Chapter 2

18.3K 450 67
                                    


Chapter two
_______








"Good morning Ate Xy." napangiti siya nang marinig ang matinis na tinig na iyon. Kasabay noon ay ang paghalik sa kaniyang pisngi.

"Good morning Phoebe how's your sleep hmm.." matamis itong ngumiti sa kaniya. Pagkatapos nitong halikan sa mga pisngi ang Mommy Lea at Daddy Edward niya. Ito ang mga umampon sa kaniya. Ang mga mabubuting taong kumupkop sa kaniya nang siya ay musmos pa lamang.

Dati ay halos ilang siya sa mga ito. Pero sa paglipas nang panahon ay napatunayan nang mga ito kung gaano ito kabubuti. Binihisan, Pinakain, at Pinag aral siya nang mga ito. Itinuring siyang parang tunay na anak hanggang sa unti-unti niyang matanggap sa sarili na ang mga ito na talaga ang bago niyang pamilya. Wala siyang naging problema sa mga ito. Lahat nang pangangailangan at kagustuhan niya ay ibinibigay nang mga ito na siyang labis niyang ipinagpapasalamat.

Kung hindi dahil sa mga ito ay hindi niya mararating at makukuha ang kung ano mang bagay na gusto niya. Halos labing limang taon na din ang nakalipas mula nang araw na iyon. Wala na siyang naging balita tungkol sa kaniyang ina.

Noong una ay madalas nga siya nitong dalawin hanggang sa ang madalas ay dumalang na at hanggang sa pagkalipas nang dalawang buwan lang ay hindi na ito nagparamdam pa. Masyado siyang nalungkot dahil doon na-disappoint pero hanggang ngayon ay umaasa pa rin siyang magpapakita ito sa kaniya.

Na isang araw ay kakatok ito sa kanilang pintuan para makita ulit siya.

She's already twenty-two at masasabi niyang masaya naman na siya sa buhay niya. Graduating na siya sa kursong business management.

"It's good Ate. Ang sarap po nang tulog ko. Nakatulong iyong perfume na gawa mo para mas mapa sarap ang tulog ko. Ang bango kasi ate." humagikgik ito na siyang ikinatawa naman nang mommy at daddy nila.

Si Phoebe, halos walong taon din ang tanda niya dito. Noong dumating siya sa bahay na ito ay hindi lingid sa kaniya na hirap nang magkaanak pa ang Mommy Lea niya. Dati nitong katulong noon ang nanay niya at dahil sa pakiusap nang nanay niya ay inampon siya nang mga ito. Wala din naman na daw kasing pag asa na magkaanak pa uli ang mga ito. Pero mapaglaro nga naman ang tadhana.

Makalipas lang ang isang taon mula nang dumating siya ay nabuntis ulit ito. Kaya itinuturing siya nang mga ito na swerte kasi dahil daw sa kaniya kaya natupad ang matagal na nitong hinihiling.

Fourteen na si Phoebe at nasa grade eight na. Habang ang kuya naman nila ay twenty-six na. Masyadong malaki ang agwat nito kay Phoebe.

"Mabuti naman at nagustohan mo." mahinhing sabi niya dito. Noong bata pa siya ay nakahiligan niya ang paggawa nang pabango. Hanggang sa siya na ang gumagawa nang mga pabango sa mga ito na siyang nagugustohan naman nang mga ito.

"Syempre naman Ate. Si Kuya nga palaging gamit iyong pabango na ginawa mo para sa kaniya eh."

Natigilan siya sa sinabi nito. Totoo ba iyon? Akala niya ay hindi ginagamit ni Phoenix ang pabangong ginagawa niya para dito. Hindi naman kasi ito nagpapakita nang pagkagalak kapag binibigyan niya ito.

Ngumiti siya at nagpatuloy na lang sa pagkain. Umaga ngayon at kasalukuyan silang nasa hapag para kumain nang breakfast.

Nanatili lamang siyang tahimik tulad nang nakasanayan habang pinakikinggan ang boses ni Phoebe na masayang nagkukwento.

"Talaga mommy? Approved na talaga? Yehey sa wakas makakalipat na rin ako sa Canada. Makakasama ko na sina Mamilala. " naagaw ang atensyon niya dahil sa sinabing iyon ni Phoebe. Naguguluhang napatingin siya sa mga ito. Nakita nang mommy nila ang reaksyon niya at nguniti ito.

Owned By HimWhere stories live. Discover now