Chapter 9

11K 265 1
                                    

Chapter 9
_______




Pero lahat nang katanungan niya ay bigla nalang nawala. Hindi niya na nagawa pang mag protesta at namalayan niya na lang ang kaniyang sarili na nasa harap nang salamin at tinititigan ang sarili habang inaayusan siya nang taong ngayon lang niya nakilala.

This is insane pero anong magagawa niya? Ginusto niya ito, gustong-gusto na kahit pa parang kabaliwan dahil sa sobrang bilis nang lahat ay hindi niya nagawa pang pigilan.

Mahal niya si Phoenix at siguro nga kahit na anong bagay magagawa mo kapag ayaw mo nang mawala sayo ang isang tao.

Kahit na matagal niya ring naka relasyon si Lawrence at kahit na nagustohan niya rin ito ay hindi ni minsan sumagi sa isip niya ang ikasal dito agad, tanging kay Phoenix lang. Siguro nga ay dahil na rin sa pagiging dominante nito at hindi niya magawang baliin ang kahit ano pa mang desisyon na gawin nito.

"Ang ganda mo naman bhe" ani nang babaeng nakilala niya sa pangalang Kath. Pinsan daw ito ni Zach, ang kaibigan ni Phoenix at ito pala ang tinawagan kanina nang binata para mag ayos sa kaniya. Ito lang ang nag iisang nag aayos sa kaniya dahil sabi nito ay kaya din naman daw niya.

Masasabi niyang magaling ito dahil halos isa't kalahating oras lamang ang ginugol nito para sa pag aayos nang make up at buhok niya.

"Thank you" ngumiti siya dito na siya naman sinuklian nito.

Knuha nito ang damit na susuotin niya at ibinigay sa kaniya.

"Ayan, suotin mo na iyan. Naku ako yata talaga ang magiging taga ayos nang mga magiging asawa nang kaibigan ni Zachy. Pero ayos lang basta ba kasing ganda mo naman eh." namula ang mukha niya sa sinabi nito.

Namimiss niya na ang mga kaibigan niya. At nang makilala niya si Kath ay sobrang gaan nang pakiramdam niya.

"Malay mo isa sa mga kaibigan pala nina Phoenix ang makatuluyan mo." hindi niya napigilang tukso dito.

Biglang naging histerikal ang reaksiyon nito. Nanlaki pa ang mga mata nito na para bang hindi katanggap-tanggap nang sinabi niya.

"Naku kung isa sa mga iyon ang magiging asawa ko wag nalang bhe! May mga sira sa ulo iyon eh." napansin ata nito ang panlalaki nang mata niya kaya agad nitong dinugtungan ang sinasabi. "I mean oo nga mababait sila pero may napapansin kasi akong kakaiba sa magkakaibigan na iyon. Napi feel ko kasing handa nilang gawin kahit anong kasamaan pa para lang makuha nila ang gusto nila. Mapa babae man na gusto nila o ano pa man. Kung ikaw ba naman lumaki na halos nakakasama sila hindi mo pa ba iyon mapapansin. Kaya nga natatakot ako para sa mga babaeng nagugustuhan nila eh." tuloy-tuloy na ani nito.

"Ay naku shit ang daldal ko..." nanlaki ang mga mata nito nang ma realized ang mga pinagsasasabi.

"What do you mean Kath?" bigla siyang kinabahan dahil sa narinig dito.

"A-ahm.. Ano K-kasi..." bago pa man nito maipagpatuloy ang sasabihin ay sabay na silang napatingin sa pintuan nang walang babalang bumukas iyon.

Iniluwa noon ang lalaking siyang pinaka gwapo para sa kaniya.

Lumapit sa kaniya si Phoenix at tinitigan siya. Hinapit siya nito sa bewang at pinakatitigan.

"You're so beautiful.." makikita sa mga mata ang kislap na palagi niya nakikita kapag nakatitig ito sa kaniya. Feeling niya siya na ata ang pinakamagandang babae dahil sa klase nang titig nito sa kaniya.

Mabilis siya nitong hinalikan sa labi at hindi niya maiwasang makaramdam nang pag iinit nang kaniyang mukha dahil sa ginawa nito.

For goodness sake! Nasa harapan nila si Kath.

Owned By HimWhere stories live. Discover now