Chapter 39: Power

995 58 0
                                    

Hylos's POV

Oh! Ako pala ang magkukwento...

Since, kilala ninyo na akong lahat... Hindi na ako magpapakilala.

"Let's start a story kung kailan natapos ang nasa history books," saad ko sa kanila.

"Umupo muna kayo at pakinggan ang aking kwento," payo ko sa kanila kaya naghanap sila ng upuan at umupo.

Napangiti ako. Para tuloy akong guro at may nakikinig na estudyante.

"Pero bago ako magsimula, let's keep it a secret, okay?" Tumango naman silang lahat kaya...

"Then, let's start with the rich boy on his castle...

*20 years ago*

Nasa bahay ako at pinupuntahan ang aking ina.

"Ina!" pagtawag ko sa kaniya nang makita ko siya sa library.

"Bakit, anak?"

"Bakit n'yo ba kami ginugulo?! Tinakwil n'yo na ako, 'di ba?"

Napangisi siya kaya natakot ako.

"Ikaw ang kailangan ko, dear..."

"What?!"

"Kailangan kita upang mapasakamay na natin ang mundo. Wala naman akong tutol sa inyo. Ang mahalaga lang sa akin ay ang trono ng iyong minamahal."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"What did you just said?"

"I said it loud and clear. I want his throne. At para mapasakamay ko iyon, kailangan ko ang tulong mo. Sasama ka ba sa akin, anak?" tanong niya sa akin at inilahad ang kaniyang kamay.

"Kung iyan ang paraan para masaktan siya,..." I slapped his hand and said... "...no way."

"You leave me no other choice... Guards!"

Kumunot ang noo ko nang tawagin niya ang mga gwardiya.

Para saan? Palalayasin ba niya ako?

Then it's a good thing!

"Ilagay ang lalaking ito sa kwarto niya at huwag ninyong palalabasin hangga't hindi ko sinasabi. Maliwanag?" sabi ni Ina matapos makarating ang mga gwadiya.

Nanlaki ang mga mata.

Nang hinila na nila ako, nagsalita ako kay Ina.

"Ganito na lang ba ninyo ako ituring?! Anak ninyo ako!"

Pero malayo na ako kaya hindi ko na narinig ang sagot niya.

Nang mapunta sila sa kwarto ko, inihagis na lang nila ako roon at sinarhan ng pinto.

Narinig ko pa ang pag-click nito, senyas na ini-lock nila ako rito.

Kumatok ako at pilit binubuksan ang pinto pero hindi ko mabukas.

Napaiyak ako...

"Patawad, mahal ko."

*Present*

"Sinabi ninyo na magsisimula kayo sa huling part ng history books kaya bakit iba ang story na naririnig namin?" tanong ng lalaking mukhang babae.

Ano ngang pangalan niya?

Ah! Yuiko.

"Yes, kasi hindi pa iyon nagaganap... Hinay-hinay lang... Gusto ko lang iparating sa inyo ang background ng nakaraan ko."

Tumango naman siya, at umupo ulit.

Mahoutsukai University (bxb) [Completed]Where stories live. Discover now