Chapter 13

9.3K 234 18
                                    


Chapter 13
________



Tulala siya. Hindi siya makatulog. Para siyang poste na walang kagalaw-galaw magmula kanina nang pumasok siya nang bathroom. Hindi niya alam kung ilang oras na ba siyang tulala habang nakaupo sa bathtub.

Masakit na ang mata niya at wala na ring luha ang tumutulo pa. Siguro ay naubos na kanina dahil sa walang tigil niyang paghagulhol.

Hindi niya matanggap. Paanong ang inaasahan niyang masayang araw ay tila naging bangungot na. Ang lalaking mahal niya, ang nag iisang taong pinagkatiwalaan niya nang sarili, ay ang siya pa palang gagawa nito sa kaniya.

Buntis si Stephanie at alam na ito ni Phoenix bago pa siya nito pakasalan. Ibig sabihin ba nito ay may nangyayari sa dalawa habang magkasintahan sila nang binata? Akala niya mahal siya nito. Ganito ba si Phoenix magmahal? Bakit ang sakit naman.

Akala niya handa nilang gawin ang lahat para ipaglaban ang pagmamahalan nila sa magulang nang binata. Akala niya pagkatapos nang gabing ito. Hindi man matanggap nang magulang nito ay magsasama na sila bilang ganap na mag asawa. Pero bakit ganito ang kinahantungan nang lahat.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa bathtub. Nanghihinang tinungo niya ang shower at binuksan ito.

Matapos maligo ay kinuha niya ang bathrobe at ipinalibot ito sa hubad niyang katawan. Dumiretso siya sa kama at umupo habang pinagmamasdan ang paligid nang kwarto niya.

Kwartong siyang nagsilbing kaniya mula nang dumating siya dito.

Kwartong paulit-ulit na nakasaksi nang kaniyang mga luha sa tuwing nasasaktan siya. Mula nang iniwan siya nang nanay niya hanggang ngayon kung saan sinaktan siya nang taong pinakamamahal niya.

Ngayon ay nakaramdam nanaman siya nang pag iisa. Hindi niya alam kung dapat pa ba siyang nandito sa bahay na ito at maging sa buhay ni Phoenix.

Pakiramdam niya ay hindi dapat siya nandirito.

Napatingin siya sa tapat nang walk in closet niya. Habang pinag iisipan ang desisyong dapat gawin.

Gusto niya na munang huminga. Pumunta sa lugar kung saan walang Phoenix at walang pamilyang masisira.

Alam niyang napakatanga niya para isipin na iwan ang asawa. Pero napakasakit. Aminin niya man sa hindi alam niyang mahina siya at hindi niya ito kayang ipaglaban kahit pa kasal sila. May batang madadamay at ayaw niyang lumaki itong hindi buo ang pamilya.

Bumuntong hininga siya bago tumayo. Buo na ang desisyon niya at gagawin niya ang bagay na alam niyang siyang tama.

Ngayong gabi, hindi siya magpapaka selfish.




_________



"Sigurado ka na ba dito?" kinakabahang tanong sa kaniya ni Paula. Bakas sa mukha nito ang labis na pagtutol.

Dito siya dumiretso sa apartment nito matapos siyang umalis sa bahay nina Phoenix kanina.

Nagpapasalamat nalang siya at walang nakapansin nang pag alis niya.


"Oo, ito ang dapat." ani niya.


Pabalik-balik itong lumakad sa harapan niya at sa totoo lang ay nahihilo na siya. Kanina pa kasi nito iyon ginagawa at hindi mapakali.

"Sa totoo lang kinakabahan ako sa gagawin mo Xiarra. Si Phoenix na din ang nagsabi diba? Hindi mo siya lubusang kilala at hindi natin alam kung anong pwede niyang gawin kapag nalaman niyang umalis ka at iniwan siya."

Owned By HimWhere stories live. Discover now