Chapter 17: Breeze

1.6K 97 0
                                    

Sora's POV

'Pag mulat ko ng aking mga mata ay para rin akong naka-pikit.

Madilim ang silid.

Inalala ko ang nangyari and I realized...

They caught me, huh?

I created a ball of light with my hand to light the room.

Mga boxes ang nakikita ko sa paligid and surprisingly, malawak itong silid.

Binuksan ko ang mga boxes at mga gamit ang nandito. May ibang sira at may ibang hindi nagagamit.

Base sa mga ito, nalaman kong nasa storage room ako.

Hinanap ko ang pinto at nang makita...

Blaze's POV

Bigla akong nakarinig nang pagsabog kaya napatigil ako.

"S-Sora!"

Tumakbo agad ako. Hindi ko alam kung saan ako tutungo.

Habang tumatakbo, may nakita akong usok.

Iyon ay nanggagaling sa...

"Storage room!"

Pumunta agad ako doon at tumigil.

Wala akong makitang kahit ano dahil sa usok.

"Napasobra yata ang mana na nailagay ko."

That voice...

Nang unti-unting mawala ang usok, nakita ko ang kaniyang mukha at agad na siya'y niyakap.

Sora's POV

"A-Ahmm..." Nag-init ang mukha ko nang may yumakap sa akin.

And the scariest thing is...

SI BLAZE ANG YUMAKAP SA AKIN!!!

A-Anong nangyayari?

Nang humiwalay siya, tumingin muna siya sa akin at...

Bigla niyang tinapon ang kaniyang apoy sa akin!

Buti na lang at sinanggahan ko agad ng tubig para mawala.

Umalis naman siya pagkatapos noon.

W-What just happened?

Frost's POV

Nasa battle field na kami ni Aqua.

Though, nagtataka ang lahat sa biglaang pag-alis ni Blaze pero pinagpatuloy pa rin namin ang laban.

I created Ice spike at inatake si Aqua.

He became water kaya tumagos ang yelo.

Ngumisi siya.

Hmmm...

Well, let's try another one.

Nga pala, I don't use my specialty because it's freezing memory, remember? Kaya hindi maaaring ipanlaban.

Anyway, I created again an Ice Spike but this time, a multiple Ice Spike.

Tumagos ulit.

"Tch."

Lalo namang ngumisi si Aqua.

Napangiti ako. He's cute sa itsura niya, and I'm just being honest! Hindi ko sinabing gusto ko siya!

"Ako naman!"

Doon ako ngumisi.

"May sinabi ba akong magkakaroon ka ng oras para atakihin ako?" tanong ko.

Unti-unting nawala ang ngisi niya at napalitan ng pagkakunot ng noo.

"What do you mean?"

Itinuro ko ang mga paa niya at nakita niyang nag-yelo ang kaniyang paa.

"How did--?"

"You're magic is 100% pure water body, right? Nang umatake ako ng multiple Ice Spike, you became water, right? At that time, I froze your feet."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Gusto mo bang makita ulit ang ginawa ko?" tanong ko.

He raised his hands and said...

"I give up."

"At ang nanalo, si Frost!"

I undo my ice that freezing his feet by flicking my fingers.

Bago pa magsalita ang emcee, nagkarinig kami nang malakas na pagsabog.

At tila nag-vibrate ang lupa na tinatapakan namin sa lakas ng pagsabog.

Matapos ang ilang minuto, narinig naming nagsalita ang professor namin.

"The fight was too intense so we will have a 15-minute break."

Ano kayang nangyari?

Mahoutsukai University (bxb) [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt