Chapter 21

9.8K 239 24
                                    

Chapter 21
________




Lumamlam ang mga mata ni Stephanie na nakatitig sa kaniya. Ilang sandali pa ay tumulo na ang mga luha nito na nauwi sa paghagulhol. Para itong bata na yakap ang sariling binti.

Dinig na dinig niya sa buong silid ang sakit na nararamdaman nito.

"Gusto ko lang naman ang mahalin niya. Iyon lang naman ang pangarap ko eh. Noong sanggol pa lang ako, namatay ang mommy ko dahil sa panganganak sa akin. Si Daddy naman kahit kailan hindi ko naramdaman ang pagmamahal niya sa akin. Oo at ibinibigay niya ang lahat nang gusto ko. Lahat nang materyal na bagay meron ako. Pero hindi iyon sapat. Bakit sa iba parang napakadali lang para sa kaniya ang maging masaya. Natitigan niya sa mata ang iba samantalang ang sarili niyang anak ni hindi niya matingnan sa mga mata." Pinunasan nito ang mga mata pero wala din iyong silbi dahil walang humpay ang pagtulo nang mga luha nito.

"Si Phoenix, unang kita ko pa lang sa kaniya parang biglang naging masaya agad ako. Nakalimutan ko iyong lungkot na nararamdaman ko buong buhay ko sa tuwing nakikita ko siya. Kaya naman ginawa ko ang lahat para mapansin niya ako. Pero hindi ko man lang magawang makuha ang atensyon niya. Noong nakita kita sa party kasama siya. Doon ko nakita ang isang side niya na hindi niya ipinapakita sa iba. He was very caring to you. The way he looked at you, mapapansin nang may iba. Iyong para bang wala siyang ibang nakikita kung hindi ikaw lang. That was the time that I was threatened." tulala itong tumingin sa kawalan.



"Tama nga ako, he loves you. You got the attention that I was aiming to have. Kaya naman ginawa ko ang sa tingin kong paraan para mawala ka sa landas namin. It came to the point that I used my child just to get rid of you. And then shit happened. Rather than ruining you I ruined mine instead." lumapit siya dito.

Hindi niya na pinigilan pa ang sariling yakapin ito. Naramdaman niyang natigilan ang dalaga sa kaniyang ginawa pero ilang sandali pa ay gumanti ito sa yakap niya.

Mahigpit itong yumakap sa kaniya at parang humihingi nang lakas mula sa kaniya.


"I'm s-sorry.. I am very sorry Xiarra."

________





Eight days had passed since the day where Stephanie committed mistakes. It's been one week and one day, since everything between Stephanie and her became okay.

That day Stephanie's father rushed to the hospital where his daughter was confined. Nervous, anxiety, and fear was written all over his face.

She saw the love of a father that Stephanie can't see. Nakita niyang naluluha ang ama nito habang nakatingin sa namumutlang mukha nang anak.

Iniwan niya ang dalawa para makapag usap. Nagkaayos na din naman silang dalawa at sa wakas ay naliwanagan na ang utak nang dalaga.

Alam niyang kung ano man ang mga bagay na nagawa nang dalaga. Iyon ay bunga lamang nang sobrang pagmamahal sa isang lalake at isa na rin sa dahilan ang kakulangan nito sa atensyon na gusto nitong makuha sa mga taong mahal nito. Hindi man ito pinalad na makuha ang pag ibig nang lalakeng gusto nito alam niyang darating ang panahon na makakahanap ito nang taong magmamahal dito. Isang taong handang tanggapin ang lahat nang mga bagay na kaniyang ginawa.

Sa ngayon ay hindi na sila muli pang nagkita at nagkausap nang dalaga. Ang huling balita niya dito ay dinala ito nang ama at nang kapatid nito sa ibang bansa upang magpagamot.

Kinakailangan daw kasi nito nang tao na siyang espesyalista sa pag-iisip.

Nalaman niyang nagkaroon pala nang sakit sa pag iisip ang dalaga noon na hindi nito sinabi. Ang sabi ay hindi daw nito noon matanggap na mayroon itong sakit kaya binaliwala lang nito iyon.

Owned By HimWhere stories live. Discover now