Chapter 21;Blind date

386 18 0
                                    

HAELIN'S POV

"Lin hindi ka ba bibili?" Tanong sakin ni sheryl

Nasa women's boutique kami ngayon at itong babae na 'to kung ano anong binibiling damit

"Wala kong pera" kahit meron. Hindi ko naman kasi hilig magbibili ng kung ano ano

"Edi ako mamimili para sayo.Dali naaaa" napailing nalang ako dahil wala na atang solusyon para matigil ang kakulitan ni Sheryl

Pinaupo niya lang muna ko sandali habang siya namimili ng damit. Pustahan pagsusuotin nanaman ako ng palda nito.

"Lin!Lin! Tara dito dali!" Agad akong lumapit sakanya dahil akala ko kung anong nangyayari sakanya

"Ewan ko sayo" napahampas nalang ako sa noo ko dahil sakanya

"Ang Ganda diba? Gusto mo nito?" Sabi niya habang pinapakita sakin ang sleeveless na dress. Jusmiyo maigsi na nga wala pang manggas

"Tantanan moko she, ikaw magsuot niyan" tinalikuran ko na siya at bumalik sa kinauupuan ko

Kung ano anong pinagkukuhang damit ni sheryl at maya-maya hinila ako sa fitting room

"Sukat mo yan lahat ha!" Sabay abot sakin ng lahat ng damit na kinuha niya

Iiling-iling akong pumasok sa fitting room at isinukat ang mga damit na pinili ni she

Una,

Kinuha pala ng bruha yung sleeveless na dress, ano pa nga ba edi sinukat ko at tatalakan lang ako nun pag hindi ko ginawa

Pangalawa,

Isang Palda na pagkaigsiigsi, sabi ko na nga ba't hindi mawawala sa kukuhanin niya 'to

Pangatlo,

Maong na short? Eto maayos ayos pa.

Pang apat,

Ahh bastaaa yun na 'yun napakarami naman kasing binili ng bruha nayon akala mo lahat masusuot ko.

"O? Tapos kana?" Obvious ba she, nasa pintuan lang ako ng fitting room habang hawak ang sandamakmak na damit

"Magpalit ka ng damit mo! May ka blind date ka" blind date? At kelan naman ako pumayag makipagblind date?

"Hoy sheryl!! Anong blind date ha?" Napa kibit balikat siya

"E kung tuktukan kaya kita jan! Anong di mo alam?" Inis na giit ko pa, letse.

"Sige na Linnn!! Pumayag kana! Kahit ngayong araw lang? Pleasee?" Nagmamakaawang anas niya, jusmiyo sinasabi ko na nga bat may dahilan kung bakit ako binili ng damit ng bruhang 'to.

"Tsk! Pag iyan rapist sasakalin kita ha!" Ani ko habang nagkakamot ng noo dahil lumalabas na ang wrinkles ng lola niyo.

"Hayy nako Haelin, Walang mangrerape sa'yo kung meron man baka aso" inambaan ko siya ng sapak at agad na nagtatakbo palayo sa fitiing room

"Anong isusuot ko dito? Hayop ka she" bulong ko sa sarili ko at pumasok na muli sa loob ng fitiing room

Napagdisesyunan kong mag short na maong at yung polo shirt na lang kesa naman mag dress ako e blind date lang naman yun na napilitan lang ako, saka isa pa naka rubber shoes ako.

"Sabi ko na nga ba hindi ka mag dedress" napasapo pa siya sa noo niya. Aba bakit? Ano bang problema sa suot ko

"Magpapablind date blind date ka na hindi ko alam tapos magrereklamo kang ito sinuot ko kaltukan kaya kita?" Nanlalaki pang mata na sabi ko

"Hehe sorry na pala, sige na tara na nandun na raw siya" pag ito talaga mukhang galing sa bilangguan lagot sakin si sheryl

Pagdating sa Los Cafe pinag-ayos ako sandali ni sheryl at nilagyan ako ng lip gloss dahil dry na raw ang labi ko

Pagpasok sa loob hinanap ko yung naka kulay puting polo na lalaki na may dala raw na bulaklak tapos naka pantalon na itim, si sheryl naman umalis na at hahanapin daw siya sakanila

Maya-maya pa may lumapit saking waitress

"Ma'am? Ms. Haelin Sanchez po?" Napatango ako dahil baka mamaya vip ako o diba sosyal

"Halika po nasa Vip room ang kasama niyo" woaaah yaman boi

Pag dating sa taas may tinuro saking room yung waitress

Kumatok muna ko bago pumasok

At nakita kung sinong ka blind date ko

"Haelin"

__

A/N

Thankyou para sa walang sawang pagbabasa sa istorya ko kahit hindi naman ganun kagandahan.

Hope you will enjoy reading until the upcomming chapter's.

Thankyou mga ka watty.

KINDLY VOTE, COMMENT, AND SHARE

Accidentally inlove with a hearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon