Chapter 36; The Truth

252 10 1
                                    

"Pre ano gagawin natin jan?" Dinig kong bulungan ng mga lalaki

"Hintayin natin ang haring dumating tsk" nanghihina ako at sobrang bigat ng ulo ko.

"Paano kung maulit nanaman nung nakaraan? Panigurado madidiretso na tayo sa presinto" Dapat lang na malagay kayo sa tirahan niyo.

"Madami tayong backup kaya imposible, ano bang iniisip mo! Umayos ka nga!" Siya, siya yung gagong nagbagsak sakin kanina!!

"T*ng*n* niyo!!"  Nanghihina nako ngunit pinilit ko parin. Hindi ko mapigilan ang inis ko sakanila.

"Gising ka na pala, kumain ka muna. Mahal kong alas" sarkasrikong anas niya

"Ilang beses niyo kong balak kidnapin? Mga ungas!" Tila nauubusan na ng pasensya ang isang yun sakin.

Ganyan nga maubusan ka ng pasensya mas madadagdagan ang sugat ko mas madadagdagan ang kaso mo.

"Manahimik ka! Kung ayaw mong ipakain ko sayo tong kutsilyong hawak ko!!" Napalunok nalang ako dala ng kaba

"Napakatagal ng Yiro na 'yan!! Nauubusan na'ko ng pasensya sa babaeng Ito!" Wala ba talaga silang alam na gawin kun'di Ang mangidnap para mapalabas di Yiro?!!

"Nandiyan na siya C" Anas ng isang lalaking batid ko'y yung D

"Wala bang backup 'yan? Mahirap na baka sumabit Tayo" iling na lamang ang isinagot nung lalaki at umabang na sa pinto

si Yiro!!

"Wagggg!!" Malakas na sigaw ko

Napanganga ako sa sobrang kagulatan

YIRO'S POV

Sumakit ata ang tenga ko dahil sa sigaw ni Haelin kanina.

Nakauwi na kami at ngayon ay nasa bahay namin kaming walo, napagpasiyahan naming magsama-sama nalang muna hanggat Hindi pa kami sigurado sa mga pakana ng tatlong 'yun.

Kanina lang ay muntik nakong mamatay dahil sa ugok na D na yun. Pukpukin ba naman ako ng palakol, pero dahil sa sigaw ni Haelin nakailag pako.

Sa sobrang taranta ng mga pulis na nagtatago sa mga damo ay nagsisuguran na sila kahit na hindi pa dapat.

Naligtas nga si Lin nakatakas naman yung tatlong itlog.

"Pre sa sala nalang kami matutulog 'yung mga babae nalang sa kwarto" tinanguan ko nalang si Troy.

Si Troy ay si B, ako si A.
Magbabarkada kami nuon pero nasira kami dahil sa iisang rason.

Inggit

Sa sobrang inggit ng pamilya nila D sa mga Suna nabuwag kami. Inahas nila ang eskwelahan at Ang iba naming bussiness. At Ang pinakahindi ko makakalimutang pangyayari.

Kinaiinisan ako ni C dahil pinsan ko siya at alam niyang sa'kin mapupunta ang mana ng mga Suna oras na mamatay si lolo.

Si E, sinisi niya ko kung bakit siya nawalan ng scholarship at Hindi na nakapaglaro ng basketball. Napasabak kami sa gulo nito at siya ang nahuli ng guidance Kaya siya nawalan ng scholar at ako naman ay hindi natanggalan ng kahit ano dahil nga magulang ko Ang may ari ng eskwelahan.

Sobrang guilty ko nung mga oras na 'yun pero hindi ko akalain na ganun kasaklap Ang aabutin ko dahil sa mga nangyaring 'yun.

Natrauma ako.

Namatay Ang Lolo ko sa mismong harap ko.

Sa mismong kwarto sa gitna ng gubat na itinayo niya.

Si D Ang may pakana pero hindi sila mahuli huli ng pulis dahil malakas ang kapit niya sa pamilya niya, Ang papa niya ay naging gobernador Mula ng mamatay si lolo kaya mas nahirapan kaming mahuli si D.

Sila C at E ay walang Malay ng mga oras na 'yun hindi nila mapigilan si D dahil nalason na rin ng galit Ang utak nila.

Nakagapos ako at humihingi ng tulong, iyak ako ng iyak habang pinapanood na naghihirap ang Lolo ko, sobrang bigat sa'kin na Wala manlang akong nagawa para tulungan siya.

Mula ng araw na 'yun nawala si CDE at mahigit kumulang isang taon din ako sa ospital, trauma at Hindi ako makausap.

Buong maghapon Wala akong ginawa kun'di ang titigan ang kisame, napakahirap umiyak ng walang luha.

Si Lolo ang nagpalaki sa'kin habang ang mga magulang ko busy sa pagtatrabaho. Bata palang ako naghihirap na si Lolo sa'kin at Hindi ko matanggap na namatay siyang naghihirap parin ng dahil sa'kin.

-

AUTHOR'S NOTE

Thankyou for reading mga ka watty!

Hope yall enjoy this '>

Kindly Vote, Comment, And Share.

Accidentally inlove with a hearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon