Chapter 4

16.2K 395 96
                                    


Chapter four
_______







Hindi niya na namalayang nakarating na pala agad sila sa bahay nila. Labis na takot ang kaniyang nararamdaman lalo na sa expresyon na ipinapakita ni Phoenix habang nasa biyahe sila. Makailang ulit nitong hinampas ang manibela na minsan ay ikinatitili niya dahil sa kabiglaan.

Pabarang nitong inihinto ang sasakyan at wala na itong pakialam pa kahit na wala ito sa ayos. Agad itong lumabas nang sasakyan at walang babalang hinila siya nito palabas nang kotse.

Nang makapasok sila sa gate ay agad silang sinalubong ni Manang Rosie. Bumakas sa mukha nito ang gulat nang makita ang galit na aura ni Phoenix. Nag-aalalang bumaling naman sa kaniya ang tingin nang Mayordoma.

"Iho-" hindi na nito nagawang ipagpatuloy pa ang sinasabi nang walang ano-ano itong nilagpasan nang binata habang marahas na hila ang kamay niyang pakiramdam niya ay namamanhind na.

Tinahak nila ang daan pa akyat nang hagdan at pabalang nitong binuksan ang pinto nang kwarto niya. Pumasok sila doon at marahas nitong binitawan ang kamay niya. Agad nitong ni-lock ang pinto at humarap sa kaniya.

Napaatras naman siya nang makita ang mga mata nito na animo'y nagbabaga na dahil sa matinding galit. Dinig na dinig niya rin ang marahas na paghinga nito habang nagtataas baba ang balikat. Matalim itong nakatingin sa kaniya at nanlilisik ang mga mata. Lumapit ito sa kaniya dahilan para mapaatras siya.

"K-kuya.." hindi niya na napigilan pa na tumulo ang luha niya sa pinagsamang takot at pag-aalala. Takot para sa sitwasyon niya ngayon at pag-aalala para sa nobyo niyang si Lawrence na hindi niya man lang nasilayan.

"You woman! How dare you to fucking kiss that man. Who is he? Did I fucking give you a permission to kiss some other asshole?" lumapit pa ito sa kaniya.

Napaupo siya sa kama at hindi na alam ang gagawin habang pilit na umaatras dahil sa patuloy nitong paglapit sa kaniya. Natatakot siya sa maaaring mangyari. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya itong nagalit nang ganito. Hindi niya naman kasi ito sinusuway. Ngayon lang.

"Si Lawrence po. B-boyfriend ko." nakita niyang mas lalong bumagsik ang mukha nito at hindi niya napaghandaan ang biglang pag igkas nang kamay nito.

Mas lalong bumuhos ang luha niya dahil sa paglatay nang sakit sa kaniyang pisngi. Sinampal siya nito at hindi niya inaasahang magagawa nitong saktan siya. Alam niyang nakakatakot ang ugali nang Kuya Phoenix niya pero ni minsan ay hindi sumagi man lang sa isip niya na makakaya siya nitong saktan kahit na ano pang ginawa niya.

Ito ang kauna-unahang beses na sinuway niya ito. Kahit na halos paulit-ulit nitong sinasabi na bawal siyang makipag relasyon sa kahit kanino man ay nagawa niya itong suwayin. At dahil doon ay inaasahan niya na na magagalit ito sa kaniya pero hindi sa ganitong paraan. Hindi niya inaasahan ang pagsampal nito sa kaniya.

"Ilang beses kong sinabi sa iyo na bawal kang magkaroon nang nobyo pero anong ginawa mo. Sinuway mo ako at makikita pa kitang walang kahiya-hiya sa katawan habang nakikipaghalikan sa putanginang iyon. Are you that fucking desperate bitch?!" halos lumabas na ang ugat nito sa leeg at noo sa galit. Siguradong dinig na dinig ito sa buong bahay nila.

Lumapit ito sa kaniya at walang ano-ano ay sinabunotan siya. Marahas nitong hinila ang buhok niya at halos mapapikit na siya sa sakit. Masyado itong marahas.

"A-aray Kuya, Tama na po please.. Ang s-sakit po." pagmamakaawa niya dito habang ito naman ay parang walang narinig at hinila siya papunta sa gitna nang kama gamit ang kamay nitong nakasabunot pa rin sa kaniyang buhok.

Owned By HimWhere stories live. Discover now