Chapter 34; Headache

304 9 0
                                    

Nagising nalang ako dahil sa sobrang kirot ng ulo ko. Pagdilat ko, isang puting kuwarto at ang amoy ng aircon ang bumungad sa'kin.

"Gising na siya!" Nagulat pa 'ko ng may sumigaw

"Tol anong nangyari sa'yo?" Aniya. Tch sa'kin pa tinanong e di ko nga rin alam bat nandito ko.

"Aba malay ko. Ano bang ginagawa ko dito?" Tanong ko sakanila. Silang lima nandito wala 'yung tatlong babae

"Nasaan sila Lin?" Tanong ko pa ulit. Ngunit walang kumikibo sakanila nanatili silang nakatayo at parepareho ang reaksyon nilang kala mo'y takang taka.

"Huy!" Tumingin ako kay Troy na seryoso ang itsura.

"Anong nangyari?" Walang sumasagot sa'kin kaya napagpasiyahan kong bumangon pero masyadong masakit ang ulo ko

"Tol, Wala kabang naalala?" Tanong ni Troy. Umiling naman ako

"Maliban lang sa Huling salitang narinig ko, hmm" inisip isip ko muna kung ano iyun

"Shit Yiro? Iyun ba 'yun? Ewan basta" naguguluhan pang sabi ko

"Naaalala mo ba na nawala si Haelin bago mag-umpisa ang huling laro?" Ani Jake

"Ahhh, oo!" Sagot ko

Kaya ba wala si Lin ngayon? Hindi parin nahahanap?!

"T-teka! Wag niyong sabihing hindi pa rin nahahanap si Lin?!" Gulat na sabi ko.

"Nahanap mo na siya, kaso pumalya ka"

Ang alam ko nasa likod ako ng School nun ibig sabihin nandun siya?

"Teka ano bang araw ngayon?" Tanong ko sakanila

"Friday" nanlaki pa ang mata ko sandali nang malamang biyernes ngayon.

Linggo naganap ang pagkawala ni Haelin, ang ibig sabihin nun ay

"Limang araw na 'ko dito?" Gulat kong tanong at nagsipagtanguan naman sila.
Si Troy ay nanatiling seryoso ang mukha, ano ba iniisip neto

"Hmm mga tol? Pwede bang lumabas muna kayo?" Pakiusap ni Troy sakanila kaya hindi ko mapigilan ang pagtataka at pag-iisip ng kung ano ano

"Bakit?" Tanong ni Gab

"May pag-uusapan lang kami ni Yiro" sabi pa ni Troy pero si Gab ay hindi matigil ang pagtatanong

"Gab tara na" yaya ni Rio sakanya. Tsk napakakulit talaga.

Pagkalabas nila ay hinarap ako ni Troy na hanggang ngayon ay seryoso ang mukha.

"Anong meron Troy?" Tanong ko

"Yiro. Wala kabang naaalala?" Paulit-ulit naman 'yang tanong.

"Wala nga. Bakit ba kasi?" Gulong gulo na 'ko sakanil eh kanina pa tanong ng tanong wala nga kako akong naaalala.

"ABCDE" tila pagbanggit niya ng mga letrang iyon ay unti-unting nagpasakit sa ulo ko

"B-bat sinabi mo 'yun?!" Naiinis na anas ko

"Sila CDE ang nanguha kay Haelin" aniya.

Nangunot ang noo ko, ibig sabihin ay tinangka nanaman nilang gumawa ng gulo.

"Pero paanong sabi niyo na nahanap ko si Haelin kung sila CDE ang nanguha? E sa likod lang naman ako ng school nagpunta at hindi ko sila nakita" Iyun ang huli kong naaalala pero hindi ko maisip kung saan ko narinig ang 'Shit Yiro' na 'yun

"Nagpunta ka sa Kwarto Yiro. Dun ka namin nakita." Lalo akong nagtaka dahil wala akong maalala

"Nakahalandusay ka sa lapag habang si Haelin, nakaupo at Hawak ni C" sumasakit lalo ang utak ko sa kakaisip. 'Wag naman sanang bumalik nanaman hindi ko na kakayanin.

"Yiro, i know kung anong naiisip mo sa ngayon. 'Wag kang mag-alala hindi na babalik 'yun" Three years ago nang mawala iyon at sabi ng doktor ay imposible nang bumalik. Pero ano itong nangyayari sa'kin ngayon?

AUTHOR'S NOTE

Thankyou for reading mga ka watty!

Hope yall enjoy this '>

Kindly Vote, Comment, And Share.



Accidentally inlove with a hearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon