Epilogue

16.2K 429 56
                                    

Epilogue
________

Pinagmamasdan niya ang asawa habang masayang kausap nito ang ina. Bakas sa mukha nito ang labis na tuwa na siya niya namang gustong makita.

Alam niyang kahit hindi nito sabihin ay gustong-gusto nitong makita ang ina kaya naman gumawa siya nang paraan para tuparin ito.

Ngayong magkakaanak na sila ni Xiarra, matutupad na din sa wakas ang pangarap niyang magkaroon nang sariling pamilya kasama ito.

Sa wakas ay nagbunga na din lahat nang paghihintay niya.

"Bro nandito kami. Baka naman pwedeng kami na muna pansinin mo. Kanina mo pa tinititigan ang asawa mo e hindi naman iyan mawawala."

Nabaling ang tingin niya kay Zeke nang magsalita ito. Nandito ngayon ang mga kaibigan niya. Dumating ito kanina sakay lamang nang kotse ni Vixor. Hindi niya alam kung paano ang mga ito nagkasya samantalang ang lalaki nitong tao.

Napailing siya. Ayaw niya nang isipin pa kung ano nanamang mga katarantadohan ang ginawa nang mga ito para lamang makarating sa bahay nila.

Hindi siya nagsalita at muli na lamang binaling ang tingin sa asawa niya. Ngayon ay kumakain ito kasama ang ina.

Ang ina nito ay hindi na nakakalakad pa. Base sa impormasyong nakuha niya ay bumalik pala ito sa piling nang asawa. Ipinagpatuloy nito ang pakikisama sa asawa habang iniisip na nasa maayos na kalagayan ang anak.

Pero hindi pa din nagbago ang buhay nito. Bagkos ay lalo itong nagkaproblema nang makahanap nang iba ang asawa nito. Pinalayas ito doon kaya naman nakiusap ito sa isang kakilala para mamasukan bilang katulong.

Isang alok ang ibinigay dito at iyon ay ang mamasukan bilang isang kasambahay sa bansang Saudi.

Hindi nito iyon tinanggihan at tinanggap agad. Sa pag aakalang makakapag ipon at muling makakasama ang anak ay sumama agad ito.

Sa una naging maayos ang lahat. Nagustuhan nang mga amo nito ang serbisyo nito kaya naman nagtagal ito doon. Naipagamot din nito ang sakit kaya naging maayos ang kalagayan nito.

Pero makalipas lamang ang ilan pang taon ay nag iba ang lahat nang bigla na lamang itong pagmalupitan nang babaeng amo.

Pinagseselosan na pala ito dahil sa pagiging malapit na rin sa among lalake.

Simula noon walang araw na hindi ito sinasaktan nang amo na babae kahit pa pigilan nang asawa.

Hindi ito agad nakaalis sa poder nang mga ito at hanggang ngayon sana ay nandoon pa rin ito kung hindi niya pa ito nahanap.

Dahil sa sobrang pananakit nang amo nito ay naparalisa ang mga paa nito. Tuluyan itong napilay at hindi na makalakad. Ganoon pa man ay hindi pa din naawa ang mga ito. Kaya naman nang malaman niya iyon ay ginawa niya ang lahat para Siguraduhing mabubulok sa kulungan ang mga ito. Sinigurado niyang hindi na ito makakalabas pa nang kulungan.

Wala ang mga itong karapatan na pagmalupitan ang ina nang babaeng mahal na mahal niya.

"Papansin ka talaga kahit kailan Zeke. Ganiyan ba ang epekto nang kuya-zone?" narinig niya ang halakhakan nang mga kaibigan niya sa sinabi ni Blake.

Nagsisimula nanaman ito sa pang iinis kay Zeke. Sa kanilang lahat itong dalawa ang maiingay at pati na rin si Kennedy. Mamaya lang ay magkakapikonan nanaman ang mga ito na mauuwi sa bantaan. Akala mo hindi magkakaibigan.

Nabaling ang tingin niya kay Kennedy nang makita itong tahimik lang sa tabi niya. Sumisimsim ito nang alak habang matalim na nakatingin sa kawalan. Naninibago siya dito. Dati naman ay napakakulit nito pero ngayon ay napapansin niya ang pagbabago nito na hindi niya alam kung napapansin din ba nang iba nilang kaibigan.

"Are you okay?" ani niya dito.

Napatingin naman ito sa kaniya. Nakita niya ang agad na pag iba nang reaksiyon nito. Nawala ang talim nang tingin nito pati na rin ang kaseryosohan nang mukha na kanina lang ay nakita niya sa mukha nito.

Ngayon ay nakangiti na ito nang matamis sa kaniya.

"Oo naman Bro. I am perfectly fine. See?" idinipa pa nito ang mga kamay na parang ipinipakita na sobrang ayos lang nito.

Napatingin siya sa mukha nito. Kung titingnan ay parang nagsasabi ito nang totoo. Ngayon niya lang napansin. Napakahirap basahin ni Kennedy. Alam niyang may itinatago ito na hindi nito gustong malaman nang iba kaya naman irerespeto niya ang gusto nito. Darating din ang araw na magsasabi ito sa kanila. Iyon na lang ang hihintayin niya.

Tumango siya dito at ngumiti din.

"So how are you and your girlfriend?" tanong niya dito.

Ngumiti ito nang matamis sa kaniya bago muling sumimsim nang alak.

"Me and Clarissa was fine. Our relationship is getting stronger." ani nito. Kumunot naman ang noo niya sa sagot nito.

"Clarissa? I thought your girlfriend was Ysabelle. It was what I've heard."

Hindi nakalagpas sa paningin niya ang saglit na pagtalim nang tingin nito sa kawalan. Kung hindi siya sigurado. Aakalain niyang namamalikmata lamang siya.

"No, it's Clarissa. Wala akong kilalang Ysabelle." malamig na ani nito.

Napailing na lang siya. Naguguluhan siya pero hindi na lang siya nagsalita pa.

Ang pagkakaalam niya ay may nabuntis ito at Ysabelle ang pangalan. Well baka mali nanaman ang chismis ni Blake sa kanila.

Sabi na nga ba at hindi talaga mapagkakatiwalaan ang lalakeng iyon. Lahat nang kwento nito may palya.

Buong gabi siyang nakipag-usap sa mga kaibigan habang paminsan-minsang sumusulyap sa asawa. Tinatanong nang mga ito kung ano ang plano niya sa magiging kasal nila pero ang sabi niya ay hahayaan niya na lang ang asawa na magdesisyon tungkol doon. Kung ano ang gusto nito ay siya ding susundin niya.

Makalipas ang ilang oras ay sa wakas makakapagpahinga na sila. Nandito na sila nang asawa sa kwarto nila habang nakayakap siya dito. Nakatalikod ito sa kaniya habang yakap niya ito sa bewang.

"Thank you Hon." ani nito. Hinalikan naman niya ang leeg nito at tumango.

Ngumiti ito at tumitig sa langit

"I love you Phoenix..." mahinang bulong nito sa kaniya. Hinalikan niya ang tuktok nang ulo nito at inamoy ang buhok nito.

Bumaling ang tingin nito sa kaniya. Nagkasalubong ang tingin nila dahil nakatitig lamang siya dito.

Lumamlam ang tingin niya sa asawa.





"I love you too.. Always and forever Xiarra.."













END





A/N:
As a promised I am now giving you my last updates for Owned by Him.
We are now saying goodbye to Phoenix and Xiarra's story. Thankyou for patiently waiting for its ending. Sana nagustuhan niyo. Iloveyou❤️ Seeyah on my other story.
-BLACIRE

Owned By HimWhere stories live. Discover now