Chapter 20; Clearing things

385 15 0
                                    


Pag dating ko sa Parking wala pa si troy kaya sumadal muna ko sa kotse niya.

"Lin, usap lang yan" pilit kong pinapakalma ang sarili

"Lin?" Ayan na siya.

Inayos ko muna ang sarili ko bago humarap saka pilit na ngumiti

"Yiro?" Nagtataka kong anas habang nakatingin sakanya

Akala ko si troy pero si Yiro pala ang tumawag sakin.

"Akala ko mag-uusap kayo ni Troy? Nasan na siya?" E siya? bat siya nandito?

"May kinuha lang sa locker, ikaw anong ginagawa mo dito?" Pagbabalik tanong ko sakanya

"Hmm napadaan lang" Tumango nalang ako kahit na hindi ako naniniwalang napadaan lang siya.

"Oh Yiro? Anong ginagawa mo dito?"
Anas ni troy na kararating lang.

"Wala bro. Sige alis na rin ako" nakatingin lang kami ni troy sakanya habang papaalis siya

"Tara na?" Tipid na ngiti na lang ang naisagot ko sakanya

Habang nasa byahe kami hindi ko mapigilang isipin kung saan kami pupunta at anong paguusapan namin.

Tahimik lang kami, ang tanging ingay ay nagmumula sa radio ng sasakyan niya.

Tumutugtog ang kanta ni Alex Aiono na Unloving you.

Masyado ka na sakin kupido ha.

"Sabi nga pala ni Ate sakin ibigay sayo tong invitation card, may gaganapin kasing event sa bahay kasama yung mga ka trabaho ni Ate, also kuya Tyrous" ibinigay niya sakin ang invitation card na kulay puti

'You are invited to a special event.
When: August 19, 2020
Where: At Fajeros residence
Please wear a formal dress/suit and also a mascara.

From:Jeselle Fajeros

To:You

Iyan ang nakasulat sa card sobrang simple lang ng design niya pero paniguradong magarbo ang gaganaping event.

"Next Sunday Yan. Your brother told me to pick you up kase maaga siyang pupunta sa bahay tutulungan niyang mag-ayos si ate." Tumango na lang ako sakanya

May isang linggo pa ko para mag-isip ng pwedeng suotin.

syempre dapat mag-ayos baka mamaya lahat sila maganda at gwapo dun tapos ako parang naligaw na aso lang.

"You don't have to worry about anything. Wala namang bigayan ng regalo dun and it's just a simple event."  Hindi ko naman iniisip yun ang iniisip ko saan ako hahanap ng dress na susuotin pero mabuti na rin kung ganon.

"We're here" pinarada na niya ang kotse.

Nasa bundok kami?

Masyado bakong lutang kanina at hindi ko namalayan ang daang tinatahak namin

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sakanya

"Gusto ko lang maayos na yung mga bagay bagay satin" nangunot ang noo ko lalabas ata ang wrinkles ng lola niyo.

"Hindi pa ba ayos yun nung nag-usap tayo?"

"Look Haelin. Alam kong naiilang ka pa rin sakin, you're not even talking to me at school" naupo siya sa damuhan habang nakatingala sa langit

Maggagabi na.

"Troy, ang awkward naman diba? Katatapos palang nung nangyari" naupo ako sa tabi niya at niyapos ang tuhod ko

"Pero hindi mo naman kailangang iwasan ako, wala naman akong virus para layuan mo" teka nga. Hindi ko naman siya iniiwasan ha

"At kelan kita iniwasan aber?" Napakibit balikat siya at nagtuon muli ng tingin sa kalangitan

"Tch alam mo Troy. Hindi naman kita iniiwasan pero ang awkward kasi na feeling close na ulit ako after nung nangyari." Paliwanag ko. Hindi siya kumibo at katahimikan ang namutawi sa pagitan namin.

"Lin" napatingin ako sakanya habang siya walang sawang pinagmamasdan ang mga bitwuin.

"Bakit?" Tanong ko

"Si Yiro na ba talaga?" This time nilingon niya ko. Kitang kita ko yung lungkot at eyebags niya.

"H-ha?" Hatdog Haelin.

"Wala, kalimutan mo na" napalunok ako dahil alam ko namang naghihintay siya ng isasagot ko.

"Lin i hope you'll be happy with Yiro" Maybe yes or maybe not.

"Tara na uwi na tayo ihahatid na kita sa inyo" tumayo na siya at inabot ang kamay sakin.

Napatitig ako sandali

Puro sugat.

"Anong nangyari sa kamay mo?" Bigla siyang nag-iwas ng tingin. Ayaw niyang pag-usapan.

"Tara na" anas niya kaya tumayo na ko at sumakay na sa kotse niya.

Accidentally inlove with a hearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon