko 'yung nginunguso niya.

"Tangina?!" Napamura ko ng wala sa oras

Pano nalaman ng ungas na 'to ang school namin?

"Miss Sanchez! Go to the Guidance, Now!!" Ugh.

I glared at him and roll my eyez.

__

"You can go back to your room. Just promise that you won't do that again understand Ms. Sachez?" Tumango nalang ako bilang sagot at bagsak balikat na lumabas ng Guidance

Lintek talaga kahit kailan.

All of my life hindi pa 'ko na guidance, ngayon lang talaga! At dahil pa dun sa Gab na 'yon.

"Lin sorry!" Nanlaki ang mata ko at tumingin sa taas ng Building

"Ano ba?! Ang ingay mo!" Inis kong tugon sakanya

"Sorryyyy!!" Argh. Dabog ko siyang nilayasan at dumiretso sa room

Pero, Walang tao?

"Nasan sila?"

"Uy Lin! Bakit nandito ka pa?" Nakita ko si Yiro na naka P.E uniform

Thursday ngayon!

"Hala!" Dumiretso ako sa upuan ko at kinalkal ang gamit ko

Wala akong P.E na dala

"Bakit?" Tanong ni Yiro.

Shems anong gagawin ko

"A-aa Yiro?" Tumaas siya ng kilay bilang pagtatanong

"May P.E ka pa ba?" Agad siyang ngumiti "Tara sa Office" Sumunod ako sakanya hanggang sa marating namin ang office, oo nga pala anak siya ng may-ari ng school -,-

"Eto" sabay abot ng isang pares ng bagong P.E uniform

"Salamat ha" ngiti siyang tumango "magbihis ka na muna may cr diyan" nagbihis na 'ko at sabay kaming nagpunta sa Field

Bakit kasi napakamakakalimutin 'ko.

"Buti naman at dumating kana! halika na magsisimula na 'yung laro" ani sheryl

Kumuha na 'ko ng isang raketa sa basket.

Ang laro ng mga babae Badminton at sa mga lalake naman, As usual basketball.

"Let the Game begin! In 3,2,---"

"Wait lang poo!" Napakamot ako sa ulo nang makita si Gab na tumatakbo. Naka P.E na rin siya.

"Ok! Ok! In 3,2,1 Go!" Nagsimula na ang laro hindi lahat sabay sabay. Pag katapos maglaro ng isang pares susundan nanaman ulit ng isa pa ulit.

Nagaabang lang muna kami. Tamang nood sa mga naglalaro

Si Gab. Saka si Yiro?

Sila yung magkalaban

"Goo Yirooo!!" Syempre tilian nanaman 'tong mga 'to.

Kasama pa naman namin yung ibang section.

"Sino 'yung kalaro niya? Bago?" Kanina ko pa naririnig 'yang tanong na 'yan.

"Gwapo rin siya kaso mas gwapo si papa Yiro" isa pa 'to

"Sinabi mo pa! Ang Laki ng katawan nung lalaki" Hindi naman Gwapo 'yan e mukhang galunggong. Patpatin pa nga 'yan dati.

"Hala!!" Reaksyon ng iba ng maagaw ni Gab 'yung bola kay Yiro, Nag-aagawan na sila.

Tutok ang lahat sa laban ng dalawa dahil kita mong may tensyon. Actually magkamukha nga sila.

"Ano ba?!" Putspa naasar na si Yiro.

"Bakit?" Inosenteng tanong ni Gab tsk tsk.

"Foul ka na e! Tignan mo nga 'yang ginagawa mo kanina ka pa paikot-ikot tapos pag nakuha ko yung bola hinihila mo!" Anas ni Yiro.

"Kahit kailan hindi ka marunong maglaro ng patas!!" Binalibag ni Yiro yung bola at tumalbog lang 'to ng malakas

Kahit kailan hindi ka marunong maglaro ng patas? KAHIT KAILAN?

Naguluhan ako brad. Magkakilala ba sila?

__

AUTHOR'S NOTE

Sorry kung ngayon lang nakapag-update medyo busy kasi and tinatamad din ako minsan, hope yall understand.

keep on reading this until the last chapter (Epilogue) :>

KINDLY VOTE, COMMENT, AND SHARE.

Accidentally inlove with a hearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon