Chapter 32; Lost

298 8 0
                                    


"Magkakaroon tayo ng isa pang game mamaya, and then after nun ay maaari niyo nang gawin ang lahat ng gusto niyo. Basta! Walang lalabas ng school, nagkakaintindihan ba tayo student's?" Paalala ng mic saamin . 2nd day na ngayon ng camping at bukas ay uwian na.

Magkakasama kaming siyam at kasalukuyang nasa tabi ni ko si sheryl at sa kabila naman ay si Belle na sinusundan ni Gab dahil ayaw siyang tabihan ni Troy. Si Yiro ay nasa likod ni ko na katabi naman nung tatlo.

Wala kasing upuan kaya sa mismong bermuda grass kami nauupo.

"Ano kayang laro na'tin mamaya?" Biglang tanong ni Belle, nagkibit balikat ako dahil hindi ko naman din alam.

"Ipapaliwanag naman siguro 'yun" sabat ni Sheryl na may lollipop pang nakasalpak sa bibig.

"Ang Gara mo!" Biglaang sigaw  ni Belle habang nakaharap kay Troy. Anyare sa dalawa na 'to?

"Ikaw! Ikaw ang magara! Dikit ka nang dikit! Ihhh yak ka!" Lahat kami ay nagsitawanan dahil sa sinabi ni Troy napaka arte ng isa na'to.

Si Belle ay walang nagawa kundi ang lumayo kay Troy na animoy diring diri ang itsura. Tsk tsk.

"Hmp! Bwisit na Troy 'yan porke alam na gusto ko siya, ganyan ganyan siya, psh!" Sumalampak siya sa bermuda at nagpapadyak. Susuko ata ang isa na 'to sa kaartehan ni Troy. Hay nakoo.

"Lin! Lin! Lika dali!" Ani Gab na excited na excited ang istura. Nangiwi ako sakanya at tumalikod. Nababaliw nanaman ata ang isang 'to.

"Hoy! Lika kako! Tinalikuran pa'ko psh!" Humarap ulit ako sakanya at dinilaan siya.

"Blee!" Inilagay ko pa ang mga daliri ko sa ulo at bumuo ng isang sungay HAHAHA. Asar ka ngayon.

"Ang pangit mo!" Anas niya kaya naman pinandilatan ko siya ng mata. Ala tarsier lang.

"Lika na kasi dito! Dami pang arte eh!" Ishh! Inis ko siyang nilapitan at binigyan ng nakamamatay na tingin

"Ano ba kasing kelangan mo?!" Banas na tanong ko

"Hehehe ito kasi oh! May ibon, tch!"

!!!!

"Tangna mo ka! Ibon lang eh! Ano gagawin ko diyan ha!" Binatukan ko siya at nilayasan. Wala talaga kong mapapala sa isang ito.

"Wala kang puso! Napaka mapanakit!!" Sigaw niya pa. 'Di ko na siya hinarap at umakyat nalang sa kwarto namin.

"Bakit ba kasi apaka layo ng kwarto namin!!" Naiiritang anas ko. Nakakatamad sa baba dahil puro pang-aasar lang ng mga 'yun ang maririnig ko kaya aakyat nalang ako nang makatulog.

Nasa tapat na'ko ng kwarto nang may marinig ako.

"Ano mamaya nalang" Sumilip ako ng bahagya sa hagdan katabi ng kwarto namin

Walang tao.

"Mamaya sa Laro." Umakyat ako ng dahan-dahan sa hagdan pero narinig ko na ang yabag ng mga paa na mistulang pababa na kaya naman nagtatakbo nako pababa at pumasok sa kwarto.

"May tao?" Binuksan ko ng bahagya ang bintana at naaninag ang dalawang lalaki. Sino ang mga 'to?

"Wala 'yan. Halika na sa baba" tumalikod na sila kaya nagkaroon ako ng tiyansang sumilip ng mabuti.

Hindi ko sila kilala pero masama ang kutob ko sa mga ito.

Pagkababa nila ay lumabas na'ko sa kwarto pero-

"Hup!"

Unti unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko sa isang iglap bigla nalang itong nanlabo at tuluyan akong bumagsak sa sahig.

YIRO'S POV

Nasan na kaya siya.

Kanina pa siya umalis at magsisimula na ang laro. Pinuntahan na namin sa kwarto pero wala.

"Nag-aalala na'ko" Ani sheryl na halata mong kabado ang itsura.

Nasaan ka na Haelin?

"Alam niyo hindi ko na kayang maghintay nalang dito." Sabat ko "Hahanapin ko na siya, paki sabi nalang 'pag hindi ako nakasama sa laro" dagdag ko pa. Kanina pa siya nawawala at walang mangyayari kung tutunganga nalang kami

"Sasama ko sa'yo tol" Ani Gab. Hindi ko siya sinagot

"Ako rin" Presinta ni Troy. Tumango nalang ako at niyaya na sila

"Kayo na bahala dito" anas ko pa bago kami tuluyang umalis

Napagpasiyahan naming maghiwahiwalay ako ang pumunta sa Garden at sa mga tagong bahagi ng school dahil alam ko ang pasikot sikot dito.

Si Troy sa Lab at sa library etc. Si Gab naman sa mga room.

"Nasaan ka na ba kasi" balisa ako habang naghahanap dahil pakiramdam ko may kung anong nangyari.

Hindi ko siya makita sa likod ng school pagabi na rin kaya mas lalo akong nahirapan. Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko at tinuloy ang paghahanap.

hindi ko siya makita sa lahat ng pinuntahan ko, isa nalang ang alam kong pwede niyang puntahan o pwedeng pagdalhan ng mga taong nanguha sakanya.

Sabi na nga bat mangyayari ito.

AUTHOR'S NOTE

Thankyou for reading mga ka watty!

Hope yall enjoy this '>

Kindly Vote, Comment, And Share.

Accidentally inlove with a hearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon