Chapter 30: Flare?

1.2K 85 0
                                    

Extra Part:

(Note: This part was not included to the ongoing story)

Hana's POV

Author, bigyan mo naman ako ng POV...

Ni minsan, hindi ninyo ako ginawan ng POV, eh...

[Author: I thought nakapag-POV ka na?]

Eeehh, sobrang unti naman ng sinabi ko

[Author: Buti ka nga at nakapag-POV ka, samantalang si Celeste, ni isang beses hindi pa]

Eeehhh, sige na, please *puppy eyes*

[Author: It's not effective.]

Hmm... Ano kaya kung sabihin ko ang crush mo dito?

[Author: What?! Paano mo nalaman?]

Secreeeeettt! So ano? Deal?

[Author: Fine.]

[Author: Bakit ba ako kinukulit ng mga ito?]

End of Extra Part

Yuiko's POV

Isang linggo na, matapos ang big event.

Naalala kong bigla ang pag-amin ni Phoenix sa akin sa harap ng madla at 'di ko maiwasang mamula.

Umiling ako.

Hi! Ako si Yuiko, a light mage. I am a Healer.

Nagulat ako nang kinuha ni Phoenix ang aking mga kamay.

Hindi ko maiwasang mamula sa ginawa niya.

Phoenix's POV

Napangiti ako nang hindi niya inalis ang aking mga kamay.

Ah, magpapakilala akong muli...

Ako si Phoenix Guillermo, at ang soon-to-be boyfriend ko na kasama ko ngayon ay si Yuiko.

Yes, he is a boy. A fem-boy, actually. It means that he is a boy with features of a girl.

Natigil kami sa paglalakad nang makita naming dumaan si Sora na... Nagmamadali?

Anong meron?

Sora's POV

Nandito si Daddy?

Tumatakbo akong pumunta sa Owner's Office, at nang nasa harap na ako ng pinto ay binuksan ko at bumungad sa akin si Daddy Hylos.

"Dad!" sigaw ko at yumakap sa kaniya.

"Heto na ang anak mo," sabi ni Maestro, no, ni King kay Daddy.

"Sige po, Maestro. Maraming salamat," sabi ni Daddy.

Nagtaka akong bigla. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Dad at nagtanong.

"Maestro?"

Umalis na naman si King Hephaestus kaya kaming dalawa na lang ang nandito.

"Dito kasi ako nag-aral and he was my teacher back then kaya Maestro ang tawag ko sa kaniya."

Tumango naman ako.

Teka...

"Bakit po kayo nandito? 'Di po ba meron kayong trabaho ngayon?" tanong ko.

"Nabalitaan ko kasi na ikaw ang nanalo sa Sports Event, kaya ako nandito," sagot niya.

Yes, ako ang nanalo sa Sports Fest sa mga third years.

Kung naalala n'yo, Survival ang game namin. Ibig sabihin, matirang matibay, eh ako na lang ang natira so ako na ang hinirang na panalo.

"Congratulations, anak!" pagbati niya sa akin at niyakap ako.

"Pasensya na, anak dahil busy si Daddy kaya hindi natin maii-celebrate ang pagkapanalo mo."

Napangiti naman ako. I hug him, too and said,

"Ayos lang po, dad. Naiintindihan ko po kayo."

Matapos ang yakapan ay nagpaalam na sa akin si Dad.

"Bye, anak!"

Kumaway ako kay Dad saka siya umalis sa office.

"Sora!"

Nagulat ako nang biglang pumasok si Frost.

"Bakit?" tanong ko.

"May naghahanap sa'yo, Flare ang pangalan."

Flare?

Hana's POV

I have a bad feeling about this.

Nandito ako sa kwarto ni Sora, kasama ang lahat ng Special Class members.

Nandito rin ang babaeng gustong makita si Sora.

Her name is Flare, and as I said, I have a bad feeling about this. I have a bad feeling about her.

Mahoutsukai University (bxb) [Completed]Where stories live. Discover now