Chapter 25;Troy's Stalker

317 14 0
                                    

SHERYL'S POV

"She samahan mo 'ko sa library mamaya" ani Jake pagkabalik namin sa room. Si Lin hindi pa rin maka get over dun sa dalawa. Magkapatid ang Ex at gusto niya psh.

"Sige lang" sagot ko sakanya, matapos ang klase kagaya ng napag-usapan namin ni Jake ay dumiretso kami sa Library si Lin naman bantay sarado na ng dalawang magkapatid 'yun.

Pagdating namin sa library nakita ko si Troy

"O nandito rin pala si Troy e" ani ko habang nakaturo kay Troy

"Hmm oo nga may pag-uusapan kasi kami then treat sana kitang dinner after naming mag-usap, okay lang ba?" Excited akong tumango. Pagkain!

"Sige diyan ka lang muna. Do what you want, usap lang muna kami ni Troy" tipid ko siyang nginitian. Maglilibot na muna ako

Habang naglilibot sa library feeling ko talaga may nakatingin sa'kin e.

Lingon sa likod. Lingon sa kaliwa. Lingon sa kan-- huli ka balbon!

"Hoy teka!" Mahinang sigaw ko  dun sa babaeng nakatingin sa'kin tumakbo ba naman.

"Weirdo" bulong ko. Nagpatuloy nalang ako sa paglilibot hanggang sa magsawa na 'ko at bumalik kala Jake

"Uy 'di pa kayo tapos?" Tanong ko sakanila, umiling naman si Jake bilang sagot

Ang tagal naman mag-usap nito nagugutom na'ko e. Naupo ako sa ibang upuan kung saan 'di naman kalayuan sa kanila pero sapat na para 'di marinig 'yung pinag-uusapan nila.

"Si Weirdo 'yun ah" mahina kong bulong habang inaaninag ang isang babae.

Nakatayo siya malapit kila Troy at para bang tinitignan sila. Anong meron?

Patuloy lang ako sa pagmamasid sakanya hanggang sa makita kong nilabas niya 'yung cellphone niya at pinicturan sila Troy?Hindi kaya spy 'to?!

Tumayo na 'ko pero hindi ako nagpahalata, dahan dahan akong pumunta sa kabilang parte ng pinagtataguan niya. Nakasilip ako sa pagitan ng mga librong nakaharap.

Kita ko kung paano niya zinoom 'yung mukha ni Troy at kinuhanan ng litrato.

"Stalker!" Sigaw ko. Napatakip ako sa bibig ko nang maalalang nasa library ako

"Quiet!" Nagpeace sign ako dun sa librarian at tumingin sa may babaeng nanlalaki ang matang nakatingin sa'kin miski sila Troy at Jake ay nanlalaki rin ang matang nakatingin sa'kin.

Lumapit ako dun sa may babae
"Anong ginagawa mo?" Nakapamewang na ani ko

"A-ah k-kasi" hindi ko na siya pinatapos

"Hep hep hep! Stalker ka ano?!" Mahina pero may diin kong bulong

"H-hm 'w-wag mo 'kong isumbong" nagmamakaawang tinig niya medyo naawa naman ako medyo lang. Madami nga naman palang fans itong mga kumag na 'to kaya imposibleng wala silang stalker.

"Hmm pag-iisipan ko" umarte akong parang nag-iisip "Ok, pero sa isang kundisyon!" Nangisi ngisi pang anas ko

"A-ano?"

"Umamin ka kay Troy na gusto---" puta bastos! Tinakpan 'yung bibig ko 'di pako tapos magsalita e

"A-ano ba!" Irita kong sabi

"Ang ingay mo kasi, baka may makarinig" tumitingin tingin pa siya sa paligid

"Tsk, basta umamin ka sakanya!" Bulong ko. Maganda naman siya e at feeling ko bagay sila ni Troy para naman maka move on siya kay Haelin

"Ano bang pangalan mo?" Tanong ko sakanya

"Belle Guerrero, Section A" Nakangiting ani niya. Beauty with brain ang lola niyo san ka pa.

"Sheryl Mae V. Garcia, Section B" napatango nalang siya at muling sumulyap kay Troy. Inlove na talaga.

Accidentally inlove with a hearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon