Chapter 7

14.6K 343 30
                                    


Chapter 7
______






Nagising siya dahil pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga. Ramdam niyang may mabigat na bagay na nakapatong sa kaniya.

Tuluyan na nga siyang nagmulat at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang katabi. Walang iba kung hindi ang natutulog pa na si Phoenix habang nakayakap sa kaniya ang braso nito at nakadantay pa ang hita sa kaniya.

Sa ilang beses na may nangyayari sa kanilang dalawa ay ngayon lamang nangyari na nagising syang nasa tabi pa rin ito. Kadalasan pag gising niya ay wala na ito at pumasok na sa office nito.

Napatingin siya sa orasan na nasa side  table lang. Hindi niya kailangang gumalaw para matingnan iyon. It's already 8:56 kaya naman mas lalong nanlaki ang singkit niyang mga mata.

Tinanghali na sila nang gising na siyang hindi niya inaasahan. Mabuti na lang dahil alas diyes pa niya kailangang pumunta sa University dahil may ipapasa lang naman siyang documents sa instructor nila. Pagkatapos noon ay mananatili na lang siya sa bahay nila at hihintayin ang araw nang graduation nila.

Mas maaga sila ngayon na gagraduate kaysa sa inaasahan. Nalaman niya iyon nang makatanggap siya nang email mula sa mga instructor niya.

Imbes na April 17 ay maililipat ito sa mas maagang petsa. At iyon ang kaniyang hihintayin.

Bumalik ang tingin niya sa binata nang bigla itong gumalaw. Akala niya ay magigising na ito ngunit mas lalo lang naman nitong isiniksik ang sarili sa kaniya. Nakabaon ang ulo nito sa leeg niya at damang dama niya ang mainit na hininga nito na nagbibigay sa kaniya nang kiliti.

Nitong mga nagdaang araw ay hindi niya mapigilang isipin ito lalo na ang mga ipinagbabawal na bagay na ginagawa nila tuwing gabi. Mga bagay na hindi niya dapat ginagawa kasama ito dahil unang una hindi niya ito nobyo at pangalawa, kapatid lang dapat ang kanilang turingan.

Pinalaki siya nang mga magulang nang binata at hindi nagkulang ang mga ito sa pag-aruga at pagbibigay nang lahat ng mga bagay na kailangan niya. Itinuring siya nang mga itong tunay na anak at kahit pa nga hindi sila pareho nang apilyedo ay para na niya itong kadugo. Pero hindi niya inaasahan na ito ang maisusukli niya sa mga ito.

Nagawa niyang magkaroon nang ugnayang pisikal sa nag iisa nitong anak na lalake at pakiramdam niya ay napaka walang utang na loob niya dahil doon. Kahit pa sabihin na hindi niya iyon ginusto pero the fact na hinayaan niya iyong paulit-ulit na mangyari ang isang kasalanan. Hindi dapat nila iyon ginawa. Paano nalang kung malaman ito nang mga magulang nang binata. Paano kung kasuklaman at pandirihan siya nang mga ito.

Alam niyang masyado lang siyang paranoid pero masisisi ba siya? Noong kabataan niya sanay siyang pinagtatabuyan at pinandidirihan nang ibang tao dahil sa sobrang dungis niya.

Palihim siyang namamalimos noon kapag sobrang hina nang benta nang nanay niya at halos lahat nang makakasalubong niya ay iniiwasan siya at tinitingnan na para bang isang walang kwentang paslit. Maging sa tatay niya ay naramdaman niya ang pambabaliwa. Walang kasing sakit para sa isang anak ang maramdamang parang walang pakialam sa kaniya ang sariling ama. Na ito pa mismo ang nananakit sa kaniya hindi lang pisikal kundi maging sa emosyon niya.

Kaya kahit na iniwan siya nang kaniyang ina sa piling nang mga Herrera ay masasabi niyang isa iyong blessing. Dahil sa unang pagkakataon may mga taong tumanggap sa kaniya  na akala niya ay sa sariling ina lamang niya mararamdaman.

Tumulo ang kaniyang luha. Parang bigla siyang  naging emosyonal dahil sa mga bagay na tumatakbo sa kaniyang isip.

Naisip niya rin kasi ang sariling nobyo na para na rin niyang pinagtaksilan dahil sa ginagawa. Sumisiping siya sa taong itinuturing niyang kapatid habang ang nobyo niya ay hindi niya alam kung ano ang kalagayan. Napakasama niya.

Owned By HimWhere stories live. Discover now