Chapter 38: Erase

951 68 0
                                    

Sora's POV

"Dad!" sigaw ko at yumakap kay Daddy.

"Namiss kita."

"Namiss rin kita, anak."

Kumalas ako sa yakap nang marinig ko ang pag-fake cough ni Blaze.

"Ah, Dad, sila nga pala, sina Yuiko, Phoenix, Ghost, Buster, at---" Hindi ko na naituloy ang pagpapakilala nang magsalita si Dad.

"Blaze."

Napakurap-kurap ako.

"K-Kilala ninyo si Blaze?"

"Yes. And in an actual fact, nandito ako para ipaliwanag ang lahat ng nakita ninyo."

May kinuha naman si Dad sa bulsa niya at nang ipakita niya ito, bigla kong naalala ang nag-pop sa akin kanina.

"Ang pendant!" sabi ko.

"Mukhang naaalala mo na."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Dad.

Ibig sabihin, nangyari talaga iyon?!

Ang akala ko'y isang imahinasyon ko lamang iyon kasi wala naman akong nakikitang pendant.

"Ano nga ang nickname mo, Blaze?" tanong ni Dad.

"B po."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Siya 'yung lalaking...

Ibinigay ni Dad kay Blaze ang pendant kaya si Blaze ay nagtaka.

"Ibibigay sana sa'yo 'yan ng anak ko," sabi ni Dad.

Tumingin naman sa akin si Blaze at nagtanong na hindi ko rin naman alam ang sagot.

"Who are you?" tanong pa ni Blaze sa akin.

Napatingin kami kay Dad nang magsalita siya.

"He is Sky, my one and only son."

Nanlaki ang mga mata ko nang yakapin niya akong bigla.

"I know it was you. Simula pa lang nang magkita tayo, alam kong ikaw na 'yun," sabi niya sa akin.

"A-Ahmmm..." Hindi talaga ako makapagsalita.

Nakahinga ako nang maluwag nang kumalas na siya sa pagkakayakap.

"Wait. Then how? He is 17 years old. He's not yet born, 18 years ago," Blaze commented.

Eeeh?! 18 years ago?!

"*sigh* No choice then. Magpapakilala akong muli. Ako si Hylos Sanchez. Alam ninyong lahat na ako'y isang mage at alchemist at the same time, right?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Dad.

Alam ng lahat? Eh, ako lang ang kausap ni Dad no'n, kaya paano nila malalaman?

"Since mage ako, I have magic, too. At ang forte ko? Erase. I erase memories of someone, permanently, liban na lang kung mas malakas sa akin."

"You mean..."

Napangiti naman si Dad.

"Lumalakas ka na kaysa sa akin, anak. I am so proud of you."

Ngumiti naman ako kay Dad nang sabihin niya iyon.

"Ahmm... I don't want to disturb your family bonding but I have a question to ask."

Napatingin kami kay Yuiko nang magsalita siya.

"Kayo po ba 'yung Hylos na nasa history book? And if I'm not mistaken, you're having a relationship with the former king of Voids?"

Naalala kong bigla ang kwento ni Professor Mint at nanlaki ang mga mata ko.

What?! S-Si Dad iyon?!

Tumingin ako kay Dad, umaasang hindi iyon totoo pero...

"Yes."

Mahoutsukai University (bxb) [Completed]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ