Chapter 37: Memories

993 68 0
                                    

Blaze's POV

"Meron pa ba kayong nahanap na clue?" tanong ko.

"Ahmm..." Napatingin ako kay Yaya Melinda nang magsalita siya.

"Mawalang galang na po, Master pero meron pong lalaking naghahanap sa inyo kanina. Pinapasok ko na po siya sa bahay pero kani-kanina lang po, hinanap po namin siya para sumama sana sa atin sa pagkain ngunit hindi namin siya makita."

Napakunot ang noo ko.

"His name?" tanong ko.

Umiling si Yaya.

"Pero ang mukha po niya ay may pagkakahawig sa kaniya," sabi pa niya at tinuro si Sora.

At na-realize namin ni Sora kung sino ang pinapasok ni Yaya.

"Dad!"

Napatango ako.

"Then he's here. Nga lang, hindi natin alam kung nasaan siya," sabi ko sa kanila.

"Yeah."

"Oquzbbrianzjfne" Napatingin ako kay Ghost nang magsalita siya na meron pang laman ang bibig.

"What?"

Nilunok niya munang lahat bago magsalita.

"I said, I forgot. 'Cause may nakita akong bilog sa may pader. Alam ninyo 'yung nasa vault? 'Yung iniikot? Parang gano'n..."

"Then, that solves this," I said and I hand over a paper.

"That's a combination of numbers and letters. May mga numero at R at L ang nandiyan so that R and L is..."

"Kung paano ang ikot... Pakaliwa o pakanan," pagtutuloy ni Sora sa sasabihin ko.

"Tapusin muna natin ang ating kinakain at pumunta tayo sa kung saan nakita ni Ghost ang bilog na iyon."

Tumango naman sila sa sinabi ko.

Sora's POV

Nasa library kami ngayon at ito ay nasa pinakadulo.

Ghost pick a book at parang naging pinto ang shelf, na unti-unting bumukas.

Medyo lumayo kami nang konti dahil sa pagbukas nito.

At nang tuluyan na itong bumukas, may nakita kaming bilog sa pader.

Pumunta sa harapan si Blaze, hawak ang password.

"02 - Right
14 - Left
01 - Right
26 - Left
05 - Right"

At unti-unting bumubukas ang pader.

Madilim...

I created ball of light para lumiwanag, at nakita namin na ito'y hagdan pababa.

"Ang tinutukoy pala ni Dad na libingan ay basement ninyo," sabi ko kay Blaze.

Pumasok na nga kami doon.

Habang kami'y bumababa, may biglang nag-pop sa utak ko.

*17 years ago*

Napangiti ako nang may makita akong pendant.

"Daddy, bili tayo noon," sabi ko sabay turo sa isang pendant.

Napangiti naman si Dad at binili ang pendant na iyon.

Ibinigay niya sa akin ang pendant.

Umupo si Dad upang mapantayan ako at nagsalita.

"Para kanino iyan? Para kay B?" tanong ni Dad kaya namula ako.

"Mamaya, nasa basement siya ng bahay nila. Puntahan natin at ibigay natin iyan."

Ngumiti akong lalo at tumango.

"Salamat, Daddy." At nakita ko kay Dad ang isang malungkot na ngiti.

*Present*

Napahawak ako sa ulo dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Ano ito?

Mahoutsukai University (bxb) [Completed]Where stories live. Discover now