Chapter 30; Closer

317 11 0
                                    

YIRO'S POV

Nakakainis!

Naiinis ako!

Bakit ba kasi umuwi pa 'tong asungot na Gab ee. Mag-iisang buwan na rin nandito ang asungot na bubwit na 'yon, at hindi matahimik ang mundo ko!

"Bwisit! Bwisit! Bwisit!" Paulit ulit kong sabi. Mula pagkabata hindi kami Close ng asungot na 'yon dahil miminsan lang kami magkasama. Parati rin kaming nagtatalo sa lahat ng bagay. Hindi kami nagkakasundo at hinding hindi kailanman!

"Hoy! Anong bwinubwisit bwisit mo riyan?!" Napalingon ako sa likod ko at nasilayan muli ang pinakamamahal ko, tsk naalala ko nanaman si Gab asungot!

"Bakit nandito ka, Haelin?" Pormal na tugon ko kahit na gustong gusto ko na siyang angkinin. Hindi pa kasi malinaw ang lahat sa pagitan namin

"Magpapahangin sana ako sa Garden kaso may tao ron, kaya dito nalang ako sa field, nauna kapa sa'kin dito" paliwanag niya, pagkababa niya kasi ay sumunod na rin ako dahil naiinis ako kay Gab na asungot.

"Ah oo, nabubwisit kasi ako dun sa kapatid kong asungot!" Inis kong ani napairap ako sa hangin. Nayayamot ako sakanya naunahan pa pala niya akong mangligaw may Haelin.

"Bakit ba hindi kayo magkasundo non? Hindi ba't magkapatid naman kayo?" Iyun din ang problema ko dahil hindi ko naman kapatid ang asungot na 'yon. Akala lang nila.

"Tss 'di ko kapatid 'yung bwisit na 'yon" yamot na anas ko, nagtaka naman agad siya.

"Hindi kayo magkapatid?" Nagtatakang aniya, tumango naman ako

"Kinupkop lang siya ni lola noong bata pa siya dahil ang mga magulang niya ay wala na" paliwanag ko sakanya, Si Gab ang lagi nilang inuuna mula ng bata pa kami kaya namuo ang selos ko sakanya.

"Kaya naman pala. Hindi kayo magkadugo. Pero bakit hawig kayo?" Iyung lalaki na 'yon?! Kamukha ko?!

"Taa! Hindi ko kamukha 'yon! Sa gwapo kong 'to!" Sabay turo pa sa mukha ko

"Ang kapal" napairap na tugon niya. Sus gwapings kaya 'to.

"Gwapo naman ako diba?! Kaya nga nagkagusto ka sa'kin e" pahina ng pahinang sabi ko

"Psh" parang nauubusan ng pasensyang aniya

HAELIN'S POV

Hindi sila magkapatid?

Apon lang si Gab. Nakakapagtaka talaga ang isang 'yun. Hindi ko kilala ang buong pagkatao niya kahit na magkaibigan kami noon pa.

"Ano ba talagang meron sa'yo, Gab?" Bulong ko sa sarili. Mag-isa lang ako sa kwarto ngayon. Dahil si Jake at Sheryl naghaharutan pa este nag-uusap pa. Si Belle at Troy naman ewan ko sa dalawa na 'yon pero hanggang ngayon wala pa si Belle.

*tok tok tok*

Katok 'yan mula sa pinto.

"Sino 'yan?" Tanong ko

"Si Yiro 'to" nangunot ang noo ko, anong kailangan nito?

Binuksan ko na ang pinto at pinapasok siya agad, mahirap na baka may makakita sa'min at isumbong kami.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya

"Hm wala lang, nakita ko kasi si Sheryl at Belle sa labas, si Belle nagmumuni muni ata at si Sheryl kasama si Jake. Kaya nagpunta ako dito kasi baka wala kang kasama, at 'di ako nagkamali" Aniya. Napatango tango nalang ako. Naiilang ako kaming dalawa lang ang narito.

"Hmm kaya ko naman mag-isa, pwede ka nang bumalik sa kwarto niyo baka mahuli pa tayo" Kinakabahang sabi ko. Feeling ko ay may mangyayaring hindi inaasahan kaya gusto ko na siyang palabasin

"Hindi, ayos lang naman kahit na dito lang ako gawin mo ang gusto mong gawin" paano ko magagawa 'yun kung nandito ka. Nakakahiya.

"A-ahh ano kasi, basta! Lumabas kana!" Nanlalaki pa ang matang anas ko.

"Bakit ba pinapaalis mo 'ko? Naiilang kaba sa'kin?" Ngingisi ngising sabat niya. Jusko! Feeling ko'y kada segundo nakakailang lunok ako dahil sa kaba

"H-hindi kaya! Layas na Yiro!" Sigaw ko pa

"Paano kung ayoko?" Ngumisi pa siyang lalo at unti unting lumapit sa'kin. Pinagtitripan nanaman niya 'ko!

"Isa Yiro! Nakakainis kana ha!" Bulyaw ko sakanya "subukan mong lumapit at sasapakin kita!" Pagbabanta ko pa. As if matatakot mo 'yan haelin!

"Naiinis ka sa'kin?" Mapang-asar pang aniya. Letchugas ka Suna!

"Oo! Kaya labas na!" Napausog ako dahil malapit na siya sa'kin.

"Sa tingin mo matatakot mo 'ko, Haelin?" Alam kong hindi pero sasapakin talaga kita pag may ginawa ka sakin!

Lumapit siya sa'kin ng biglaan kaya natutop ang bibig ko. Sobrang lapit niya! Nakatitig lang siya sa'kin na animo'y sinusuri ako

Nakasandal na'ko sa gilid ng kama at nakakapit sa hagdan nito. Double deck kasi.

"Ang ganda mong tanawin, Haelin" mahinang sabi niya at kitang kita ko ang sinsero niyang mata. Ngunit natigilan kami nang bumukas ang pinto

"Anong ginagawa niyo?" Napalingon kami sa pintuan at iniluwa ang isang lalaking nakapantulog, kunot noo niya kaming nilapitan

"Anong ginagawa mo Yiro?" Tanong pa niya.

"Ikaw, bakit ka nandito?" Sa pangalawang pagkakataon nakita ko ang kuryenteng dumaloy sa mata nilang dalawa.

AUTHOR'S NOTE

Thankyou for reading mga ka watty!

Hope yall enjoy this '>

Kindly Vote, Comment, And Share.

Accidentally inlove with a hearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon