Chapter 15

10.8K 256 22
                                    

Chapter 15
_______






"Kaninong bahay ba ito?" tanong niya sa asawang nakapulupot ang kamay sa bewang niya.


Nakasiksik ang mukha nito sa leeg niya at inaamoy-amoy siya. Nakikiliti naman siya sa ginagawa nito at mahinang napapahagikhik. Kanina ay pilit niyang tinatanggal ang mukha nito sa leeg niya pero ibinabalik lang din naman nito kaya naman hinayaan niya na lang.



Kung makakapit kasi ito sa kaniya ay tila ba ito bata na ayaw siyang mawala sa paningin. Masyado itong clingy ngayon.

"Hmm.. you smell so good Hon. How I loved those perfume that you are making, especially your natural scent." mahinang ani nito at mas lalo pang humigpit ang yakap sa kaniya.

Hindi niya mapigilang mapangiti at kiligin. Hindi niya alam kung aware ba ito sa pagiging sweet sa kaniya. Natural naman talagang sweet ang asawa niya kahit na hindi halata sa mukha nito.

"Tumigil ka nga Phoenix. Nagtatanong ako sayo. Kaninong bahay ba ito?" pasungit na tanong niya dito.

Hindi niya dapat na ipakita dito na masyadong malakas ang epekto nito sa kaniya. Nakatalikod naman siya kaya sa tingin niya ay matagumpay niyang maitatago ang tunay na nararamdaman.

"Oh that. This is yours honey.." parang wala lang na sambit nito bago paulit-ulit na pinatakan nang halik ang leeg niya.

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi nito. Agad niyang iginala ang tingin sa paligid. Nasa terrace sila ngayon at kitang kita niya ang baba. Napaka lawak nito. Kung tutuosin ay para itong isang hacienda dahil sa dami nang puno. Mula rito ay tanaw niya din ang mangilan-ngilang lalake na para bang nagmamanman sa paligid. Tila ba nagmamatyag sa kung sino man ang maaring mangahas na pumasok na hindi imbitado.

Agad siyang nagpumiglas sa pagkakayakap ni Phoenix sa kaniya. Nakita niya ang pagkunot nang noo nito dahil sa kaniyang ginawa.

"Are you crazy? Tumigil ka nga diyan Phoenix. Wala akong naalalang bumili ako nang ganito lalo na at hindi ko ito afford." Sita niya dito.

Baka gumamit nang ipinag babawal na gamot ang asawa niya kaya naman kung ano-ano ang naiisipan nito.

Nawala ang kunot nang nuo nito at napalitan nang halakhak. Siya naman ngayon ang kumunot ang noo at humalukipkip sa harapan nito. Mukhang napansin naman nito na hindi siya natutuwa sa ginagawa nito kaya umayos ito nang tayo sa harapan niya bago tumikhim.

"I'm not crazy Hon and I'm not joking. This whole thing was yours." seryosong ani na nito bago tumingin sa ibaba nang bahay kung saan nandoon ang mga kalalakihan. Nakatayo ang mga ito na parang mga poste. Ilan sa mga ito ay walang kagalaw-galaw habang ang iba naman ay umiikot sa paligid.

"Paano naman nangyari iyon?" nagtatakang sambit niya.

Tumingin ulit ito sa kaniya at sa pagkakataong ito ay ngumiti ito nang matamis. Hindi niya maiwasang mag-init ang pisngi dahil sa ngiti nito.

Shit lang, ang gwapo.


"Lahat nang bagay na meron ako ay hindi ko na pag-aari. Lahat nang ito ay sa iyo na." ani nito.

Bago pa man siya makapagsalita ay dinugtungan na nito ang sinasabi.

"You are my wife, all of the things that I have was yours too. And even before that we are not married yet, I am already doing everything for you."

Hindi niya talaga minsan maintindihan ang tumatakbo sa utak nang asawa. Sa palagay niya ay kinakailangan niya nang napakahabang pasensya at pang unawa dito. Nai-stress siya dito sa totoo lang.

Owned By HimWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu