Chapter 31; In between

330 12 1
                                    

Nagtititigan silang dalawa na animo'y naglalaban sa pamamagitan ng tinginan.

"Umalis ka na rito, Gab" naiinis na tugon ni Yiro. Umayos siya ng tayo at hinarap si Gab.

"Bakit? May ginagawa ba kayong hindi ko dapat makita?" Nakataas ang kilay na tanong ni Gab. Kinakabahan ako sa kanilang dalawa. Kulang nalang e magsapakan.

"Wala kang pake! Lumayas ka rito kung ayaw mong pati sa bahay ay palayasin kita" Pagbabanta ni Yiro. Extra lang ata ako rito, sige kayo na ang bida.

"Unang una sa lahat. May pake ako, dahil babae pa rin 'yang kasama mo! Paano kung mabuntis mo 'yan ha?!"

"Hoy! Hoy! Hoy! Sinong may sabing magpapabuntis ako, aber?" Nakapamewang pa akong humarap sakanya, lawak ng isip ng isa na 'to!

"Lumayas layas ka sa harap ko ha!" Inis na dagdag ko pa, kamot batok siyang nagtaas ng tingin sa'kin

"O? Narinig mo diba! Chupi ka raw dito! Chupi na!" Parang batang nagpapalayas ng ipis na sabi ni Yiro. May papagpag pa ang loko

"Hindi! Hindi ako lalayas dito! Wala kong tiwala sa pagmumukha mo" dinuro duro pa niya ang pagmumukha ni Yiro sabay irap sa hangin. Maniniwala talaga akong magkapatid silang dalawa e. Kung hindi lang sinabi ni Yiro na ampon si Gab.

"Mas wala akong tiwala sa mukha mo! Niloko mo nga si Haelin!" Paksheyt din 'to e, binanggit pa.

"Basta!" Dabog na naupo si Gab sa bakanteng upuan na kaharap ni Yiro. Ayan nanaman ang titigan nilang kulang nalang e magpatayan

"Hoy! Magtigel kayong dalawa sa kagagaganyan ninyo, ha!" Sigaw ko sakanila, napaupo ako sa kama habang pinapahupa ang damdamin ko. Letchugas na mga lalaki 'to parang mga bata kung mag-away.

"Eto kasi! Apaka! Nakakakainis ayaw lumayas!" Anas ni Yiro na may panduduro pa sa mukha ni Gab, inis naman iyong hinawi Gab

"Aba hoy! Ikaw din naman ah! Hindi ako lalayas dito kung hindi ka rin lalayas!" Napapairap na tugon ni Gab.

Para akong nagkaroon ng dalawang makukulit na anak sakanila. -,-

"Hindi!" Sigaw ko na dahilan ng pagtigil nila sa pagbabangayan

"Anong Hindi?" Sabay pa nilang tanong

"Ako na ang aalis, Mga depungal kayo!!" Agad akong tumayo at linisan sila. Hindi talaga ako magkakaron ng maayos na araw pag kasama ko sila.

"Letse. Letse. Letse!" Inis akong nagpapadyak pababa ng hagdan, nagtuloy muna ako sa Field, doon lang walang masiyadong tao dahil maggagabi na rin. Naupo ako sa buhangin at nag isip-isip.

Mabuti at dumating si Gab kun'di ay mahahalikan ako ng punyetang si Yiro>_<

"Lin?" Napalingon ako sa likod "Bakit nandito ka mag-isa?" Tanong pa niya

"Naiinis kasi ako sa taas dahil may masasamang nilalang ang nandoon" napairap ako dahil sa sinabi kong 'yun.

"Ikaw bakit nandito ka?" Naupo siya sa tabi ko at pinagpag ang kamay niya sabay buntong hininga

"May babae kasing nangangarap na makuha ang precious body ko" bumubungisngis pang aniya. Sa tingin ko'y si Belle ang tinutukoy niya. Napaka lakas din ng self confidence ha.

"Sino naman ang Mangangarap sa'yo?" Sarkastiko ngunit natatawang tugon ko

"Edi iyung babae na 'yun!" Sagot naman niya. Kakaiba ang taste ng isang 'to, napakaganda naman ni Belle at mabait pa.

"Ang choosy mo!" Bulyaw ko sakanya

"Hindi ako choosy, ano! Talagang hindi ko lang siya type" pagtatanggol pa niya sa sarili. Tsk magsisisi ka sa huli, Troy.

"Alam mo bang matagal ko nang kilala si Belle?" Nangunot ang noo ko, hindi naman niya nabanggit iyon. Tanging iling ang isinagot ko sakanya.

"Stalker ang isang 'yun, Tch. Siya rin ang laging nag-iiwan ng mga love letter's at chocolates sa locker ko. Kung minsan nga ay nahuhuli ko siyang sinusundan ako. Napakatindi" iiling-iling na sabi niya.

Kaya pala ang tawag kung minsan ni Sheryl kay Belle ay 'Stalker'

"Iniintay ko nga lang umamin ang isang 'yun at mabuti naman ay binalak niya kanina" so it means..

"Edi may gusto ka rin sakanya?" Naeexcite pang tanong ko ngunit umiling siya dahilan upang magtaka ako

"Hinihintay mong umamin tapos wala ka naman palang gusto?!"

"Hindi naman porke iniintay ko ay gusto ko na ang isang 'yun." Napanganga ako sa sobrang pagkamangha sa katangahan niya

"Ang ganda ganda kaya ni Belle! Tapos hindi mo magugustuhan, imposible iyun Troy!" Protesta ko pa, totoo naman kasi. Kung tutuusin ay mas maganda pa nga sa'kin si Belle ee tapos choosy pa siya. Aning

"Posible 'yun para sa'kin, Haelin!" Napapailing nalang akong nagbalik ng pansin sa kalangitan.

AUTHOR'S NOTE

Thankyou for reading mga ka watty!

Sa mga nakabasa ng unang update ko sa chapter 31 which is 'Unexpeted siblings'. Binago ko ho ito, sana maintindihan ninyo.

Hope yall enjoy this '>

Kindly Vote, Comment, And Share.

Accidentally inlove with a hearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon