Chapter 9: Loki vs. Sora

2K 113 0
                                    

Sora's POV

Napalunok ako.

This is trouble!

Huhuhu... Tasukete! (Help me!)

"When I blew my whistle, that will be your cue to start the battle. Are you ready?"

Dahan-dahan akong tumango. Kahit na hindi ako ready...

Kinakabahan pa ako.

Tumango rin naman si Loki.

"Then let's start," and our professor blew the whistle.

Nagulat ako dahil nasa harap ko na agad si Loki.

Kaya nang susuntok na siya sa kanan ay umilag ako.

Patuloy niya akong sinisipa at sinusuntok.

At napapansin kong pabilis siya nang pabilis.

Sanmantalang ako ay patuloy pa ring umiilag.

Ewan ko pero nakikita ko ang galaw niya.

Lumayo agad ako nang sisipa siya sa aking sikmura.

*phew*

"Pagod ka na ba?" Nagulat ako nang nasa likod ko na siya kaya humarap ako at umalis agad bago pa niya ako sikmurain.

Napangisi siya.

"Bakit 'di mo ako kalabanin?" tanong niya at sumugod ulit sa akin.

*exhale* *inhale* *exhale*

Napapagod na ako.

"Hindi ako mage, wala akong kakayahan," sagot ko habang hinihingal.

Nang ia-uppercut niya ako, tumambling ako dahilan para matamaan ko ang siko niya.

Napangisi siya.

"This is just a training. Malalaman namin kung saan ka magaling kung hindi mo ako tatamaan na tulad ng ginawa mo kanina. Saka..."

Tumingin siya kay Frost kaya napatingin rin ako kay Frost.

"He is rooting for you. He is your teacher, right?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Paano niya nalamang...?

Nang humarap ako sa kaniya ay sinuntok niya ako sa mukha kaya napaatras ako.

"Hindi pa ako nagseseryoso niyan."

*sigh*

"Then,..."

Nang susuntukin niya ako sa kaliwa kong mukha ay binaling ko ang aking ulo sa kanan at hinawakan ang kaniyang braso.

Binuhat ko siya sa pamamagitan ng kamay niya at binalibag siya patalikod.

Napahiga ako dahil doon.

Kaya habang nakahiga pa rin siya, tumayo ako at pumunta sa harap niya.

Umupo ako sa kaniyang katawan, hinawakan ng kanan kong kamay ang kanyang palapulsuhan at ang kaliwa kong kamay ay itinuon sa kaniyang leeg.

"Give up, already," sabi ko sa kaniya.

Alam kong hindi siya makahinga kaya tumango na lang siya.

Binitawan ko siya at tumayo.

"A-Ang panalo, s-si Sora!"

Nang makatayo kaming pareho, inabot niya sa akin ang kaniyang kamay na parang gustong makipagkamay.

Napangiti ako.

Nakipagkamay nga ako sa kaniya at ngumiti.

Loki's POV

Ikaw nga ang hinahanap namin, King of Void.

Sora's POV

Umupo ako sa tabi. Hindi muna kasi kami allowed na umalis hangga't hindi pa tapos ang lahat sa training.

Kaya kahit gustuhin ko mang pumunta sa nurse's office para ipagamot ang mga sugat ko, 'di ko magawa.

Gusto ko ring palitan ang aking damit dahil sobrang dumi na nitong suot ko.

"Same rules kaya hindi ko na ipapaliwanag. Are you ready?"

Ang maglalaban ngayon ay sina Hell at Frost.

"Yes!" sabay na sagot nila.

"Then, let's start!" At pumito ang aming professor.

Mahoutsukai University (bxb) [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt