Chapter 5

15.9K 366 8
                                    

Chapter 5
______





"Naku sobrang ganda mo naman girl. Sigurado ka bang kapatid ka lang talaga ni Sir Phoenix? Hindi kayo magkamukha ah, mas mapagkakamalan pa nga kayong mag jowa eh." kinikilig na ani nang baklang kasalukuyang nag-aayos nang buhok niya.

Kanina pa ito salita ng salita. Natutuwa siya sa daldal nito pero hindi sa sinasabi nito. Kahit na hindi sila magkadugo ni Phoenix ay itinuring niya na talaga itong kapatid. Kaya naging mahirap para sa kaniya ang tanggapin na nagawa siya nitong pagsamantalahan.

"Tumigil ka nga diyan sa sinasabi mo baks. Kilabutan ka naman, pinagtutulakan mo ang magkapatid." suway dito nang babaeng kasama nito. Ito naman ang nag-ayos sa kaniyang mga kamay at paa. Tapos na ito sa pag-pedicure sa kaniya.

"Eh totoo naman Mars. Sayang nga eh." napailing nalang siya sa sinabi nito at hindi na nag komento. Hinayaan niya nalang ang dalawa ang magbangayan habang siya ay nakatitig lamang sa salaming nasa harapan niya.

Tinititigan niya ang kaniyang mga mata. Bakas dito ang lungkot kahit na takpan pa man nang make-up ang namumugtong mata niya.

"Pero balita ko may girlfriend na iyang si Sir Phoenix. Diba nakita siya noong nakaraang araw kasama iyong model na si Steffani Lee?" naagaw ang pansin niya nang marinig niya ang sinabi nang baklang make-up artist.

May girlfriend na si Phoenix? Bakit hindi niya yata alam ang tungkol sa balitang iyon. Ang akala niya ay hindi pa nagkakaroon nang kahit isang girlfriend ito. Kapag tinatanong ito nang nang parents nila ay lagi nitong sinasabi na wala pa itong balak makipag relasyon dahil hindi pa handa ang babaeng nagugustuhan nito.

Posible kaya na iyong Steffani na iyon ang tinutukoy nito at ngayon ay girlfriend na nito ang babae dahil handa na ito? Pero bakit nagawa nito ang bagay na iyon sa kaniya. Kailan pa ito nagkaroon nang girlfriend?

Maraming katanungan ang pumapasok sa isip niya. Parang biglang sumakit ang ulo niya sa kaiisip.

Naputol lang ang iniisip niya nang biglang bumukas ang pinto. Agad siyang kinabahan nang makita kung sino ang pumasok. Ang binatang siyang gumugulo ngayon sa kaniyang isip. Napansin niya din ang pagtigil nang dalawang nag-aayos sa kaniya.

"Aren't you done yet?" nakakunot ang noo nito habang direktang nakatingin sa nag-aayos sa kaniya.

"Ahm isusuot niya na lang po ang damit niya Sir Phoenix then tapos na po." sagot nang babae na nakatayo na ngayon sa harapan nang binata.

Dahil sa nakatagilid lang ito sa kaniya ay nakita niya kung paano nito kagatin ang ibabang labi habang nakatitig kay Phoenix. Mukhang nabihag pa ito sa kagwapuhan nang Kuya niya. Sanay na din naman siya, noon pa man ay iniwasan niya nang magdala nang kaklaseng babae sa bahay dahil sa ganito palagi ang nangyayari.

Nagkakagusto ang mga ito sa kapatid niya at ginagawa ang lahat para mapansin pero ang Kuya niya ay sadyang manhid ata at wala man lang itong pakialam.

"Okay.." tumingin ang binata sa kaniya at saglit na tinitigan ang kaniyang mukha. "I'll wait for you downstairs."

Pagkasabi nito niyon ay agad na itong tumalikod at lumabas. Pagkaalis nito ay muntik na siyang mapatakip sa kaniyang tenga nang biglang tumili iyong babae.

"Baks ang gwapo!" hinampas pa nito ang bakla kaya naman nakatikim ito nang kurot.

"Aray ah!"

"Tumigil ka nga dyan Mars, ang gwapo kaya noon. Mapapansin ka lang niyan kung kasing ganda ka nito ni Ma'am Xiarra."

"Hmp! Alam ko." bumaling ito sa kaniya. "Halika na po Ma'am Xiarra suot niyo na po ito." hawak nito ang isang backless dress na kulay maroon.

Owned By HimWhere stories live. Discover now