Chapter 16

9.9K 237 6
                                    

Chapter 16
________


"So what are you guys doing here?" walang ganang tanong ni Phoenix sa mga kaibigan nito.

Hindi pa din siya nito inaalis sa kandungan nito kaya naman napahinga siya nang malalim.

"Ahm Hon.. Kukuha lang muna ako nang maiinom niyo" tawag pansin niya sa asawa. Bumaling naman ito sa kaniya.

"Let the maids do their works." ani nito na siyang inilingan niya naman. Gusto niya ngang makaalis sa nakakahiyang sitwasyon ngayon.

"No, ako na lang ang kukuha. Abala din naman sila eh" kumunot ang noo ni Phoenix pero bago pa man ito makapagsalita ulit ay inunahan niya na. "Please? I also need to go to the bathroom." pinapungay niya ang mata na siyang dahilan para bumuntong hininga ito at dahan-dahang lumuwag ang hawak sa kaniya.

"Go. Next time don't do that. I might ravished you." ani nito.

Nag init ang buong mukha niya kaya naman dali-dali siyang nagpaalam sa mga kaibigan nito. Ngumiti naman ang mga ito sa kaniya.

Habang papunta sa kusina ay wala sa sariling napahawak siya sa magkabilang pisngi. Ano ba naman kasi iyang si Phoenix. Napaka manyak.

Sino ba ang magi-expect na ganito ito. Kahit nga mga kaibigan nito ay nabibigla sa pinagagawa ni Phoenix.

Papasok na siya nang kusina pero napahinto siya nang marinig ang pinag-uusapan nang mga kasambahay.

"Tigilan mo nga iyan Marie. Hindi tamang sabihin mo iyan. Mamaya marinig ka ni Ma'am." kung hindi siya nagkakamali ay si Claire ang nagsalita. Isa sa mga kasambahay nila na masasabi niyang mabait at maasahan. Maganda din ito at maputi. Sa pagkakaalam niya ay boyfriend nito si Harold. Isa sa mga guard nila.

"Oo nga. Wag ka ngang masyadong assumera. Mas maganda naman nang di hamak sa iyo si Ma'am Xiarra." rinig niya ani ni Krissa. Kumpara kay Claire, medyo maitim ito at kulot na kulot ang buhok.

"Eh ano naman? Naniniwala kayong asawa iyon ni Sir? Baka isa lang iyong pampalipas oras ni Sir habang wala si Ma'am Stephanie. Paano niya naman naging asawa iyon eh samantalang dati halos palaging si Ma'am Stephanie ang nakikita kong kasama ni Sir sa office niya. Kaya nga habang wala iyong isa. Aakitin ko na si Phoenix ko."

Napahawak siya sa pader nang marinig ang sinabi ni Marie.

Si Stephanie nanaman? Palagi nalang ba itong eepal kapag masaya na sila ni Phoenix? Paano ito nakilala nang mga kasambahay nang asawa.

Dinadala ba ito nang asawa dito sa bahay nila?

Ano pa bang hindi niya alam tungkol dito. Naging napakahalagang parte ba talaga ito sa buhay ni Phoenix? Bakit ni minsan ay hindi niya narinig ang pangalan nito sa bahay nila.

"Eh hindi mo nga sigurado kung may relasyon sina Ma'am Stephanie at Sir Phoenix eh. Nakikita mo lang naman sila sa kompanya kapag inuutusan ka ni Sir na ihatid iyong mga papeles niya. Ni minsan nga eh hindi pa iyon nakatungtong dito." giit uli ni Krissa.

Tumawa si Marie na siyang ikinakunot nang noo niya.

"Ang hihina niyo talaga sa balita no? Ang sabi daw noong nakaraang punta ko sa kompanya ni Sir ay buntis si Ma'am Stephanie at si Sir ang ama. Dinig ko pa nga ay magpapakasal na sila eh. Kaya nga sino ang maniniwala na asawa niya iyang babaeng dinala niya dito? Sige nga aber? Baka nga isa lang iyong pampalipas oras ni Sir. P*ta kumbaga."

Saglit na katahimikan ang narinig niya sa mga ito.

Napayuko siya. Nilalamon na naman siya nang kirot pero sa pagkakataong iyon ay dama niya ang inis para kay Marie at Stephanie.

Owned By HimWhere stories live. Discover now