Chapter 35: Clues

1K 70 0
                                    

Foresight's POV

Napatayo ako nang wala sa oras nang may makita ako.

Tumingin naman sa akin ang lahat ng mga kaklase ko.

"Nabago ang hinaharap."

Napatigil sila at unti-unting ngumiti.

Umiling ako sa kanila at nagsalita ulit.

"Mas pinaaga ang mangyayari, sa halip na limang taon mula ngayon."

Nagulat sila sa sinabi ko.

Bigla namang dumating si Maestro kaya yumuko kami.

Nga pala, nasa Student Parliament building pa rin kami, sa receiving section, particularly.

Tumughay ulit kami kaya nagtanong na si Maestro.

"Kung gano'n, ilang taon na lang?"

Umiling ulit ako.

"Hindi po, ilang taon ang nararapat na tanong. Ilang araw or oras ang mas tamang sabihin... Maestro, bukas po magaganap ang lahat ng mangyayari."

"Kung gano'n..."

Sora's POV

"Here's a clue where you can find me.

Mula umaga hanggang gabi,
Dilim ang nananaig.
Mga sasakyan ay naririnig

Lamig ay mararamdaman
Kahit walang hangin o ulan
Tayo ay wala, Puno ay wala
Puro ugat lang ang nakikita

Iisa lang ang nakakaalam
Maestro ang kaniyang pangalan
Sa kaniyang bahay ay may libingan
At walang dapat na ibang makaalam."

Ito ang text sa akin ni Dad.

Hmm...

"Alam mo ito?" tanong ko kay Blaze.

Umiling naman siya.

"Tingin ko, underground ang ibig sabihin niyan."

Napatingin ako kay Yuiko nang magsalita siya. Ngumiti ako sa kaniya.

"That's my boy," sabi ni Phoenix sabay gulo nang kaniyang buhok.

Napa-pout naman si Yuiko.

"Pero saan ang entrance or exit? Hindi naman ito Japan na may underground train or something," tanong ni Buster.

"Say, Blaze, where will we go?"

Alam kong nagulat si Blaze pero nag-isip na rin siya.

"Hmm... Wait. Did you mean that we are going...?"

Tumango ako sa kaniya.

"In your place."

Blaze's POV

Nasa bahay kami ngayon, and I'm starving.

"Pwede bang kumain muna tayo bago tayo magpatuloy? Lunch time na, oh!" sabi ni Ghost.

Tumango ako.

"Yaya!" tawag ko kay Yaya Melinda. Pumunta naman sa harap ko si Yaya.

"Yes, Master?"

"Ipaghain mo kami nang lunch at sumabay kayo sa amin AT walang pero-pero," utos ko.

"Yes, Master."

At umalis na si Yaya.

Humarap naman ako sa kanila at nagsalita.

"I don't want to waste time so let's first take a look on my house. See if you can find something interesting habang hindi pa hinahanda ang pagkain natin."

Sumaludo naman sila kaya natawa ako.

Umalis na nga sila at naghiwa-hiwalay para maghanap nang kung ano ang kanilang matagpuan.

Pumunta naman ako sa Office ni Dad.

Naghanap ako nang pwedeng maging clue pero halos halughugin ko na ang office, wala pa rin akong makita.

Well, except from the table.

Pumunta ako sa table at binuksan ang nag-iisang drawer and then, I saw a paper with numerous numbers and letters on it.

02-R
14-L
01-R
26-L
05-R

Napakunot ako ng noo. What does this means?

Mahoutsukai University (bxb) [Completed]Where stories live. Discover now