Chapter 26;List

320 16 0
                                    

HAELIN'S POV

Friday ngayon at bukas Campus Camping na. Si she ayun pinipilit pa rin akong sumali. May bago kaming kaibigan sa section A, si Belle, ang sabi ni She ay nakilala niya si Belle nung nagpunta sila ni Jake sa Library

Oo nga pala, nagdate sila at ang Jake abot tenga ang ngiti pag pasok kinabukasan kasi naamin na niya kay She ang feelings niya.

"Linnn! Sumama kana kasi!" Ayan nanaman siya. Pangatlong araw na niya kong pinipilit. Nakakatamad kasing magcamping, matutulog nalang ako sa bahay.

"Ayoko nga!" Ani ko kaya ngunguso nguso siyang bumalik sa upuan niya

Pagdating ni Ma'am as usual bati muna ng magandang umaga bago magdiretso sa discussion

"Wala na bang hahabol sa Camping? 28 lang ang sumama halos kalahati rin ng klase niyo" ang dami pala, ang expected ko mga nasa 10 o 15 lang

"Mukhang wala na. Mamaya ipapaskil sa gate 'yung tarp ng mga kasama sa campus camping tignan niyo nalang" may paganun pa sila sosyal naman.

Matapos ang mahaba habang discussion ng mga teacher's namin ay natapos din ang klase. Oras na ng uwian.

"Lin samahan mo 'kong tignan 'yung tarp ha?!" Tinanguan ko nalang si she at lumabas na nga kami sa room

"Sabay daw sa'tin sila Jake hahatid nila tayo" Mula nang umamin si Jake kay She lagi na kaming magkakasamang walo. Si Sheryl, Ako, Jake, Troy, Franz, Rio at 'yung dalawang magkapatid si Yiro at Gab.

Nakwento nila sa'min na simula pagkabata hindi sila close na dalawa dahil si Gab laging nasa lola nila which is sa LA. Hindi ko naman alam na may kapatid pala si Gab kahit na magkaibigan kami noon.

Hindi naman kasi niya 'ko napakilala sa Pamilya niya.

"Eto na eto na!" Pumapalakpak pang ani Gab. Isip bata talaga 'to

"Lin? Kasama ka?" Taka akong napatingin kay sheryl na tinuturo 'yung tarp

"Ayan o, Haelin Tracy Sanchez" letchugas?! Sinong naglista sakin

"Sinong naglista sakin?!" Asar akong tumingin sa anim na lalaki

"Hindi ako" ani Jake

"Not me" si Rio, lumingon ako kay Franz at umiling siya

"Ok fine ako na!" Anas ni Yiro

"Ako 'yung naglista sa'yo kasi kasama kaming lahat ikaw lang ang hindi" pahina ng pahinang sabi niya, nasapo ko nalang ang ulo ko dahil sa inis

"Yiro naman e!" Hindi ako nakabili ng Pagkain, ng mga kailangan tapos 'di ako nakapag-ayos ng gamit tapos ililista niya 'ko

"Kakaltukan talaga kita!" Akma ko siyang kakaltukan pero tumakbo aba habulan pala ang gusto niya ha!

"Humanda ka sakin pag nahuli kitang kumag ka!!!" Sigaw ko. Pinagtitinginan kami ng mga nakakakita, pero wala 'kong pake lagot sa'kin 'yung Yiro na 'yun.

AUTHOR'S NOTE

Thankyou for reading mga ka watty!

Hope yall enjoy this '>

Kindly Vote, Comment, And Share.


Accidentally inlove with a hearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon